Kilala rin bilang stock, ang bone broth ay sabaw mula sa kumukulong buto ng hayop at connective tissue. Ginagamit ng mga chef ang stock bilang base para sa mga sopas, sarsa at kahit sa gravy. Ang iba naman ay ginagawa ang pag-inom ng sabaw bilang bone broth cleanse. Mula pa noong mga unang araw ng species ang mga tao ay gumagawa na ng bone broth. Tinataya ng mga anthropologist na ang mga tao ay umiinom ng sabaw na may buto at iba pang parte ng mga hayop mula pa noong sinaunang panahon.
Dahil sa dami ng sustansya ng bone broth, ang mga tao sa buong mundo ay gumagawa nito. At nitong mga nakaraang taon, tinatangkilik ang bone broth cleanse.
Naniniwala ang mga siyentipiko na dahil ang mga tao ay nanghuhuli ng mga hayop sa pangangaso dahil sa kanilang karne, pinakuluan din ang mga buto nito.
Ang mga manggagamot noong panahon pa ni Hippocrates ay itinataguyod ang mga benepisyo ng pag-inom ng sabaw ng buto. Halos lahat ng sibilisasyon ay may kani-kanilang bersyon. Ang isang halimbawa ay ang sikat na Japanese ramen dish na Tonkatsu. Kung tutuusin ang ibig sabihin nito ay “sabaw ng buto ng baboy.”
Glycine at Glutathione
Ang Glycine ay madalas na itinuturing na “hindi mahalaga” dahil maaari itong gawin ng katawan. Ito ang pinakasimple sa lahat ng mga amino acid. Sa detoxification, ang glycine ay mahalaga. Dahil kung wala ito, mas matagal bago magawa ng atay ang trabaho nito.
Bilang isa sa ilang panimulang compound ng glutathione, ang kahalagahan ng glycine ay nagiging mas na-highlight. Ang glutathione ay ang pinaka-powerful na antioxidant at detoxifying agent ng katawan. Ito ay binubuo ng tatlong amino acids na pinagsama-sama – glycine, cysteine, at glutamic acid.
Nire-recharge ng glutathione ang iba pang mga antioxidant sa katawan kabilang ang vitamin C, vitamin E, at lipoic acid. Tinutulungan ng glutathione ang katawan na labanan ang mga free radicals at maiwasan ang mabilis na pagkasira ng katawan.
Health Benefits ng Bone Broth
Ang pag-inom ng sabaw ng buto, o bone broth cleanse, ay mayaman sa maraming sustansya. Ito ay maaaring magbigay ng ilang kahanga-hangang benepisyo sa kalusugan.
Bukod sa naunang nabanggit na glycine, kabilang dito ang mataas na dami ng iba’t ibang mineral, ang collagen ng protina, at ang pinagsama-samang mga nutrients na glucosamine at chondroitin. Ang pagdaragdag ng ilang mga gulay sa sabaw ng buto ay maaaring makabuluhang mapahusay ang mga benepisyo nito sa nutrisyon.
Kabilang sa mga benepisyo ay:
- Weight Management – Ang bone broth cleanse at mga broth-based soup ay makakatulong sa iyo magkaroon ng pakiramdam na busog sa kabila ng kanilang mababang calorie. Ginagawa itong isang mahusay na pagpipilian para sa mga taong sumusunod sa isang weight loss diet plan.
- Mas mahusay na Hydration – Tumutulong sa hydration ng katawan ang mataas na water content ng sabaw. Ang katawan ay may 70 porsiyento ng tubig at nakakaapekto sa halos bawat paggana ng katawan.
- Mas mahusay na Pagtulog – Ang pag-inom ng sabaw ng buto ay naglalaman ng maliit na halaga ng amino acid glycine. Ito ay maaaring magsulong ng relaxation at mas malalim, mas nakapagpapagaling na pagtulog.
- Anti-inflammatory effects- Ang glycine sa bone broth ay maaaring may ilang anti-inflammatory at antioxidant effect.
- Joint health- Matatagpuan sa sabaw ang glucosamine at chondroitin. Ang mga ito ay maaaring makatulong para mapabuti ang kalusugan ng joint health at mabawasan ang mga sintomas ng osteoarthritis.
- Kalusugan ng buto- Ang pag-inom ng sabaw ng buto ay may mga sustansya na mahalaga sa kalusugan ng buto, tulad ng calcium.
Maaaring hindi na paborito ang pag-inom ng sabaw sa karamihan ng mga sambahayan ngayon. Siguro ito ay dahil sa lifestyle na hindi na nagluluto sa bahay. Malayo sa pagiging makaluma, ang sabaw ay patuloy na naging pangunahing pagkain sa professional at gourmet cuisine, dahil sa walang kapantay na lasa at katawan nito.
Bone Broth at Detoxification
Ang pag-inom ng sabaw ay nananatiling popular na pagpipilian kapag gusto ng mga tao na linisin ang kanilang mga body toxins. Exposed sa mas maraming toxins ang mga tao ngayon kaysa noong unang panahon. Kabilang dito ang libu-libong kemikal na ngayon ay nasa ating pagkain, tubig, at hangin, gayundin ang lahat ng uri ng radiation na kadalasang hindi natin nakikita.
Kahit nagsasagawa ang katawan ng internal cleansing araw-araw, sa bawat oras na ito ay naglilinis ng mga compound mula sa dugo, ang pagkaubos ng glutathione at iba pang mahahalagang sustansya ay nangyayari. Mahalaga para sa katawan na mag-detoxify at, marahil nakakagulat, ang isang bagay na kasing sinauna ng sabaw ng buto ay maaaring makatulong sa prosesong iyon.
Habang ang mga sangkap ng bone broth cleanse ay matagal na pinakukuluan, ang ilang mga nutrients mula sa buto o tissue ay nailalabas sa sabaw (na mas madalas kaysa sa hindi, tubig). Dahil kaunti lang ang lumalabas, hindi malinaw kung ang mga sustansya sa isang bone broth cleanse ay kapaki-pakinabang sa katawan.
Bagama’t wala pa ring siyentipikong katibayan na ang pag-inom ng sabaw ng buto ay pwedeng makaalis ng pananakit ng kasukasuan. At ginagawang mas matigas ang balat, mapabuti ang panunaw, o pinalalakas ang mga buto, ito ay lubos na masustansya. Ang pagdaragdag ng sabaw ng buto sa pang-araw-araw na diet ng ay nagbibigay sa isang tao ng mga benepisyo sa kalusugan.
[embed-health-tool-bmr]