backup og meta

Sanhi at epekto ng stress sa kalusugan ng tao, alamin dito!

Sanhi at epekto ng stress sa kalusugan ng tao, alamin dito!

Ang sanhi at epekto ng stress sa kalusugan ng tao ay hindi biro. Maraming indibidwal ang nagdurusa dahil dito. Ito ay physical at emotional anxiety na maaaring magmula sa anumang bagay at pangyayaring nakakabalisa, pagkabigo at pagkainis. Ang hindi ma-kontrol na stress ay maaaring humantong sa iba’t ibang mga problema sa kalusugan tulad ng hypertension, kondisyon ng puso, labis na katabaan, at diabetes. 

Para i-manage ang stress, ang unang hakbang para rito ay unawain ang sanhi at epekto ng stress. Maging ang mga sintomas ng pagkabalisa.

Ang stress at pagkabalisa ay magkaugnay. Ang stress ay reaksyon ng katawan sa isang banta (kadalasang ito ang mga external cause). Samantalang ang pagkabalisa ay reaksyon ng katawan sa stress (kadalasang ito ang mga internal cause).

Anumang bagay na nag-uudyok ng stress ay tinatawag na stressor. At ang stressors ang kailangan mong bantayan. Tandaan: ang stressors ay maaaring magmula sa iba’t ibang sources.

Sa artikulong ito, malalaman mo kung ano ang mga sanhi at epekto ng stress sa kalusugan, at kung paano mo ito makokontrol.

Stressors: Ang Mga Dahilan ng Stress

Ang stressors ay mga pangyayari o kondisyon sa’yong kapaligiran na nagdudulot ng stress. Sa katunayan, anumang oras na gumawa ka ng mabilis na pagbabago o pagsasaayos sa’yong buhay tulad ng mga kaganapang kailangan mong i-manage ang isang makabuluhang pangyayari sa buhay, pagbabago ng trabaho o paglipat sa isang bagong komunidad. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng ng coping mechanism para makayanan ang pagsubok sa pagkakasakit ng pamilya ay maaaring humantong sa pagkabalisa at stress.

Ang maliliit na aksyon tulad ng pag-aalala tungkol sa ekonomiya o personal finances ay maaaring mag-ambag sa stress. Maging ang kombinasyon ng mga pang-araw-araw na gawain ay maaaring maging stressor. Kapag hinawakan mo ang maraming tungkulin nang sabay-sabay – gaya ng pagiging asawa, magulang, at tagapagtaguyod ng pamilya, ang pang-araw-araw na buhay ay maaaring maging malaking dahilan ng pagkabalisa.

Sa modernong buhay ngayon, madaling kapitan ng stress ang isang tao. Masasabi na ang pagiging sobra sa teknolohiya tulad ng paggamit ng mobile phone, e-mail, at mga text ay maaaring gumanap ng isang malaking papel bilang stressors.

Ang Pangmatagalang Epekto ng Stress

Kapag nahaharap sa stress, ang iyong katawan ay naglalabas ito ng mga hormone. Ang mga hormone na ito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa’yong katawan. Halimbawa, ang iyong presyon ng dugo ay maaaring tumaas, ang iyong puso ay maaaring tumibok sa paraang ‘di normal at ang iyong tiyan ay maaaring maging tense. Sa paglipas ng panahon, ang reaksyon ng stress na ito ay humahantong sa mas malubhang mga kondisyon tulad ng hypertension at sakit sa puso.

Walang mali sa mga nabanggit. Ang stress ay makakaapekto sa’yong pangkalahatang pankalusugan. Sa paglipas ng mga taon, maaari mong maranasan ang ilan sa mga sintomas na ito:

  • Pisikal – Paulit-ulit na sipon o pulmonya, pagduduwal, hirap makatulog, pulikat ng kalamnan, mga problema sa balat, sakit sa sikmura tulad ng acid reflux
  • Mental – Mahinang konsentrasyon, pagkalimot, mga problema sa pag-aaral, paulit-ulit na negatibong pag-iisip, mga problema sa pagsasalita
  • Emosyonal – Mga pag-atake ng sindak, pagkabalisa, galit, pagbabago ng mood, kawalang-galang, kawalan ng pag-asa, mga isyu sa mga relasyon
  • Pag-uugali – Malubhang pagkain, pagmamaneho nang walang ingat, pag-abuso sa droga o alkohol, pagiging prone sa aksidente at karahasan

Karamihan sa mga nakararanas ng sobrang stress ay hindi alam kung kailan matatapos ito. Kadalasan, kapag ang mga sintomas ng stress ay nakakasagabal sa trabaho at mga relasyon, ito ay tinatawag na anxiety.

Ang mga sintomas ng pagkabalisa ay kinabibilangan ng:

  • Mababang enerhiya
  • Sakit ng ulo
  • Masakit ang tiyan, kabilang ang pagtatae, paninigas ng dumi, at pagduduwal
  • Mga pananakit at paninigas ng kalamnan
  • Sakit sa dibdib at mabilis na tibok ng puso
  • Hindi pagkatulog
  • Madalas na sipon at impeksyon
  • Pagkawala ng sekswal na pagnanais 
  • Galit, inis, o pagkabalisa
  • Pakiramdam ng pagkalula, walang motibasyon, o hindi makapokus
  • Pagkakaroon ng racing thoughts o patuloy na pag-aalala
  • Mga problema sa’yong memorya o konsentrasyon
  • Paggawa ng masasamang desisyon

Paano Protektahan ang Iyong Sarili mula sa Stress

Ang pagkontrol sa’ting mga emosyon ay mahirap. Lalo na kung ang mga emosyong ito ay overwhelming. Kaya naman ang listahan sa ibaba ay maaaring makatulong sa isang indibidwal para mapawi ang mga sanhi at epekto ng stress.

  1. Mag-ehersisyo – Magkasalungat man kung pakikinggan, ngunit ang paglalagay ng physical stress sa ehersisyo ay maaaring makapawi ng mental stress.
  2. Ikonsidera ang Supplements – ​​Nakakatulong ang ilang supplement na mapawi ang stress at pagkabalisa. Gayunpaman, bago uminom ng anumang gamot, kumunsulta sa’yong doktor.
  3. Chew Gum – Ang chewing gum ay makakatulong sa’yo na makapagpahinga, ayon sa ilang pag-aaral. Maaari rin itong mag-promote ng kagalingan at bawasan ang stress.
  4. Kumuha ng Yoga Class – Para sa pagbabawas ng stress, ang tao sa buong mundo ay nagsasanay ng yoga. Nakita na humantong ito sa pagbaba ng presyon ng dugo at mas mababang antas ng stress hormones.
  5. Gumugol ng Oras kasama ang Iyong Alagang Hayop – Ang paggugol ng oras kasama ang iyong alagang hayop ay isang nakapapawi. At nakakatuwang paraan ng pagpapababa ng stress.
  6. Bawasan ang Iyong Pag-inom ng Caffeine – Ang mataas na antas ng caffeine ay maaaring magpapataas ng stress at pagkabalisa. Bawasan ang caffeine o alisin ito sa iyong diyeta.
  7. Gumugol ng Oras sa Mga Kaibigan at Pamilya – Makikita na ang pagkakaroon ng matatag na relasyon sa lipunan ay makakatulong sa’yo. Para makayanan ang stress at mabawasan ang panganib ng pagkabalisa.
  8. Makinig sa Nakapapawing pagod na Musika – Ang pakikinig sa musika ay maaaring maging isang perpektong paraan para mabawasan ang stress.
  9. Malalim na Paghinga – Sa pagko-concentrate sa’yong paghinga ay magtuturo sa iyo na huminga nang iba.

Maaaring mangyari ang stress at pagkabalisa sa trabaho at sa iyong personal na buhay. Ngunit maraming madaling paraan para mabawasan ang pressure. Ang lahat ng mga pamamaraan na nabanggit sa itaas ay makakatulong upang mapagaan ang mga sanhi at epekto ng stress.

Key Takeaways

Marami ang sanhi at epekto ng stress. Humanap ng mga paraan upang harapin ang stress. Maging maingat na lamang din sa mga hindi epektitbong pamamaraan sa pag-handle ng stress tulad ng panonood ng TV, pag-browse sa internet, o paglalaro ng mga video game. Maaaring sa una ay nakapagpapaalis ito ng pagkabalisa, subalit sa katagalan, maaaring magpataas pa ito ng stress level. Para magkaroon ng isang malusog na pamumuhay, sikaping makakuha ng sapat na tulog, at kumain ng isang malusog, balanseng diyeta, itigil o iwasan ang mga sigarilyo, caffeine alcohol, at mga ipinagbabawal na substances.

Magpatingin na sa’yong doktor kung hindi ka sigurado kung ano ang nagtri-trigger ng iyong stress o kung gumawa ka naman ng mga hakbang para makontrol ang stress ngunit patuloy pa rin ang mga sintomas. Maaaring gustuhin i-test ng iyong healthcare professional na subukan ang iba pang mga potensyal na pag-trigger. Sa pagpapatingin din maaari mo ring ikonsidera ang  isang kwalipikadong tagapayo o therapist upang makatulong sa iyong matukoy ang mga kadahilanan ng stress at matuto ng mga bagong paraan upang pamahalaan ang anxiety.

Magpagamot kaagad kung nahihirapan kang huminga, mayroong pananakit ng panga o likod, pagsusuka, pagkahilo, pagduduwal, mga pananakit na lumalabas sa’yong mga balikat at braso. Maaaring ito ay mga senyales ng atake sa puso at hindi lamang sintomas ng stress. Kaya siguraduhing humingi ng tulong medikal kung kinakailangan.

Matuto pa tungkol sa Pamamahala ng Stress dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/in-depth/stress-symptoms/art-20050987

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/19556949

https://www.stress.org.uk/how-it-affects-us/

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2452301117300305

https://www.stress.org.uk/how-it-affects-us/https://www.webmd.com/balance/stress-management/effects-of-stress-on-your-body

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2452301117300305

https://www.stress.org.uk/how-it-affects-us/

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2452301117300305

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Law of Attraction at Paano Ito Gumagana sa Kalusugan?

Nakatutulong Ba ang Scented Candles sa Pagrelax? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement