Ang paraan kung paano pumayat ng mabilis at ligtas ay kabilang sa pinakakaraniwang alalahanin ng mga tao pagdating sa kalusugan. Sa kabila ng lahat, ang mga tao ay may posibilidad na iugnay ang pagbaba ng timbang sa mabuting kalusugan, sa pananatiling fit, at magandang hitsura.
Nakagugulat, na ang mga tao ay hindi laging nauugnay ang pagbaba ng timbang sa mabuting kalusugan. Sa katunayan, ang ideya ng pagiging slim at fit ay pagsasabi na ikaw ay malusog – at isa ito sa mga recent concept na mayroon ang tao.
Noong 1500s hanggang 1900s, nadama ng karamihan ang paniniwala na ang pagiging slim o fit ay isang masamang bagay. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay hindi mayaman, o wala silang sapat na pagkain para makakain. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang paniniwala sa pagbaba ng timbang ay nagbago.
Bakit Mahalaga ang Pagbabawas ng Timbang?
Ngayon, ang pagbabawas ng timbang ay isang bagay na aktibong ginagawa ng mga tao, hindi lamang para maging malusog, kundi para maging maganda at magkaroon ng mahusay na pakiramdam.
Sa kasalukuyan, marami pang nalaman ang mga doktor kung paano gumagana ang ating mga katawan. At kung ano ang papel na ginagampanan ng pagbaba ng timbang sa ating kalusugan. Ito rin ang dahilan kung bakit itinuturing na isang sakit ang labis na katabaan, at sinisikap ng mga doktor na tulungan ang kanilang mga pasyente na magbawas ng timbang para mapanatili ang kanilang kalusugan.
Ano ang Dapat Maging Ideal na Timbang?
Ang isa sa mga katanungan na madalas na lumalabas kapag tinatalakay ang paksa tungkol sa pagbaba ng timbang ay kung ano ang ideal weight.
Sa kabila ng lahat, ang pag-alam kung paano mabawasan ng timbang ay isang bahagi lamang ng equation. Kailangan mong magkaroon ng target na timbang para mabigyan ka ng ideya kung nasa right track ka.
Ang isang karaniwang ginagamit na paraan ay ang pag-unawa sa BMI o body mass index. Ito ay tumutukoy sa kung gaano kalaki ang timbang ng isang tao kaugnay sa kanilang taas o tangkad.
Gayunpaman, ang isang problema sa paggamit ng BMI ay karaniwang nakabatay ito sa average na taas at timbang ng isang tao. Ang isang flaw dito ay hindi nito nadi-distinguish ang muscle sa fat.
Ang muscle ay mas siksik kumpara sa fat, kaya ang isang maskuladong tao ay maaaring sobra sa timbang o napakataba batay sa kanilang BMI, pero sa katotohanan sila’y ganap na malusog at fit.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang ituring ang BMI bilang isang rough guide pagdating sa’yong ideal na timbang.
Pinakamainam na makipag-usap sa iyong doktor at sa isang rehistradong nutritionist dietitian, para makabuo ka ng fitness at dietary plan kung sinusubukan mong magbawas ng timbang, dahil mahalaga ito upang malaman mo kung paano pumayat ng mabilis at ligtas.
Ano ang epekto ng pagiging obese o sobrang timbang sa katawan?
Malaki ang papel ng timbang pagdating sa kalusugan ng isang tao. Kapag nagiging sobra sa timbang o obese ay nalalagay ang isang tao sa panganib ng ilang mga sakit, at karamihan sa mga sakit na ito ay may posibilidad na lumala sa paglipas ng panahon.
Ang ating mga katawan ay hindi idinisenyo para magdala ng labis na timbang at ang pagkakaroon ng labis na taba sa katawan ay maaaring magbigay ng maraming strain sa ating mga organs — na nagiging dahilan ng pamamaga, at ang taba ay maaari ring mag-build sa loob ng ating blood vessels, at mapataas ang risk ng cardiovascular disease.
Isa pang problema ay ang ating mga buto at kasukasuan ay hindi idinisenyo para mahawakan ang labis na timbang. Ang mga taong obese ay posibleng magkaroon ng mas maraming problema sa buto at kasu-kasuan kumpara sa mga hindi obese.
Ang mga taong may mga problema sa timbang ay maaari ring magdusa mula sa hitsura ng katawan at mga isyu sa pagpapahalaga sa sarili. Karaniwang nakikita ang mga tao na nahihiya o napapahiya sa kanilang timbang, at maaari pa itong humantong sa pagkabalisa at depresyon.
Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagbabawas ng timbang pagdating sa ating pangkabuuang kalusugan.
Anong mga problema sa kalusugan ang resulta ng labis na timbang?
Narito ang ilan sa mga posibleng sakit at problema sa kalusugan na maaaring magkaroon ng mga taong sobra sa timbang o obese:
- Hypertension
- Diabetes
- Sakit sa puso
- Atherosclerosis
- Sakit sa likod at gulugod
- Aneurysm
- Chronic kidney disease
- Stroke
- Sleep apnea
- Sakit sa buto at joints
- Pagkabalisa
- Depresyon
Para sa isang taong napakataba o sobra sa timbang, ang pagbaba ng kahit 10% lamang ng kanilang kasalukuyang timbang ay maaaring magkaroon ng malaki at magandang epekto sa kanilang kalusugan. Binibigyang-diin lamang nito kung gaano kahalaga ang pagbaba ng timbang.
Ano ang mga Benepisyo ng Pagbaba ng Timbang?
Ngayong napag-usapan na natin kung bakit mahalaga ang pagbaba ng timbang, oras na para pag-usapan ang mga benepisyong maibibigay nito.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pag-alam kung paano magpapayat:
Maaari nitong mapababa ang iyong risk para sa ilang mga sakit
Kung ang pagpapataas ng timbang ay maglalagay sa’yo sa risk para sa ilang mga sakit, ang pagbabawas ng timbang ay maaaring namang makapagpababa ng iyong risk na magkaroon ng mga karaniwang sakit sa “pamumuhay” tulad ng sakit sa puso at diabetes.
Ang magandang bagay tungkol sa pagbaba ng timbang ay hindi pa huli ang lahat para gawin ito. Talagang mararamdaman mo ang mga agarang epekto ng pagbaba ng timbang kapag nagsimula ka. Mas magiging malusog ang iyong pakiramdam, dahil alam mong gumagawa ka ng mga pagbabago para mapabuti ang iyong kalusugan.
Ang pagbaba ng timbang ay nagpapalakas sa’yo
Ang isa pang benepisyo ng pagbabawas ng timbang ay ang pakiramdam mo na malakas at mas malusog kumpara noong ikaw ay napakataba o sobra sa timbang.
Mas makakagawa ka rin ng mga pisikal na aktibidad, at tiyak na mag-e-enjoy ka sa’yong newfound mobility at athleticism!
Ang pagbaba ng timbang ay nagpapabuti sa’yong pagpapahalaga sa sarili
Ang isang makabuluhang epekto ng pagbaba ng timbang ay ang pagpapahusay nito sa pagpapahalaga sa sarili ng isang tao. May satispaksyon na nararamdaman sa pag-alam na ang hitsura at pakiramdam mo ay malusog, at ito’y lubos na nagpapabuti sa kumpiyansa ng isang indibidwal.
Ang pagbaba ng timbang ay maaaring magpahaba ng buhay at mas maging masaya
Panghuli, ang pagbabawas ng timbang ay makatutulong sa’yong mabuhay nang mas matagal, at magkakaroon ka ng mas magandang kalidad ng buhay.
Ang pagbaba ng timbang ay maaaring makatulong sa’yo na maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang problema sa kalusugan, gayundin ang mga sintomas na dulot ng pagiging obese o sobra sa timbang. Mas kaunting pananakit ang mararanasan mo, at sa pangkalahatan ay mas magaan ang pakiramdam mo kapag nagsimula kang magbawas ng timbang.
Paano Pumayat ng Mabilis at Ligtas?
Sa tanong kung paano pumayat ng mabilis at ligtas, ang sikreto rito ay ang pagsusumikap.
Ang dalawang bagay na kailangan mong tandaan tungkol sa pagpapapayat ay ang mag-ehersisyo araw-araw, at kumain ng tama.
Ang 2 simpleng bagay na ito, kapag ginawa ng maayos, ay hindi lamang makatutulong sa’yo na mabawasan ng taba sa katawan, ngunit nakatutulong din sa’yo na mabawasan ang timbang. Ito lang ang simpleng sikreto kung paano pumayat ng mabilis at ligtas.
Tandaan, hindi sapat ang simpleng pagbaba ng timbang. Ang mas mahalagang bagay ay manatili sa’yong ideal na timbang hangga’t maaari.
Karamihan sa mga tao ay sasang-ayon na ang pananatili sa’yong weight goals ay ang pinakamahirap na bagay pagdating sa pag-maintain ng kalusugan. Sa kabila ng lahat, nakakaakit na laktawan ang ilang araw ng pag-eehersisyo, o kumain ng labis na pagkain kapag naabot mo ang target na timbang. Ngunit kung magpapabaya ka, maaari mong makita ang iyong sarili pabalik kung saan ka nagsimula.
Kaya mahalagang gawin itong bahagi ng iyong pamumuhay, at hindi lamang isang bagay na ititigil mo sa paggawa kapag naabot mo ang iyong layunin.
Ano ang ilang mga hadlang sa pagbaba ng timbang?
Siyempre, sa pagpapababa ng timbang ay mayroong pa ring mga hadlang na tinatawag. Ngunit sa kabila ng lahat, kung ang pagbaba ng timbang ay napakadali, lahat ng tao ay gagawin ito, tama?
Narito ang ilang karaniwang hadlang na nararanasan ng mga tao kapag sinusubukang magbawas ng timbang:
- Nawawalan ng motibasyon
- Gumagawa ng mga dahilan para maiwasan ang ehersisyo
- Ang pagkain ng sobra, at iniisip na mababawi ito ng pag-ehersisyo
- Nagda-diet nang hindi nag-eehersisyo
- Ang masyadong pagpopokus kung paano pumayat ng mabilis, at hindi sa pagiging malusog
- Walang anumang long-term o sustainable goals
- Ang pagkakaroon ng masyadong maraming expectation nang maaga
- Hindi mapanatili ang kanilang target na timbang
Sa pamamagitan ng pagpapanatiling mulat sa’yong sarili sa mga hadlang na ito, mas makapaghahanda ka para sa’yong weight loss journey. Makatutulong ito kung mayroon kang makakasama mag-ehersisyo at magpapayat para magsuportahan kayo habang pareho kayong nagiging fit at malusog.
[embed-health-tool-bmi]