Madalas mo bang kinakagat ang iyong mga kuko kung ikaw ay nababahala o stressed? Nababahala ka ba sa mga potensyal na salik sa kalusugan na maaaring maging sanhi nito? Sa artikulong ito, alamin kung paano pigilan ang pagkagat ng kuko.
Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD · Neurology · Centre Médicale Internationale
Madalas mo bang kinakagat ang iyong mga kuko kung ikaw ay nababahala o stressed? Nababahala ka ba sa mga potensyal na salik sa kalusugan na maaaring maging sanhi nito? Sa artikulong ito, alamin kung paano pigilan ang pagkagat ng kuko.
Ang pagkagat ng kuko ay hindi laging sanhi ng alalahanin. Sa katunayan, para sa maraming tao, ito ay paminsan-minsan lamang nilang ginagawa. Gayunpaman, kung ang pagkagat ng kuko ay nagiging pangmatagalang pag-uugali na nagiging sanhi ng pisikal o mental na stress, maaaring kailanganin na ang medikal na atensyon.
Ang hindi makontrol na pagkagat ng kuko, na tinatawag ding onychophagia o pagkagat ng kuko, ay maaaring makasira ng kuko at sa mga tissue na nakapaligid dito. Ayon sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder (DSM-5), ito ay kabilang sa “Other Specified Obsessive-Compulsive and Related Disorder,” partikular na isang “paulit-ulit na gawing nakatuon sa katawan.”
Kadalasang walang pinipiling kagatin na kuko ang mga taong may onychophagia. Karamihan sa kanila ay alam ang problemang ito; gayunpaman, hindi nila kusang matigil ang ganitong pag-uugali.
Upang malaman kung paano pigilan ang pagkagat ng kuko, kailangan muna nating unawain kung bakit ito nangyayari.
Ang tiyak na sanhi ng onychophagia ay hindi pa natutuklasan,subalit, hinihinala ng mga scientist na may kaugnayan ito sa genes. Ang mga batang may mga magulang na kinakagat din ang kanilang mga sariling kuko ay maaari ding makagawian ang ugaling ito.
Isa pang posibleng sanhi nito ay ang stress. Para sa ilang mga tao, nakararamdam sila ng kaginhawaan kung kinakagat nila ang kanilang kuko. Ito ay dahil nakapagbibigay ito ng mahinahong pakiramdam kaya ginagawa nila ito kung sila ay balisa o stress.
Natuklasan din ng mga mananaliksik na kinakagat ng ilang mga tao ang kanilang mga kuko kung humaharap sa mahirap na problema o kung sila ay walang magawa. Dagdag pa, ang nakausling kuko o hindi perpektong kuko ay maaaring magtulak sa tao na ayusin ito sa pamamaraan ng pagkagat sa mga ito.
Bilang huli, ang mga taong nakakaranas ng mga sumusunod na alalahanin sa kalusugang pangkaisipan ay maaaring humantong sa pagkagat ng kuko:
Ayon sa mga eksperto, ang pangmatagalang ugali ng pagkagat ng kuko ay hindi permanenteng nakakasama sa kuko hangga’t ang nail bed, o ang balat sa ilalim ng kuko, ay nananatiling buo. Gayunpaman, mahalaga pa ring tigilan ang pagkagat ng kuko upang mapigilan ang mga panganib sa kalusugan:
Dagdag pa, maaaring magkaroon ng onychophagia dahil sa pagkakaroon ng sikolohikal na sakit (anxiety disorder, ADHD, etc.) na nangangailangan ng medikal na gamutan.
Maaaring makatulong ang tips mula sa American academy of Dermatology Association para sa mga taong nakakaranas ng paminsan-minsang pagkagat sa kuko:
Kung ang isang tao ay nakararanas ng onychophagia, ang self-help tips na ito ay maaaring hindi sapat. Para sa malubha at hindi makontrol na pagkagat sa kuko, iminungkahi rin ng mga eksperto ang mga sumusunod:
Ang pagdalo sa therapy sessions ay maaaring makapagpalabas ng mga negatibong emosyon na may kaugnayan sa onychophagia. Dagdag pa, ang pakikipag-usap sa therapist o counselor ay maaaring ding makatulong upang maging mas malay sa mga sanhi ng pagkagat sa kuko.
Sabihin sa iyong mga kaibigan ang layuning itigil ang pagkagat ng kuko. Kung nagkakaroon ng pagnanais na kagatin ang mga kuko, kausapin sila tungkol sa iyong nararamdaman.
Katulad ng nabanggit, ang pagkagat sa kuko ay maaaring senyales ng ibang problema sa kalusugang pangkaisipan. Sa ganitong mga kaso, maaaring kailanganing uminom ng mga gamot o dumalo ng therapy sessions upang makontrol ang kondisyon.
Dahil karamihan sa mga kaso ng onychophagia ay sanhi ng ginhawang epekto nito sa pakiramdam ng isang taon, mahalagang magsagawa ng mga gawaing nakapagpaparelaks. Magkaroon ng masustansyang diet, regular na ehersisyo, at maaari ding isaalang-alang ang pagsusulat sa journal, meditation, at yoga.
Matuto pa tungkol sa Stress Management dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap