Kilala ang detox diet bilang pampaalis ng toxins na mayroon sa ating katawan. Pero ang tanong, may katotohanan nga ba ang claim na ito? Sapagkat, marami pa rin ang mga tao na gustong sumubok kung gumagana ba ang detox diet, sa pag-asang makakatulong ito para sa kanilang pagbabawas ng timbang. Gayunpaman, ang ganitong pag-iisip ay maaaring maging dahilan ng panganib sa kalusugan, lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa kung paano ito gumagana. Kaya naman ipinapayo sa’yo na basahin mo ang artikulong ito upang malaman ang mga mahahalagang detalye sa detox diet at maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.
Ano Ang Detox Diet?
Ayon sa artikulong “Are Detox Diets Safe?” ang basic idea sa likod ng detox at cleanse diets ay para maglinis o purify ng katawan upang maiwasan ang mga sumusunod na problema:
- Pagkapagod
- Pagsakit ng ulo
- Pagduduwal
Sa tipikal na detox diet karaniwang kasama dito ang fasting, strict diet ng prutas, gulay, fruit juices, at tubig. May mga pagkakataon din na kabilang din ang mga sumusunod:
- Herbs
- Teas
- Supplements
- Colon cleanses o enemas
Sinasabi na ang detox ay maaaring makapagbigay ng mga sumusunod na benepisyo gaya ng mga sumusunod:
- Makapagpahinga ang iyong organs sa pamamagitan ng fasting
- Nakakapag-stimulate ng iyong atay at nag-aalis ng toxins sa’yong katawan
- Nagpro-promote ng toxin elimination sa pamamagitan ng pagdumi, pag-ihi, at pagpapawis
- Napapabuti nito ang iyong sirkulasyon
- Nabibigyan ang iyong katawan ng healthy nutrients
Dagdag pa rito ang detox therapies ay madalas na ginagamit ng ibang mga tao dahil sa exposure sa mga toxic chemicals sa ating environment. At kabilang sa mga toxic chemicals ang mga sumusunod:
- Pollutants
- Synthetic chemicals
- Heavy metals
- At iba pang nakakapinsalang compounds
Gumagana Ba Ang Detox?
Ang toxin ay isang kemikal o lason na may masamang epekto sa ating katawan. Pwedeng magmula ang mga toxin na ito sa mga sumusunod:
- Pagkain
- Tubig
- Mga kemikal na ginagamit sa paghahanda ng pagkain
- Hangin
Ang ating katawan ay pinoproseso ang mga toxin na ito sa pamamagitan ng ating atay at bato at inilalabas sa anyo ng ihi, dumi, at pawis. Sa madaling sabi, nakadisenyo ang katawan ng tao para linisin ang sarili nito.
Bagamat may mga claim na ang detox diet ay nakakatulong sa mga problema sa kalusugan gaya ng mga sumusunod:
- Sobrang katabaan o obesity
- Digestive issues
- Autoimmune disease
- Inflammation
- Allergies
- Pagiging bloated
- Chronic fatigue o matinding pagkapagod
Nanatili pa rin na walang sapat na katibayan na gumagana talaga ang detox diet, dahil kulang pa rin ang mga “human research” para sa detox diets.
Mga Dapat Mong Tandaan Tungkol Sa Detox Diet
Bagamat iniisip ng ibang mga tao na ang detox diets ay maaaring makatulong sa pagpapayat, narito ang ilang mga katotohanan na dapat mong malaman:
1. Hindi advisable ang detox diet sa mga teenagers
Nangangailangan ng maraming nutritional goodies at wastong dami ng calories at protein ang mga teen upang ma-sustain ang pagkakaroon nila ng normal growth at energy levels. Kaya naman ang diyeta na kinabibilangan ng fasting ay maaaring hindi makabuti para sa kanila.
2. Short-term use lamang ang detox diet
Ang mas matagal na paggamit ng detox ay ang paglaki ng tsansa ng pagkakaroon ng problema. Halimbawa kung ang isang tao ay nag-detox diet, maaari silang mag-regain ng timbang pagkatapos nila makumpleto ang diet. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng fasting sa loob ng mahabang panahon ay pwedeng magpabagal ng iyong metabolism. Kung saan ito ang mas nagpapahirap sa’yo para makapagbawas ng timbang.
3. Nagtataglay ng side effects ang detox supplements
Maaaring nagtataglay ang ilang herbs at supplements na makakasama sa’yong kalusugan, lalo na kung naging sobra-sobra ang pag-inom nito. Halimbawa, kung ang iyong iniinom na detox supplements o herbs ay nagtataglay ng laxative pwedeng maging dahilan ito ng pagkakaroon mo ng dehydration, electrolyte, at water imbalances kung magiging hindi tama at angkop ang iyong pag-inom.
Key Takeaways
Ang human body ay nakadisenyo para linisin at i-purify ang sarili, at maaari mong matulungan ang iyong katawan sa pagtatanggal ng toxins sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, pag-eehersisyo, at pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Huwag mo ring kakalimutan na wala pa ring sapat na katibayan na gumagana talaga ang detox diet. Sapagkat hanggang ngayon ay kulang pa rin ang research para sa detox diets.
Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diet dito.
[embed-health-tool-bmr]