Alam mo bang hindi lang umiikot ang benepisyo ng pagpapaganda ng tahanan sa pagtaas ng value ng iyong ari-arian, at mayroon din para sa iyong kalusugan? Tama, nakatutulong sa iyong mental well-being ang paglalagay ng tamang kurtina, pagwawalis ng sahig, o kahit pag-aayos ng hapag-kainan. Narito ang mga benepisyo ng pagpapaganda ng tahanan na epektibong nakatutulong laban sa anxiety, at hindi mo pagsisisihang subukan.
Mga Benepisyo ng Pagpapaganda ng Tahanan sa Kalusugan
Nagbibigay ng kasiyahan
Nakakaapekto sa iyong mood ang iyong kapaligiran. Kapag nagdidisenyo at nagpapaganda ka ng iyong tahanan ayon sa iyong kailangan, ito ay nakapagpaganda ang iyong mood.
Narito ang ilan sa mga sumusunod na magdadala ng kasiyahan sa iyong tahanan:
- Paglalagay ng mga halaman at bulaklak
- Pagbukas ng mga bintana
- Pagpasok ng natural na liwanag
- Pag-ikot ng hangin sa mga parte ng bahay
- Pag-alis ng mga kalat
- Tamang pag-ayos ng mga gamit para mas maaliwalas sa mata ang bawat bahagi ng bahay
- Pagtatapon ng mga basura at kalat na inaalikabok
Madalas makaramdam ng anxiety ang isang tao kapag hindi sila komportable sa kanilang kapaligiran o kapag maraming kalat sa kwarto.
Nakakaayos ng tulog ang pagpapaganda ng tahanan
Kapag may maayos kang tulog, nangangahulugan lang na kalmado ka, nakapagpapahinga, at wala inaalala. Ito ang benepisyo ng pagpapaganda ng tahanan. Mabuti ito sa pagtulog dahil nararamdaman mong ligtas ka, matiwasay, at masaya sa iyong paligid.
Pagdating sa pagkakaroon ng magandang tulog, maaari kang maglaan ng pera sa komportable na orthopedic mattress, sa mga kandila para sa aromatherapy, at mga kurtina para maiwasan ang pagpasok ng liwanag at makaistorbo sa iyong pagtulog. Para sa mas mahimbing na tulog, maaari mong subukan magpamasahe bago matulog.
Nakakakalma ng nerbiyos ang pagpapaganda ng tahanan
Ipinakita ng ilang pag-aaral kung bakit epektibo ang benepisyo ng pagpapaganda ng tahanan sa pagpapakalma ng anxiety, at pag-aalaga sa mental well-being ng tao. Kung nakaka-relax at komportable ka sa iyong paligid, maaaring maglabas ng hormones na nakakabawas ng anxiety ang iyong katawan.
Ayon sa Journal of Environmental Psychology, dahil napapababa ng paglalagay ng halaman sa buong bahay ang level ng iyong stress, kabilang ito sa isa sa mga paraan ng pag-aayos ng tahanan na nakatutulong magpakalma ng iyong nerbiyos.
Kasama rin ang pagpipintura ng asul sa iyong tahanan, dahil ipinakita na nagpapababa ng blood pressure ang kulay na ito. Nababawasan din nito ang nararamdamang stress. May mga pag-aaral din na nagsasabing nagdadagdag ng anxiety sa ilang lugar ang pagkakaroon ng maraming salamin sa bahay. Kaya isaalang-alang ang pagkakaroon ng kwarto na walang salamin.
Nakatutulong ang pagpapaganda ng tahanan sa maayos na paghinga
Bahagi ng pagtiyak na palaging ligtas ang iyong tahanan ang pagsiguro na napapanatili itong maayos at malinis. Gumawa ng routine, at regular na linisin ang tahanan. Pinoprotektahan nito ang iyong pamilya at mga anak mula sa ubo at hika dahil sa alikabok at iba pang allergen.
Sa malinis na tahanan, mas magiging masigla at malusog ang iyong pakiramdam.
Nakakaaliwalas ng kaisipan ang pagpapaganda ng tahanan
Kapag hindi organisado ang iyong tahanan, hindi rin maayos ang iyong kaisipan. Nagkakaroon ka ng peace of mind kapag pinapaganda ang iyong tahanan sa pamamagitan ng pag-aayos sa maliliit na bagay sa mga lalagyan nila, at pag-alam kung nasaan sila. Ibig sabihin, hindi mo na sila kailangang isipin muli. Sa paraang ito, napakaepektibo ng pagpapaganda ng tahanan para mapakalma ang anxiety.
Mapapaginhawa ng pagpapaganda ng tahanan ang pakiramdam
Gaya ng nabanggit, nagdudulot ng kasiyahan ang pagpapaganda ng tahanan, at tinutulungan ka nitong maging komportable hindi lang sa iyong tahanan, kundi pati sa iyong sarili habang ginagawa ito. Nagbibigay ng sense of control at achievement ang pagpapaganda ng tahanan, lalo na kapag natapos na ang mga gawain.
Tumataas ang iyong interes sa lahat ng aspeto sa tuwing nagpapaganda ng tahanan
Hindi lamang sa tahanan, kundi pati na rin sa trabaho– maaaring tumaas ang iyong interes at motibasyon sa tuwing nagpapaganda ng tahanan.
Sa katunayan, makakaapekto rin sa pagiging productive mo sa opisina ang iyong paraan ng pagpapaganda ng iyong tahanan, lalo na ngayon na mas marami ang nagtatrabaho mula sa kanilang mga bahay. Ayon sa isang pag-aaral sa Princeton, nagpapataas ng productivity ang malinis at maayos na tahanan.
Nakatutulong sa pag-ibig ang pagpapaganda ng tahanan
Palibutan ng mga poster at larawan ang tahanan para mabalikan ang masasayang alaala kasama ang pamilya at mga kaibigan. Bakit hindi magsabit ng larawan ng iyong aso, o kaya naman ng kinuhang retrato mula sa nakaraang paglabas ng pamilya?
Mabuti para sa iyong isip at kalooban ang ganitong klase ng pag-aayos, at napupuno rin nito ng positive vibe ang iyong tahanan.
Nakatutulong sa social confidence ang pagpapaganda ng tahanan
Nagsisimula ang pagiging proud para ibahagi sa iba ang iyong tahanan sa pagpapaganda at pag-iisip ng itsura nito. Tumataas ang iyong confidence, at nabibigyan ka ng inspirasyon kapag binubuksan mo ang iyong tahanan para sa pamilya at mga kaibigan. Nakatutulong ang paglalaan ng oras sa mga taong mahalaga sa iyo para mapalakas ang iyong mental health at well-being.
Nakatutulong sa pagiging malikhain ang pagpapaganda ng tahanan
Isa sa mga benepisyo ng pagpapaganda ng tahanan ang pagkakaroon ng inspirasyon para maging malikhain. Ikaw, sa kabila ng lahat, ang nag-aayos at nagpapaganda ng iyong tahanan. Kaya mahusay mong nagagamit ang iyong imahinasyon habang ginagawa ito. Malaki din ang natutulong nito sa sariling well-being.
Ipinakita ng mga eksperto na mas masigla at masaya ang mga tao kapag gumagawa sila ng mga malikhaing gawain.
Nakatutulong sa iyo ang pagpapaganda ng tahanan para mag-ehersisyo pa
Totoong hindi madali ang pagpapaganda ng tahanan. Kailangan mo palagi gumalaw, maglagay ng mga kailangang gamit, at magsabit ng mga painting sa mga pader. Nangangailangan ito ng tiyak na level ng gawain, lalo na kapag nagbubuhat ng gamit, naglilinis ng sahig, ng mga bintana, ng mga cabinet, at iba pa. Magandang araw-araw na workout ang ganitong klase ng pisikal na gawain, at makatutulong ito para mapataas ang iyong happy endorphins.
Gawin itong gawaing pampamilya, at hayaan ang iyong partner, mga anak, at iba pang miyembro ng pamilya na makibahagi sa mga proyekto sa tahanan. Baka magustuhan din nila ito.
Nagdudulot ng productive diversion ang pagpapaganda ng tahanan
Kung nakararanas ng stress, kalungkutan, o depression, maaari kang malibang ng pagpapaganda ng tahanan mula sa mga negatibong pangyayari, na magpapabago sa iyong pag-iisip sa kalaunan. Makatutulong din sa iyo minsan ang pagbubuhos ng iyong stress, anxiety, at pagkabalisa sa mga produktibong trabaho at gawain para maproseso nang maayos ang mga nararamdamang emosyon.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Healthy Mind at Stress Management dito.