backup og meta

Panganib Ng Keto Diet: Mayroon Ba Itong Masamang Epekto Sa Katawan?

Panganib Ng Keto Diet: Mayroon Ba Itong Masamang Epekto Sa Katawan?

Kung nagpaplano kang magbawas ng timbang, malamang na nakita mo ang keto diet. Isang eating plan na nakatuon sa pagkonsumo ng mataas na amounts ng taba, moderate protein — at kaunting carbohydrate. Ngunit, habang epektibo ang keto diet para sa maraming tao. Kailangan mo pa ring magpatuloy nang may pag-iingat. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga panganib ng ketogenic diet.

Panganib ng keto diet: Short-Term

Magsimula tayo sa mga posibleng isyu sa kalusugan na pwede mong maranasan. Partikular, kung magpasya ka sa keto diet sa maikling panahon (mas mababa sa 2 taon).

Sinasabi ng mga ulat na ang short-term side effects ng ketogenic diet ay kinabibilangan ng isang koleksyon ng mga sintomas, kabilang ang:

  • Insomnia
  • Pagkahilo
  • Sakit ng ulo
  • Pagkapagod
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Constipation
  • Difficulty sa exercise tolerance

Tinatawag ng mga practitioners ang hanay ng mga sintomas na ito bilang “keto flu.” Ang mabuting balita dito, ang keto flu ay kadalasang nalulutas sa loob ng ilang araw o linggo — pagkatapos magsimula sa diyeta. Para mapagaan ang mga panganib na ito ng ketogenic diet, inirerekomenda ng eksperto ang pagkuha ng sapat na fluids electrolytes.

Panganib ng keto diet: Long-Term

Habang ang keto flu ay isang panandaliang isyu na kadalasang nalulutas nang walang paggamot. Ang mga potensyal na long-term dangers ng ketogenic diet ay ibang usapin. Ito’y dahil kinasasangkutan ito ng mga malubhang kondisyon sa kalusugan. Kung saan, nakakaapekto ito sa iba’t ibang organs.

Kabilang sa mga kondisyong ito sa kalusugan ang:

Mataas na Cholesterol

Tulad ng nabanggit kanina, ang ketogenic diet ay nangangailangan ng mataas na high-fat consumption. Kapag kailangan mong kumain ng matatabang pagkain, mahirap iwasan ang mga hindi malusog na taba. Tulad ng unsaturated at trans fats.

Sa katunayan, sinasabi ng mga ulat na ang keto diet ay nauugnay sa mas mataas na antas ng low-density lipoprotein (LDL) — o masamang kolesterol. Kung saan, isa itong malaking risk factor sa heart diseases.

Nutrient Deficiency

Sa ilalim ng ketogenic diet, kailangan mong bantayang mabuti ang iyong carb intake. Mula sa lahat ng sources kabilang ang mga prutas, gulay, at whole grains. Gayunpaman, tandaan na ang mga pangkat ng pagkain na ito ay mahalagang sources din ng vitamins, mineral, at iba pang sustansya — na kailangan ng katawan para gumana nang maayos.

Para sa kadahilanang ito, makikita na potensyal risk ng ketogenic diet ang kakulangan sa sustansya.

Ang mga sintomas ng nutrient deficiency ay nakasalalay sa kakulangan ng sustansya. Halimbawa, ang kakulangan ng magnesium ay pwedeng humantong sa muscle cramps, panghihina, o kombulsyon. Sinasabi rin ang night blindness ay pwedeng magresulta mula sa kakulangan sa vitamin A. Ang kakulangan ng fiber sa diyeta ay maaaring humantong sa constipation.

Mga Problema sa Bato at Atay

Kapag nasa ketogenic diet ka, nangangahulugan ito na ang iyong atay ay kailangang mag-metabolize ng maraming mga taba. Ito’y maaaring magpalala sa mga kasalukuyang problema sa atay na mayroon ka.

Gayundin, ang mga bato ay tumutulong din sa pag-metabolize ng protina — at ang ketogenic diet ay pwedeng mag-overload sa kanila.

Malabo na Utak at Mood Swings

Ang iba pang potensyal na panganib ng isang ketogenic diet ay brain fog at mood swings.

Sinasabi ng mga doktor na ang utak ay nangangailangan ng sugar mula sa mabubuting mapagkukunan ng carbohydrates. Ang pag-alis sa utak ng carbs ay pwedeng humantong sa fuzzy brain at mood swings.

Inirerekomenda ba ng mga Eksperto ang Ketogenic Diet?

Sa lahat ng potensyal ng ketogenic diet, inirerekomenda ba ng mga eksperto ang regimen na ito?

Ang ilang mga eksperto ay hindi nagpapayo sa general public na dumaan sa diyeta na ito. Una, dahil ang weight loss benefit nito ay hindi pa nangyayari. Pangalawa, ang ketogenic diet ay hindi sustainable: na may long-term side effects, hindi pwedeng gamitin ang diyetang ito sa loob ng maraming taon.

Gayunpaman, ang keto diet ay pwedeng maging kapaki-pakinabang para sa ilang mga tao. Sinasabi ng mga eksperto na binabawasan nito ang dalas ng seizures sa mga batang may epilepsy. Gayundin, pwede itong makatulong sa mga diabetic sa pamamagitan ng pagkontrol sa kanilang mga antas ng insulin at sensitivity.

Upang mas maunawaan kung ang ketogenic diet ay isang good eating plan para sa’yo, kumunsulta sa’yong doktor at nutritionist dietitian

Key Takeaways

Habang ang keto diet ay mabisa para sa maraming tao. Mayroon pa rin itong ilang mga kakulangan. Ang ilan sa potential dangers ng ketogenic diet ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng mataas na kolesterol, kakulangan sa sustansya. Maging ang mga problema sa bato at atay, at fuzzy brain at mga pagbabago sa mood.

Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ang ketogenic diet ay gagana para sa’yo ay ang pagpapakonsulta sa’yong doktor.

Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diyeta dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) Ketogenic Diet, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499830/, Accessed September 27, 2021

2) Should you try the keto diet?, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/should-you-try-the-keto-diet, Accessed September 27, 2021

3) The truth behind the most popular diet trends of the moment, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/the-truth-behind-the-most-popular-diet-trends-of-the-moment/art-20390062, Accessed September 27, 2021

4) Ketogenic diet: What are the risks?, https://www.uchicagomedicine.org/forefront/health-and-wellness-articles/ketogenic-diet-what-are-the-risks, Accessed September 27, 2021

5) What is the Keto Diet?, http://www.center4research.org/keto-diet/, Accessed September 27, 2021

Kasalukuyang Version

08/31/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement