backup og meta

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Ang mga personality disorder ay mga mental disorder na pangunahing nakakaapekto sa karakter ng isang tao. Nakagugulat man, sinasabi ng mga data na 10 – 13 porsyento ng populasyon ng mundo ay nakararanas ng personality disorder. Ano ang mga sintomas ng personality disorder? Alamin ‘yan dito. 

Mga Sanhi at Panganib

Ang personality ay isang natatanging paraan ng pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos ng tao. Maaaring maimpluwensiyahan ang tao ng kanyang genes at ng lugar kung saan lumaki. Ibig sabihin nito, may ilang bahagi ng personality ng tao ang likas, at ang iba ay umusbong dulot ng mga karanasan. Gayunpaman, kadalasang lumilitaw ang personality disorder sa adolescent stage at nagkakaroon ng diagnosis kapag mas matanda na ang isang tao. 

Hindi pa natutukoy ng mga eksperto ang eksaktong sanhi ng personality disorder, ngunit ipinapakita sa mga pag-aaral na maraming salik na nakaaambag sa pagkakaroon nito. Narito ang ilang panganib ng pagkakaroon ng personality disorder:

Para sa opisyal na diagnosis, kumonsulta sa medical professional.

Mga Uri ng Personality Disorder at mga Sintomas Nito

May ilang uri ng personality disorder. Kadalasan, ang mga taong may personality disorder ay makararanas ng magkakaparehong sintomas.

Ang mga sintomas ng personality disorder ay nakadepende sa uri nito. Gayunpaman, ang mga may personality disorder ay karaniwang nahihirapang bumuo ng relasyon sa iba at nagkakaroon ng problema pagdating sa kung paano titingnan ang sarili. Anuman ang uri, may malaking epekto ang personality disorder sa pagtingin ng tao sa kanyang sarili at sa iba, tugon sa emosyon, kakayahang umugnay sa iba, at kakayahang kontrolin ang sariling ikinikilos.

Narito ang ilan sa mga karaniwang uri ng personality disorder:

Paranoid Personality Disorder

Ang taong may paranoid personality disorder ay magiging sobrang mapaghinala sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya ang resulta, nahihirapan silang magtiwala sa iba dahil awtomatiko nilang naiisip na may plano ang lahat na awayin o bantaan sila. 

Schizoid Personality Disorder

Ang taong may schizoid personality disorder ay maaaring maging sobrang cold at detached. Ang resulta, nawawalan ng interes ang may ganitong personality disorder na bumuo ng relasyon sa iba, at mas nais na mapag-isa. 

Antisocial Personality Disorder

Maaaring mahirapang sumunod o magtiwala ang taong may antisocial disorder sa mga tuntuning panlipunan o mga batas. Dahil dito, nakikitaan ng pabigla-biglang kilos ang mga taong may ganitong disorder na hindi gaanong iniisip ang maaaring maging resulta o kalalabasan.

Narcissistic Personality Disorder

Ang mga taong may narcissistic personality disorder ay kadalasang sobra-sobra ang pag-aalala sa pagtingin sa sarili. Dahil dito, masyado silang nakatingin sa pagpapantasya ng tagumpay at kayamanan at sobrang sensitibo sa pagkabigo at pamumuna ng iba.

Obsessive-Compulsive Personality Disorder

Ang taong may obsessive-compulsive personality disorder (OCD) ay tumitingin sa kaayusan at organisasyon ng lahat ng aspekto ng kanilang buhay. Bilang resulta, nagiging perfectionist ang mga ganitong tao at maaaring gumawa ng paulit-ulit na ritwal at pagkilos upang matugunan ang kanilang pagkabalisa. 

Dependent Personality Disorder

Lubhang nakadepende sa iba ang mga taong may dependent personality disorder. Kadalasan, nagkakaroon ng problema sa pagtitiwala sa sarili ang mga taong may ganitong disorder. Kaya’t ito ang nagiging dahilan upang hindi nila gawin ang mga bagay nang mag-isa. 

Magagamot ba ng mga doktor ang personality disorder?

Mahalagang tandaang hindi lamang isang personality traits na tulad ng pakiramdam na nahihiya o nababalisa ang personality disorder. Ito ay dahil ang personality disorders ay itinuturing na mental health problem na maaaring makasagabal sa tao sa kanyang mga ginagawa. 

Karaniwang dina-diagnose ng mga doktor ang personality disorder sa pamamagitan ng pag-oobserba ng relasyon ng tao sa trabaho, bahay, o paaralan. Gagamit din ng physical test upang makita ang iba pang nakatagong sakit na maaaring nagdudulot ng pagkilos na ito.

Maaaring magkaiba-iba ang treatment sa personality disorder, depende sa uri at tindi ng mga sintomas ng personality disorder. Sa pangkalahatan, nakatutulong ang psychotherapy sa mga taong may personality disorder. Maaari ding magbigay ang psychiatrist ng antidepressants, antipsychotic medication, mood stabilizers, at anti-anxiety medication upang makontrol ang mga sintomas ng personality disorders.

Key Takeaways

Ang personality disorders ay mga mental disorder na pangunahing nakakaapekto sa paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pakikitungo ng tao sa iba. Kung may hinala kang nakararanas ng personality disorder ang isang tao, kausapin sila upang humingi ng payo ng mga medical professional.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Isip dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Psychotherapy?, https://www.psychiatry.org/patients-families/psychotherapy, Accessed December 15, 2020.

What are Personality Disorders?, https://www.psychiatry.org/patients-families/personality-disorders/what-are-personality-disorders, Accessed December 15, 2020.

Personality Disorder, https://www.mhanational.org/conditions/personality-disorder, Accessed December 15, 2020.

What causes personality disorders? https://www.apa.org/topics/personality/disorders-causes, Accessed December 15, 2020.

Personality Disorders, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9636-personality-disorders-overview#:~:text=It%20is%20estimated%20that%2010,above%20the%20age%20of%2018., Accessed December 15, 2020.

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Melissa Caraan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pagtulong sa taong nagluluksa: Paano Ito Gagawin?

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin


Narebyung medikal ni

Melissa Caraan, MD

Psychiatry · Philippine General Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement