“The customer is always right” at “service with a smile” ay ilan lamang sa mga motto na pinaniniwalaan ng maraming kumpanya. Bagama’t ito ay kapaki-pakinabang para sa mga mamimili, ito ay kadalasang nagbibigay ng emotional load sa mga manggagawa. Sa paglipas ng panahon, maaaring bumigat ang emotional labor at humatong sa poor mental health. Matuto nang higit pa tungkol sa mga senyales ng emotional labor dito.
Ano ang Emotional Labor?
Bago pa man tayo tumungo sa senyales ng emotional labor, nararapat na maintinidhan muna natin kung ano ang pakahulugang sa pariralang ito.
Sa pangkalahatan, ang labor ay tumutukoy sa anumang uri ng trabaho o pagsisikap na kinakailangan upang magawa ang isang tiyak na gawain. Ayon sa kaugalian, ito ay tumutukoy lamang sa pisikal na paggawa tulad ng pagtatrabaho sa isang sakahan o pabrika. Gayunpaman, ang modernong kahulugan ng labor ay kinabibilangan ng pisikal, mental, at emosyonal na aspeto.
Kung paanong ang physical labor ay maaaring maging mabigat na pasanin sa katawan, ang emotional labor naman ay maaaring nakakapapagod at nakauubos. Kapag ang mga manggagawa ay inaasahang susuriin ang kanilang mga emosyon sa pintuan lamang, ito ay nangangahulugan na hihilingin lang sa kanila na huwag pansinin ang anumang mga personal na problema o ibang hindi nauugnay sa trabaho.
Mayroong dalawang uri ng emotional labor, katulad ng surface acting at deep acting. Ang surface acting ay nangyayari kapag ang isang tao ay kinakailangang magpakita ng masayang mukha kahit na nahaharap sa isang nakababahalang sitwasyon, tulad ng isang nagagalit na customer. Sa kabilang banda, ang deep acting ay sinasabing, “real feelings that have been self-introduced” o kumbaga, “fake it until you make it.”
Gayunpaman, hindi ito posible sa lahat ng oras. Hindi sinasabi na ang pagsupil sa mga emosyon nang napakatagal ay maaaring negatibong makaapekto sa kalusugan ng isip.
Mga Manggagawa na Kadalasang Nakararanas ng Emotional Labor
- Mga waiter at waitress
- Food services workers
- Custodians at sanitation workers
- Medical frontliners
- Office secretaries
- Call center agents
Senyales
#1: Fatigue o burnout
Ang unang senyales ng emotional labor sa kahit na anumang trabahador ay pagkapagod o fatigue. Tulad ng physical labor, ang emotional labor ay maaaring magdulot ng pinsala sa katawan at isipan. Bagama’t karamihan sa mga araw ay maaaring maganda, ang pagpapanatiling nakangiti sa kabila ng pagkakataon na nasisigawan o naiinsulto ng isang customer ay nakakapagod. Bagama’t maaaring bahagi ito ng trabaho, hindi nito binabalewala ang mga negatibong epekto.
Alam ng mahuhusay na managers kung kailan tutukuyin at tutugunan ang mga problema sa workplace, gayunpaman, hindi nila makokontrol ang lahat. Kung nakararamdam ka ng fatigue o burnout dahil sa sobrang tagal ng pagpapanatiling matapang ang mukha sa trabaho, huwag matakot na sabihin ito sa iyong superior. Gamitin ang iyong mga break at mga day off na walang iniintinding kahit ano tungkol sa trabaho upang maiwasang ma-overwhelm ang sarili sa lahat.
#2: Hindi na nasisiyahan sa trabaho
Maaaring may isang punto na ang emotional labor ay maaaring maging masyadong mabigat at sa huli ay kinasusuklaman mo na ang iyong trabaho. Kung nahihirapan kang gumising sa umaga at mag-commute papunta sa trabaho sa kabila ng sweldo at mga benepisyo, maaaring ito ay dahil sa labis na emotional labor o iba pang mga rason. Maaari ka lamang dalhin ng surface acting at deep acting kung saan.
Ang pakikipag-usap sa iyong superior o HR ay maaaring isang paraan upang mapabuti ang iyong work environment. Gayunpaman, depende sa likas na katangian ng trabaho mismo, maaaring oras na upang magpalit ng kareer o lugar ng trabaho.
#3: Pag-compartamentalize
Ang compartmentalization ay isang defense mechanism na ginagamit kapag ang mga tao ay nahaharap sa conflicting emotions o thoughts. Maaari itong maging isang kapaki-pakinabang na tool upang makamit ang mga karanasan mapa sa trabaho o sa buhay. Gayunpaman, imposibleng ganap na paghiwalayin ang ating real self mula sa ating professional self sa lahat ng oras.
Ang mga taong masyadong nag-cocompartmentalize sa trabaho ay maaaring makaramdam ng hindi pagkakaunawaan o pagkalito kung ano ang kanilang aktwal na paniniwala at damdamin. Halimbawa, ang mga medical workers ay kadalasang inaasahang isasantabi ang kanilang mga panrelihiyong paniniwala. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang iyong workplace ay nasangkot sa isang bagay na hindi mo pinaniniwalaan, tulad ng pagsasalin ng dugo o pagpapalaglag?
Sa sitwasyong ito, maaari mong bigyang-katwiran na hindi ikaw ang gumaganap ng kilos kaya ito ay katanggap-tanggap. Gayunpaman, paminsan-minsan ay maaari kang makaramdam ng pagiging hypocritical dahil dito. Maaari kang makaranas ng identity o cognitive dissonance.
#4: Pag-unload ng damdamin sa bahay
Habang ang emotional labor ay nagdidikta na ang mga manggagawa ay dapat suriin ang kanilang mga emosyon sa pintuan lamang, ang kabaligtaran ay hindi totoo. Kapag inaasahan nating pigilan ang ating mga emosyon sa workplace, kadalasan ang tanging lugar na maaari nating ilabas ang mga ito ay sa bahay. Ang pag-unload pagkatapos ng isang mahirap na araw sa trabaho ay maaaring makapagpaginhawa. Gayunpaman, ito ay maaaring magdulot ng stress sa iyong pamilya na maaaring magkaroon ng emosyonal build up sa kanilang sarili.
Ang iyong tahanan at pamilya ay dapat na santuwaryo, hindi isang emotional dump site.
#5: Strained personal relationships
Kaugnay ng nakaraang numerong nabanggit, kung ito ay nakapipinsala sa iyong trabaho at personal na buhay, ito ay isang masamang senyales ng emotional labor. Kung palagi mong nakikita ang iyong sarili dumaranas ng mahirap na pagsubok, maaaring oras na para sa pagbabago. Kahit na ang pinaka-suportadong kapareha o kaibigan ay maaaring mapapagod sa pagdinig tungkol sa mga problema sa trabaho. Maaaring simulan nilang iwasang pag-usapan ang mga paksa tungkol sa trabaho o iwasan pa ang paglaan ng oras sa iyo dahil dito.
Kung nakikita mo ang iyong sarili na patuloy na nagrereklamo tungkol sa trabaho sa iba, kailangan mong tugunan ito sa pinagmulan nito.
Key Takeaways
Bilang pagbuod, ang emotional labor ay isang karaniwang alalahanin para sa maraming customer-oriented workers at frontliners. Maaaring gawing hindi gaanong kasiya-siya ng pasanin ang pagtatrabaho at kahit na makagambala sa iyong buhay tahanan. Habang ang emotional labor ay hindi lubos na maiiwasan, may mga paraan upang mabawasan ito at makayanan.
Ang pakikipag-usap sa iyong superior o HR tungkol sa hindi healthy na workplace ay isang paraan upang matugunan ang mga isyu. Ang mga senyales ng emotional labor ay maaaring pumatong sa iba pang mga isyu sa kalusugan ng isip. Kumunsulta sa isang therapist kung sa palagay mo ay hindi ka makahahanap ng malusog na paraan upang pamahalaan at makayanan ang iyong mga emosyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pag-Manage ng Stress dito.