backup og meta

Paano Malalaman Kung Emotionally Distressed Ka Na? Alamin Dito

Paano Malalaman Kung Emotionally Distressed Ka Na? Alamin Dito

Maaaring isipin ng mga tao na ang pagiging emotionally distressed ay sintomas lamang ng iba pang mga mental health disorders. Gayunpaman, sinuman ay maaaring makaranas nito. Maaari kang makaranas maging emotionally distressed kahit na hindi ka umabot sa pamantayan ng iba pang mga sikolohikal na kondisyon. Ngunit ang tanong ay paano malalaman kung emotionally distressed ka na?

Kapag nakararanas ka ng mahihirap na kalagayan o sitwasyon, maaari kang mapuno ng matinding emosyon. Kasunod nito, posibleng sumailalim kang maging emotionally distressed sa yugto na iyon ng iyong buhay. Matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging emotionally distressed, kung paano mo malalaman ito sa iyong sarili, at kung paano mo ito gagamutin.

Mayroon bang paraan paano malalaman kung emotionally distressed ka o ang isang tao?

Maaaring mahirap matukoy ang emotional distress, lalo na sa mga taong likas na sensitibo.

Gayunpaman, may mga natatanging senyales na ang isang tao ay maaaring nakararanas ng emotional distress. Ang mga sintomas na ito ay maaaring humantong sa mas malalang mga sitwasyon para sa mga taong nagdurusa dahil dito. Kung napapansin mo ang mga senyales na mababanggit sa ibaba, maaaring kailanganin mo ng maghanap o hikayatin ang iba na humingi ng propesyonal na tulong:

Emotional symptoms

  • Pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng kakayahan
  • Pagiging overwhelmed sa mga bagay-bagay

Cognitive symptoms

  • Hirap sa konsenstrasyon
  • Patuloy na pagkabalisa at pag-aalala sa mga bagay-bagay

Behavioral symptoms

Physical symptoms

  • Biglaan at patuloy na fatigue

Paano malalaman kung emotionally distressed ka? Ilan lamang ito sa mga karaniwang sintomas na maaaring magpahiwatig na nakararanas ang isang tao ng emotional distress.

Kung sa tingin mo ay emosyonal kang nakararanas ng isang bagay na hindi karaniwan o tila mali, gumawa ng mga hakbang patungo sa pangangalaga sa sarili at humingi ng tulong sa isang propesyonal kung kinakailangan.

Paano malalaman kung emotionally distressed ang isang tao? Ano ang nangyayari sa kanya?

Normal ang makaranas ng emotional distress. Ang mga nakakainis na kaganapan tulad ng break-up, malaking pagkawala, o makabuluhang pagbabago sa buhay ay maaaring mag-trigger nito.

Hindi naman kailangan mangamba dahil posibleng mapamahalaan mo ang iyong emotional distress, mag-isa man, o may suporta ng mga taong malapit sa iyo. Gayunpaman, pinakamahusay na humingi ng tulong sa paggamot. Maaari itong humantong sa paglala ng pakiramdam kung hindi ito magamot. 

Ang nakararanas ng matinding emotional distress, o ang pagdanas ng mga sandali nito sa mahabang panahon ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa iyo at sa iyong kapaligiran. Maaari itong maging sanhi ng:

  • Kawalan ng motibasyon
  • Problema sa konsentrasyon
  • Pagkapagod o fatigue

Ito ay maaaring makaapekto sa trabaho, pag-aaral, maging sa mga relasyon sa ibang tao.

Sa sandaling maramdaman mong may mali, humingi na agad ng tulong. Hindi kailanman mali na kailanganin o manghingi ng tulong. Sa katunayan, ito ay magiging mas kapaki-pakinabang sa iyo at sa lahat.

Paggamot at pamamahala

Depende ito sa kung anong mga sintomas ang iyong nararanasan at ang kalubhaan ng epekto sa iyong buhay at personal well-being. Maaaring kabilang sa paggamot at pamamahala ang:

Ang pagharap sa emotional distress at pamamahal ng iyong mga emosyon ay maaaring maging mahirap, ngunit ito ay makakamit. Sa wastong dami ng suporta – propesyonal man o ang mga mahal sa buhay – makakamit mo ang emotional regulation.

Kailangan mong tiyakin na alam mo kung paano malalaman kung emotionally distressed ka na, ano ang ibig sabihin nito, at kung ano ang nangyayari sa iyo. Nakatutulong na maunawaan na ito ay isang normal na bahagi ng buhay ng isang tao. Ang pagtanggap ay ang susi sa pagkakaroon ng kalmadong pakiramdam.

Key Takeaways

Ang pagiging amotionally distressed ay mahirap, bagaman ito ay isang normal na bahagi ng buhay ng isang tao.
Mas mahirap ang pagkamit ng kontrol sa iyong mga emosyon ay kapag ikaw ay nag-iisa. Humingi ng suporta mula sa iyong mga mahal sa buhay at mula sa mga mental health professionals. Nakatutulong ang paghingi ng tulong, lalo na kapag ang ibang bahagi ng iyong buhay ay lubhang naapektuhan na rin. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Mabuting Pag-iisip dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

14 – Self-regulation, emotion, and resilience, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128040515000147, Accessed March 24, 2021

Chapter 4 – Treatment Planning, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780123748515000044, Accessed March 24, 2021

Emotional distress in young adults during the COVID-19 pandemic, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7338432/, Accessed March 24, 2021

Emotional distress: an alternative primary care perspective, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2838648/, Accessed March 24, 2021

Emotional Stress: Warning Signs, Management, When to Get Help, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/6406-emotional-stress-warning-signs-management-when-to-get-help, Accessed March 24, 2021

Kasalukuyang Version

10/10/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement