Ang meat free monday na kadalasan na tinatawag na Meatless Monday ay ang lumolobong trend na nagsimula noong 2003. Ang movement na ito ay naglalayon na mapabuti ang kalusugan ng bawat tao sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkonsumo nila ng karne kahit na isang araw sa isang linggo. Bagaman ang mga plant-based diets ay mas nakikita na mere trends para sa iba, ang mga ito ay hindi lang lilipas na fad. Sa katunayan, ang kawalan ng meat ay isinasagawa na ng maraming mga kultura at relihiyon. Matuto tungkol sa benepisyo ng Meat Free Monday at paano magsisimula nito.
Bakit Mahalaga ang Meat Free Monday
Kung gustong-gusto mo na kumakain ng steaks, bacon, at cheeseburgers, at iisipin na aalisin ito sa iyong diet ay parang imposible. Gayunpaman, ang mga eksperto sa kalusugan at animal welfare advocates ay parehong sumang-ayon na karamihan ng ating diet ay naglalaman ng sobrang karne mula sa hayop. Kahit na ito ay mayaman sa protina, high meat (lalo na ang red meat) na konsumo ay humahantong sa mataas na banta ng pagkakaroon ng diabetes at cardiovascular na sakit.
Habang ang paghinto na kumain ng cold turkey ay mahirap na gawin, ang Meat Free Monday ay hakbang sa tamang direksyon. Ang hindi pagkain ng karne ay ginagawa ng mga vegans at vegetarians sa regular na basis, kaya’t posible ito.
Ilan sa mga benepisyo ng hindi pagkain ng karne, kahit na sa isang linggo lamang ay:
- Mainam para sa iyong budget
- Nagpapabuti ng fiber intake
- Nagpapalakas ng iyong bitamina A, bitamina C, at lebel ng antioxidant
- Mababa sa cholesterol at saturated fats
- Mas environmentally friendly
Meat Free Monday Meal Tops
Simulan sa mga Pamilyar na Pagkain
Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang at hindi pamilyar sa zero-meat dishes, maaaring mahirap na magdesisyon kung anong kakainin. Ang mga veg-friendly recipe online ay kadalasan na mukhang masarap ngunit karaniwan na kabilang ang foreign o exotic na sangkap. Depende sa iyong lokasyon, maaaring mahirap o mahal ang mga ganito. Sa halip na kumain ng kale o acai berries, bumili ng mga lokal na sangkap. Sa kabutihang palad, maraming mga prutas, gulay, at grains na mabibili sa Pilipinas.
Maging Maingat sa mga Processed Food
Sa kasalukuyan may mga soy-based at meat-free na produkto na mabibili sa grocery stores. Gayunpaman, huwag ipagpalit ang kalusugan sa pagiging convenient. Kahit na ito ay gawa sa kakaunti o walang animal product, ang walang karne na burger patties, sausages, at ang mga katulad nito ay kadalasan na may additives. Tingnan ang nutrition label para sa calories, fat, carbs, at sodium content. Iwasan ang mga pagkain na naglalaman ng high sodium, preservatives, dyes, at allergens.
Gawin Itong Group Effort
Ang Meat Free Monday ay hindi naman kinakailangan na solo journey. Katulad ng pagsubok ng bagong diet o exercise program, mahirap na manatiling on track na walang suporta. Karagdagan, ang pagluluto ng parehong meal para sa lahat ng nasa bahay ay mas madali kaysa sa paghahanda ng dalawang set. Ito rin ay oportunidad na mabilang ang mga bata sa kusina, dahil mas ligtas na hawakan ang mga prutas at gulay kaysa sa karne.
Maging Inspired
Mag-diskubre at mag-follow ng mga content mula sa Meat Free Monday advocates at vegan influencers. Ang mga taong ito ay makapagbibigay sa iyo ng motibasyon at inspirasyon upang magsimula at magpatuloy. Karamihan ng kanilang content ay kabilang ang mga recipes, kwentong buhay, at pagsusulong ng bagong meatless na produkto at veg-friendly na restaurants.
Karagdagang Paalala
Sa huli, mahalaga na alalahanin na ikaw ang magtatakda ng tuntunin sa sarili mong Meat Free Monday. Kahit na ito ang pangalan, hindi naman kailangan na gawin mo ito kada Lunes. Maaari kang pumili ng araw sa isang buong linggo o kahit na walang karne ng higit sa isang beses kada linggo. Kung kailangan mong mag-skip ng isa o dalawang linggo, wala ring problema iyon. Sa kabuuan, ang mahalaga ay ang pagbabawas ng pagkonsumo ng karne, kahit na hindi ito marami.
Graduate mula sa Meat Free Monday papuntang Full-time Vegan o Vegetarian
Matapos ang matagumpay na ilang linggong Meat Free Mondays, maaari kang magdesisyon na magpatuloy sa iyong meatless journey. Alalahanin na walang “tamang” paraan upang magpalit sa plant-based diet. Ang ilang mga tao ay nahihinto ang pagkain ng karne at hindi na muling bumabalik, habang ang iba ay paunti-unting nagbabago ng lifestyle.
Bago tumalon sa vegan o vegetarian diet, siguraduhin na gawin ang iyong research. Humingi ng tulong sa mga eksperto at sa online communities para sa tips at advice para sa mga nagsisimula. Karagdagan, mahalaga na tandaan na ang plant-based diet ay maaaring maging sanhi ng tiyak na kawalan ng nutrisyon. Ang protina mula sa mga hayop ay naglalaman ng mas maraming amino acids at iron kaysa sa mga plant-derived na protina.
Upang maiwasan ang kondisyon tulad ng iron at kakulangan ng bitamina B12 anemia, maaari kang kumonsumo ng mgadietary supplements. Sabihan ang iyong doktor tungkol sa iyong bagong diet plan upang matukoy nila kung anong akma para sa iyo.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Espesyal na Diet dito.
[embed-health-tool-bmr]