backup og meta

Ano Ang Fight Or Flight Response? Bakit Ito Mahalaga Sa Buhay?

Ano Ang Fight Or Flight Response?  Bakit Ito Mahalaga Sa Buhay?

Ang bawat tao’y dumaan na sa isang nakababahalang sitwasyon sa buhay, sa isang paraan man o iba pa. Ang ilan ay maaaring kailangang harapin ang pagkawala ng trabaho, habang ang iba ay maaaring makaramdam ng pagkabalisa sa tuwing sinusubukan nilang tapusin ang isang deadline. Anuman ang ugat ng stress, nariyan ang fight or flight response ng katawan. Ngunit, ano ang fight or flight response? Tinutulungan ka nitong harapin ang lahat ng mahihirap na pangyayari sa buhay. Maaari rin nitong palakasin ang tibok ng puso at tulungan kang malampasan ang mga paghihirap o, sa mahabang panahon, maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa iyong kalusugan.

Pag-Unawa Sa Kung Ano Ang Fight Or Flight Response

Maaaring narinig mo sa usapin na nabanggit ang tungkol sa fight or flight response. Bilang tugon sa isang life-threatening event, ang katawan ng tao ay sumasailalim sa isang serye ng mga pisikal at emosyonal na pagbabago na kung ano ang fight or flight response na kinikilala natin ngayon. Ito ay isang pisyolohikal na tugon na nangyayari sa tuwing ang isang tao ay nakararamdam ng matinding emosyon tulad ng takot. Ang takot ay isang natural na pakiramdam na nararanasan ng mga tao kapag sila ay nahaharap sa mga banta o panganib.

Sa una, kinilala ang fight or flight response bilang pagtugon nito sa kaligtasan, ngunit sa modernong panahon, maaaring mailalarawan na ito sa mas kumplikadong mga alalahanin, tulad ng mga panloob na banta. Kapag ikaw ay kinakabahan o natatakot tungkol sa mga pang-araw-araw na kaganapan tulad ng isang presentasyon, job interview, pagsusulit, o isang nakakalito na sitwasyon sa lipunan, naa-activate ng  katawan ang kanyang fight or flight response. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga hormone na nagsasabi sa atin kung dapat tayong lumaban, tumakas, o mag-freeze sa isang partikular na sandali.

Kapag nangyari ang naturang pagtugon, maaari kang makaranas ng iba’t ibang matinding pisikal na sintomas upang pansamantalang ma-stimulate ang paggana ng katawan. Ito ang siyang nagbibigay-daan sa mabilis na pisikal na pagtugon. 

Marami ang nagtatanong kung ano ang fight or flight response at paano ito nakaaapekto sa buhay. Narito ang mga nangyayari sa stress response na ito:

1. Pagtaas Ng Heart Rate At Blood Pressure

Ipinapahiwatig nito na maaaring mas mabilis at mas mahirap na ang iyong paghinga. Ito ang tumutulong sa paghahatid ng oxygen at nutrients sa iyong mga pangunahing mga muscle groups.

2. Maputla o Namumula Na Balat (Lalong Pagpapawis)

Dahil nire-redirect nito ang daloy ng iyong dugo, maaari kang makaramdam ng panginginig. O maaari mong mapansin na ang iyong mga kamay at paa ay nagsisimulang maging malamig at pawisan. Habang gumagalaw ang dugo at mga hormone sa iyong katawan, maaari ring magmukhang mapula ang iyong mukha.

3. Nakompromisong Blunt Pain Response

Kapag ang sympathetic nervous system ng isang tao ay napukaw ng conflict o pagsasabwatan, ang ilang mga tao ay maaaring makaramdam ng mga minor na pinsala pagkatapos lamang na pagkakataon kung saan sila ay nakaramdam na ng kaligtasan at nagkaroon ng oras upang makaupo at makahinga-hinga. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga taong nasugatan sa mga car accident ay karaniwang hindi nakararanas ng sakit hanggang kalaunan.

4. Dilated Pupils At Inhibited Tear Glands

Ang iyong mga pupil ay may posibilidad na mas maging dilat upang mapapasok ang mas maraming liwanag sa iyong mga mata. Ito ang nagbibigay-daan sa iyong makakita ng mas malinaw.

5. Feeling On Edge

Mas alerto ka sa mga nakaka-stress na kaganapan, at, bilang resulta, nagiging lookout ka sa mga posibleng mapanganib na sitwasyon. Nasa isang mas mataas na estado ng stimulation ang iyong mga pandama, at ikaw ay lubos na maingat sa iyong paligid.

6. Posibleng Pagkaapekto  Ng Memorya

Ang iyong mga alaala ng isang nakababahalang sitwasyon ay maaaring maiba. Maaari itong maging vivid o distict, posible rin namang maging malabo.

7. Pagkakaroon Ng Tensyon Ng Muscles Para Makakilos

Dahil ang mga stress hormone ay dumadaloy sa iyong katawan, maaari kang makaramdam ng tensyon o pagiging hindi mapakali, na para bang ang iyong mga muscles ay nanginginig o handang kumibot anumang oras.

8. Inhibited Bladder Contractions

Sa napaka-stress o mapanganib na mga pangyayari, maaaring mawalan ng boluntaryong kontrol ang ilang tao sa kanilang pantog o pagdumi.

9. Pagtaas Ng Sirkulasyon Papuntang Utak, Muscles, At Limbs

May pangangailangan para sa mas mataas oxygen levels habang patuloy na nagbabago ang aktibidad ng utak. Sa panahon ng isang nakababahalang kaganapan, maaari mas kaunti ang pag-iisip na nangyayari, ngunit mas mabilis ang pag-react sa mga bagay-bagay.

Ang iba pang mga pisikal na pagbabago at aktibidad na maaaring mangyari ay ang mga sumusunod:

  • Kumukuha ang mga baga ng mas maraming oxygen at naglalabas ng mas maraming carbon dioxide (bronchi dilation).
  • Naglalabas ng sobrang asukal para sa enerhiya ang atay.
  • Naglalabas ang adrenal glands ng adrenalin upang tumulong sa pagtugon.
  • Bumabagal ang digestive functions ng tiyan, pancreas, at bituka (at bilang resulta, maaari mong maramdaman na ikaw ay may sakit).
  • Bumababa ang paglalaway (dahil sa pagsisikip ng mga daluyan ng dugo sa mga salivary glands).
  • Tumataas ang pamumuo ng dugo.
  • Bumababa ang immune response.

Maaari mong tanungin kung ano ang fight or flight response at ano ang nagiging prayoridad sa mga ganitong sitwasyon. Sinusubukan ng iyong katawan na unahin ang nararapat. Kaya’t ang anumang bagay na hindi mahalaga para sa kaligtasan ay natitigil. Ang iyong katawan, sa kabilang banda, ay nakatuon sa lahat ng mga resources nito sa mga pinakamahalagang layunin at tungkulin.

Ang stress response ay naa-activate sa isang segundo. Ngunit ang bilis kung saan ka huminahon at bumalik sa iyong natural na kondisyon ay naiiba sa bawat tao. Karaniwang tumatagal ito ng 20 hanggang 30 minuto para mag-settle down ang iyong katawan at bumalik sa normal.

Ang mas mataas na antas ng stress ay maaaring humantong sa iba pang mga isyu sa pisikal at mental na kalusugan. Ito ay totoo lalo na kapag tinitiis mo ang stress ng mahabang panahon.

Key Takeaways

Normal para sa mga tao na makaranas ng iba’t ibang mga nakababahalang okasyon, maging ito ay sa trabaho, paaralan, o anumang kapaligiran na maaari itong mangyari. Tumutulong ang fight or flight response na labanan ang stressor panahon na lubos na kinakailangan mo ito. Ngunit mahalaga rin na matutunan mo kung paano tumugon dito sa iyong sariling paraan.
Ang iba’t ibang pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo ay ang mga breathing exercises (relaxation response), mga pisikal na ehersisyo, at pagkakaroon ng malakas na support system.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pag-Manage ng Stress dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Understanding the stress response, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/understanding-the-stress-response, Accessed September 24, 2021

What Happens to Your Body During a Fight or Flight Response, https://health.clevelandclinic.org/what-happens-to-your-body-during-the-fight-or-flight-response/, Accessed September 24, 2021

The fight-or-flight response, https://www.concordia.ca/cunews/offices/provost/health/topics/stress-management/fight-or-flight.html, Accessed September 24, 2021

Stress response (fight-or-flight response), https://myhealth.alberta.ca/Health/Pages/conditions.aspx?hwid=ug1814&, Accessed September 24, 2021

What is the Stress Response? https://www.simplypsychology.org/stress-biology.html, Accessed September 24, 2021

What is the Fight or Flight Response? – Fact Sheet, https://www.nottingham.ac.uk/counselling/documents/podacst-fight-or-flight-response.pdf, Accessed September 24, 2021

Kasalukuyang Version

10/10/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Law of Attraction at Paano Ito Gumagana sa Kalusugan?

Nakatutulong Ba ang Scented Candles sa Pagrelax? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement