Maraming tao ang nanunumpa sa mga positibong epekto na dulot ng mga scented candles. Sinasabi nila na ang paggamit ng mga ito ay nagpapabuti sa kanilang kalooban, nababawasan ang kanilang pagkabalisa, at pinapawi ang kanilang stress. Ngunit, nakatutulong ba ang scented candles upang makapagrelax ng tao? Ligtas ba ang mga ito kung ikokonsidera mo ang paglanghap ng usok at iba pang mga kemikal? Ano ang mga benepisyo ng mga ito? Alamin ang mga sagutan at higit pa sa artikulong ito.
Nakatutulong Ba ang Scented Candles? Epektibo Ba Ito?
Nais mong subukang bumili ng scented candle para makapag-destress ka matapos ang isang mahabang araw. Ngunit ang tanong — nakatutulong ba ang scented candles?
Sinusuportahan ng agham ang ideya sa likod ng aromatherapy. Matagal na itong kinikilala bilang isang mahusay na paraan upang makapagpahinga at mag-destress. Sinasabi ng agham na ang ilang mga pabango ay nakakapag-relax ng mga tensed muscles. Gayundin, ang paglanghap ng ilang sa mga ito ay maaaring magpabuti ng emosyonal at espirituwal na mga kondisyon ng isang tao.
Ngunit, syempre, ang bawat tao ay naiiba. Kung kaya, ang mga scented candles na ito ay maaaring gumana o hindi para sa iyo.
Hindi Lahat ng Scentled Candles ay Nilikhang Pantay-pantay
Hindi ka dapat mahiyang magtanong nakatutulong ba ang scented candles marahil hindi naman lahat ng klase ay ginawang pare-parehas.
Una, maraming kandila sa palengke ang gawa sa paraffin wax, na pinaniniwalaan ng ilang tao na nakakasama kapag regular na ginagamit. Sinasabi ng mga ulat na naglalabas sila ng mga kemikal na posibleng makapinsala sa kapaligiran, maging sa respiratory system ng tao.
Kung kaya, ang rekomendasyon ay piliin ang mga natural candles. Ang mga ito ay gawa sa iba’t ibang natural na sangkap, tulad ng beeswax, coconut oil, at soy.
Susunod, maging maingat sa mga pabango. Maraming scented candles ang gumagamit ng synthetic at potensyal na nakapipinsalang pabango. Kung gayon, nararapat na piliin ang gawa sa high-quality essential oils.
Kung gusto mong samantalahin ang mga pakinabang ng mga ito, isaalang-alang ang pagpili ng mga gawa sa natural na sangkap at high-quality essential oils. Sa tindahan, ikonsidera ang pagtanong ng mga aromatherapy candles sa halip na mga scented candles.
Ligtas Ba ang mga Scented Candles?
Bukod sa pagtatanong kung nakatutulong ba ang scented candles, marami ring tao ang nais malaman kung ligtas ba ang mga ito.
Paano kung pipiliin mo ang karaniwang klase ng scented candle? Magdudulot ba talaga ito ng pinsala sa iyo? Mas ligtas bang gumamit ng mga aromatherapy candles?
Napag-alaman ng isang pag-aaral noong 2007 na ang mga burning candles, kabilang ang mga paraffin candles, ay naglalabas ng napakaliit na dami ng mga kemikal na mukhang hindi nakapipinsala sa ating kalusugan at kapaligiran.
Sa kabilang banda, sinabi ng mga eksperto na ang mga natural na kandila, gaya ng mga gawa sa soy, ay naglalabas ng mas kaunting soot at nakalalason na kemikal kaysa sa paraffin candle.
Gayunpaman, binigyang-diin din ng mga doktor na ang paggamit ng anumang usok ay maaaring nakapipinsala, lalo na kung mayroon kang mga kondisyong partikular na nakaapekto sa paghinga.
Nais gumamit ng scented candles para mag-destress? Narito ang ilang mga safety tips ayon sa mga eksperto:
- Gumamit lamang ng mga de-kalidad na kandila na gawa sa mga natural na sangkap at premium essential pils.
- Putulin ang mitsa kung ito ay masyado ng mahaba. Ang perpektong haba ay 10 hanggang 15 mm. Kung mas mahaba ang mitsa, mas magbubunga ito ng soot.
- Tiyaking gumamit ka lamang ng mga naturang kandila sa isang well-ventilated room.
- Sa halip na hipan ang kandila, gumamit na lang ng candle snuffer. Maaari mo ring isawsaw ang mitsa sa wax.
3 Scented Candles Product Suggestions
Naghahanap ka ba ng de-kalidad na natural na mabangong kandila? Maaari mong bilhin ang mga sumusunod online o in-store:
Amber Lights Laguna
Kung gusto mo ng mga kakaibang pabango, hindi ka magkakamali sa Amber Lights. Nagbebenta sila ng mga soy candle na may mga pabango kabilang ang Vanilla Heaven, Roasted Coffee, at Pineapple Sage, pati na rin ang Green Tea at Citrus Fruit. Ang mga ito ay perpekto kapag gusto mong mag-relax pagkatapos ng mahabang araw.
Syeempre, mayroon din silang classic Lavender fragrance.
Hand-rolled Pure Beeswax Candle – Milea All Organics
Ang isa pang shop na nagbebenta ng mga premium na kalidad ng mga natural na kandila ay ang Milea. Sa halip na soy, gumagamit sila ng beeswax para rito.
Mula sa kanilang shop, sinabi ni Milea na ang kanilang mga kandila ay nakatutulong sa pag-purify ng hangin at pag-neutralize ng hindi kanais-nais na amoy, sa natural at sustainable na paraan. “purify the air and neutralize unwanted odors – the natural and sustainable way.”
“Enjoy the healing and relaxing wonders of a candle-lit room with Milea’s Hand-rolled Pure Beeswax Candle.”
Lumin Candles PH
Isa pang 100% Filipino brand na maaari mong subukan ay ang Lumin Candles PH.
“Lumi Candles PH proudly uses premium soy wax that is non-toxic, naturally biodegradable and burns cleaner with 0% petro carbon soot.”
Bukod sa classic, Lavender, ang Lumin Candles ay mayroon ding Fresh Bamboo, Honeydew Melon, Tropical Berries, at iba pa. Ang kanilang mga kandila ay nakalagay sa mga ceramic o frosted glass.
Hindi lahat ng kandila ay nilikhang pare-parehas at pantay-pantay. Upang lubusang ma-enjoy ang mga nakapagpapakalmang epekto ng scented candles, siguraduhing pumili ng natural na kandila na may high-quality essential oils para maging pabango.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pag-Manage ng Stress dito.