backup og meta

Depression at Anxiety, Maaari bang Mangyari nang Sabay?

Depression at Anxiety, Maaari bang Mangyari nang Sabay?

Maraming mga tao ang mayroong porma ng depression at pagkabalisa. Gayunpaman, maraming mga tao ay hindi napagtatanto na posibleng maranasan ang parehong depression at pagkabalisa nang sabay. Upang matulungan ka na maunawaan ang tungkol sa kondisyon na ito, narito ang facts na dapat mong malaman.

Ano ang Anxiety?

Ang anxiety ay pakiramdam ng pakabalisa, pagkakaba, o pagkatakot. Mayroong malalang sintomas sa loob ng anim na buwan o mas matagal pa ang tao na may anxiety disorder. Ang mga sintomas ay madalas na nagsisimula sa pagkabata o adolescence at kadalasang nagpapatuloy sa pagtanda.

Maraming mga iba’t ibang uri ng anxiety disorders. Ang ilan ay maaaring kabilang ang generalized anxiety disorder, social phobia, atbp. Gayunpaman, mahalaga na malaman na maaari kang magkaroon ng higit sa isang uri ng anxiety disorder.

Maliban sa takot o pagkabalisa, ang ilan sa mga sintomas ng anxiety ay kabilang ang mabilis na paghinga, pagpapawis, at panginginig. Maaaring mahirap din sa isang tao na mag pokus sa mga bagay na hindi kaugnay ng kanilang inaalala. Maaari din silang makaramdam ng walang kapaguran o pagkapagod, na maaaring humantong sa insomnia.

Ano ang Depresyon?

Ang depresyon ay isang uri ng kondisyon sa kalusugang mental na sanhi ng hindi balanseng kemikal sa utak. Karaniwan itong nagiging sanhi sa tao na makaramdam ng mabigat na pagkalugmok, pagiging mag-isa, at kalungkutan. Gayunpaman, mahalaga na tandaan na ang depression ay hindi kapareho ng pagiging malungkot o mag-isa dahil sa mahirap na karanasan sa buhay tulad ng breakup o pagkawala ng mahal sa buhay.

Tulad ng anxiety, ang depression ay maaaring magpahinto ng buhay ng isang tao. Maaaring maaapektuhan ang paraan ng pamumuhay ng isang tao, pakiramdam at ang pag-iisip. Karagdagan, maraming iba’t ibang uri ng depression, tulad ng major depressive disorder, persistent depressive disorder atbp.

Maaari ding maranasan ng isang tao ang iba’t ibang sintomas kung sila ay depressed. Ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng depression ay kabilang ang walang kapaguran, agitation, pagbaba ng sex drive, labis na pagtulog o insomnia, pag-iisip na magpakamatay o kamatayan, pagkapagod atbp.

Depression at Pagkabalisa, Maaari bang Mangyari nang Sabay? Maraming mga tao ang mayroong porma ng depression at pagkabalisa. Gayunpaman, maraming mga tao ay hindi napagtatanto na posibleng maranasan ang parehong depression at pagkabalisa nang sabay. Upang matulungan ka na maunawaan ang tungkol sa kondisyon na ito, narito ang facts na dapat mong malaman. Ano ang Anxiety? Ang anxiety ay pakiramdam ng pagiging balisa, kinakabahan, o takot. Mayroong malalang sintomas sa loob ng anim na buwan o mas matagal pa ang tao na may anxiety disorder. Ang mga sintomas ay madalas na nagsisimula sa pagkabata o adolescence at kadalasang nagpapatuloy sa pagtanda. Maraming mga iba’t ibang uri ng anxiety disorders. Ang ilan ay maaaring kabilang ang generalized anxiety disorder, social phobia, atbp. Gayunpaman, mahalaga na malaman na maaari kang magkaroon ng higit sa isang uri ng anxiety disorder. Maliban sa takot o pagkabalisa, ang ilan sa mga sintomas ng anxiety ay kabilang ang mabilis na paghinga, pagpapawis, at panginginig. Maaaring mahirap din sa isang tao na mag pokus sa mga bagay na hindi kaugnay ng kanilang inaalala. Maaari din silang makaramdam ng walang kapaguran o pagkapagod, na maaaring humantong sa insomnia. Ano ang Depression? Ang depression ay isang uri ng kondisyon sa kalusugang mental na sanhi ng hindi balanseng kemikal sa utak. Karaniwan itong nagiging sanhi sa tao na makaramdam ng mabigat na pagkalugmok, pagiging mag-isa, at kalungkutan. Gayunpaman, mahalaga na tandaan na ang depression ay hindi kapareho ng pagiging malungkot o mag-isa dahil sa mahirap na karanasan sa buhay tulad ng breakup o pagkawala ng mahal sa buhay. Tulad ng anxiety, ang depression ay maaaring magpahinto ng buhay ng isang tao. Maaaring maaapektuhan ang paraan ng pamumuhay ng isang tao, pakiramdam at ang pag-iisip. Karagdagan, maraming iba’t ibang uri ng depression, tulad ng major depressive disorder, persistent depressive disorder atbp. Maaari ding maranasan ng isang tao ang iba’t ibang sintomas kung sila ay depressed. Ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng depression ay kabilang ang walang kapaguran, agitation, pagbaba ng sex drive, labis na pagtulog o insomnia, pag-iisip na magpakamatay o kamatayan, pagkapagod atbp. Paano mo Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Depression at Pagkabalisa? Karaniwan na mahirap para sa maraming mga tao na alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng depression at pagkabalisa dahil ang mga sintomas ay magkapareho. Bagaman maraming mga tao na nag-iisip na ang pinaka pangunahing pagkakaiba ay stress at kalungkutan. Maaaring mapagsama ang mga sintomas, at maaaring magkaroon ng parehong kondisyon ang isang tao. Upang simulan, ang anxiety ay karaniwang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalala tungkol sa matagal o nalalapit na hinaharap. Ang hindi makontrol na pag-iisip na maaaring may mangyaring masama ay maaaring magpagulo sa buhay ng isang tao, kahit na wala namang nangyayaring mali. Para sa depression, ang simpleng palatandaang mental ay ang pag-iisip na ang hinaharap ay walang pag-asa, walang katuturan, atbp. Ang mga taong may depression ay maaaring tignan na ang mga bagay ay hindi magiging mabuti, para sa buong mundo, sa kanilang sarili, o kanilang mga relasyon. Karagdagan, ang mga taong may depression ay hindi na natutuwa sa mga bagay at gawain na kinatutuwaan nila noon. Maaari din silang makaramdam ng kawalan ng pag-asa o manlumo karamihan sa mga araw, o araw-araw. Danas ng Depression at Pagkabalisa nang Sabay Bagaman may pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kondisyon, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng mga ito sa parehong pagkakataon. Nasa 45% ng mga tao na mayroong kondisyon sa mental na kalusugan ay maaari ding mayroong isa o higit pang ibang kondisyon. Maraming mga tao na diagnosed ng anxiety ay maaari ding diagnosed ng depression, at vice versa. Halimbawa, ang anxiety ay maaaring sintomas ng major depression. Karagdagan, ang depression ay maaaring ma-trigger sa isang uri ng anxiety disorder. Kung ang isang tao ay mayroong parehong kondisyon, maaari silang may halo-halong pakiramdam. Maaaring may maiksing pakiramdam sila ng pagiging balisa. Sa sunod na araw maaaring maramdaman nila ang panlulumo. Maaari nilang maramdaman ang pagkabahala tungkol sa mga bagay na wala silang magawa. Kung ikaw ay diagnosed ng parehong kondisyon, ang ilang mga karaniwang sintomas ay maaaring mangyari. Maaaring wala kang maayos na tulog dahil sobra ang iyong tulog o hindi nakakatulog sa ibang mga araw. Karagdagan, ang pagiging iritable ang isa sa karaniwang sintomas na mayroon ang mga taong mayroong parehong kondisyon na ito. Ano ang Mangyayari kung Binalewala mo Ito? Mayroong mga side effects kung binalewala mo ang isa o parehong kondisyon na ito. Halimbawa, kung binalewala mo ang sintomas ng anxiety, maaari kang magkaroon ng depression. Ang hindi nagagamot na depression ay maaaring humantong sa anxiety. Para sa anxiety at depression, ang parehong kondisyon ay hahantong sa ugaling pagpapakamatay o nasa isip na paggamit ng pinagbabawal na gamot. Karagdagan, ang parehong kondisyon ay maaaring magpahina ng immune system. Mula roon, magiging prone ang isang tao sa infections. Karagdagan, ang mga kondisyon na ito ay maaaring magparamdam sa isang tao ng fatigued o pagkapagod. Paano Ko Ito Malulunasan? Kung naranasan mo ang depression at pagkabalisa nang sabay, mainam na huminga ng propesyonal na tulong upang matulungan ka sa iyong mga sintomas ng isa o parehong kondisyon. Ang propesyonal na tulong ay makatutulong na matukoy ang sanhi at lunas na akma sa iyo. Gayunpaman, marami pa ring mga proactive na paraan upang matulungan na lunasan ang iyong kondisyon habang humihingi ng propesyonal na tulong. Halimbawa, ang pag-alam na hindi mo ito kasalanan ay mainam na paraan upang makilala at matanggap ang mga nararamdaman. Bagaman ang mga ito ay mahirap, mainam na paraan ito upang mapagtanto na kailangan mo ng tulong upang guminhawa ang pakiramdam. Maaari ka ring makaramdam ng overwhelmed o pakiramdam na wala kang magawa, kaya’t gagawin mo ang mga bagay na kaya mong kontrolin. Halimbawa, maaari kang gumawa ng maliliit na gawain tulad ng paghuhugas ng plato, o paglilinis ng higaan. Bagaman ang mga ito ay maliliit na bagay, maaari itong makatulong na magkaroon ng kontrol sa iyong buhay. Ang paggawa ng routine at pagsunod dito ay makatutulong na magpatuloy upang makagawa ng mga bagong bagay at makatulong na makaramdam ng pagiging produktibo. Bagaman maaaring mahirap na masanay sa bagong routine, maaari itong makatulong na makaramdam ng mas pagiging aktibo. Ang paghahanap ng malusog na coping mechanism ay mainam din na paraan upang makatulong na i-manage ang iyong depression at pagkabalisa. Halimbawa, maaari mong subukan ang jogging, ang paggamit ng stress ball, pakikinig sa paborito mong awit, atbp. Mahalagang Tandaan Ang depression at pagkabalisa ay maaaring mangyari sa mga tao. Mahalaga na marami pang malaman tungkol sa mga kondisyon na ito at paano mo ito lulunasan upang mapabuti ang kalidad ng buhay. Maaari mong subukan na tugunan ang isyu nang mag-isa. Gayunpaman, inirerekomenda na komunsulta sa propesyonal upang ligtas na malutas ang inaalalang problema. Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito. Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Paano mo Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Depresyon at Anxiety?

Karaniwan na mahirap para sa maraming mga tao na alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng depresyon at pagkabalisa dahil ang mga sintomas ay magkapareho. Bagaman maraming mga tao na nag-iisip na ang pinaka pangunahing pagkakaiba ay stress at kalungkutan. Maaaring mapagsama ang mga sintomas, at maaaring magkaroon ng parehong kondisyon ang isang tao.

Upang simulan, ang anxiety ay karaniwang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalala tungkol sa matagal o nalalapit na hinaharap. Ang hindi makontrol na pag-iisip na maaaring may mangyaring masama ay maaaring magpagulo sa buhay ng isang tao, kahit na wala namang nangyayaring mali.

Para sa depresyon, ang simpleng palatandaang mental ay ang pag-iisip na ang hinaharap ay walang pag-asa, walang katuturan, atbp. Ang mga taong may depression ay maaaring tignan na ang mga bagay ay hindi magiging mabuti, para sa buong mundo, sa kanilang sarili, o kanilang mga relasyon.

Karagdagan, ang mga taong may depression ay hindi na natutuwa sa mga bagay at gawain na kinatutuwaan nila noon. Maaari din silang makaramdam ng kawalan ng pag-asa o manlumo karamihan sa mga araw, o araw-araw.

Danas ng Depression at Pagkabalisa nang Sabay

Bagaman may pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kondisyon, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng mga ito sa parehong pagkakataon. Nasa 45% ng mga tao na mayroong kondisyon sa mental na kalusugan ay maaari ding mayroong isa o higit pang ibang kondisyon. Maraming mga tao na diagnosed ng anxiety ay maaari ding diagnosed ng depresyon, at vice versa.

Halimbawa, ang anxiety ay maaaring sintomas ng major depression. Karagdagan, ang depresyon ay maaaring ma-trigger sa isang uri ng anxiety disorder.

Kung ang isang tao ay mayroong parehong kondisyon, maaari silang may halo-halong pakiramdam. Maaaring may maiksing pakiramdam sila ng pagiging balisa. Sa sunod na araw maaaring maramdaman nila ang panlulumo. Maaari nilang maramdaman ang pagkabahala tungkol sa mga bagay na wala silang magawa.

Kung ikaw ay diagnosed ng parehong kondisyon, ang ilang mga karaniwang sintomas ay maaaring mangyari. Maaaring wala kang maayos na tulog dahil sobra ang iyong tulog o hindi nakakatulog sa ibang mga araw. Karagdagan, ang pagiging iritable ang isa sa karaniwang sintomas na mayroon ang mga taong mayroong parehong kondisyon na ito.

Ano ang Mangyayari kung Binalewala mo Ito?

Mayroong mga side effects kung binalewala mo ang isa o parehong kondisyon na ito. Halimbawa, kung binalewala mo ang sintomas ng anxiety, maaari kang magkaroon ng depression. Ang hindi nagagamot na depression ay maaaring humantong sa anxiety.

Para sa anxiety at depresyon, ang parehong kondisyon ay hahantong sa ugaling pagpapakamatay o nasa isip na paggamit ng pinagbabawal na gamot. Karagdagan, ang parehong kondisyon ay maaaring magpahina ng immune system. Mula roon, magiging prone ang isang tao sa infections. Karagdagan, ang mga kondisyon na ito ay maaaring magparamdam sa isang tao ng fatigued o pagkapagod.

Paano Ko Ito Malulunasan?

Kung naranasan mo ang depresyon at anxiety nang sabay, mainam na humingi ng propesyonal na tulong upang matulungan ka sa iyong mga sintomas ng isa o parehong kondisyon. Ang propesyonal na tulong ay matutukoy ang sanhi at lunas na akma sa iyo.

Gayunpaman, marami pa ring mga proactive na paraan upang matulungan na lunasan ang iyong kondisyon habang humihingi ng propesyonal na tulong. Halimbawa, ang pag-alam na hindi mo ito kasalanan ay mainam na paraan upang makilala at matanggap ang mga nararamdaman. Bagaman ang mga ito ay mahirap, mainam na paraan ito upang mapagtanto na kailangan mo ng tulong upang guminhawa ang pakiramdam.

Maaari ka ring makaramdam ng overwhelmed o pakiramdam na wala kang magawa, kaya’t gagawin mo ang mga bagay na kaya mong kontrolin. Halimbawa, maaari kang gumawa ng maliliit na gawain tulad ng paghuhugas ng plato, o paglilinis ng higaan. Bagaman ang mga ito ay maliliit na bagay, maaari itong makatulong na magkaroon ng kontrol sa iyong buhay.

Ang paggawa ng routine at pagsunod dito ay makatutulong na magpatuloy upang makagawa ng mga bagong bagay at makatulong na makaramdam ng pagiging produktibo. Bagaman maaaring mahirap na masanay sa bagong routine, maaari itong makatulong na makaramdam ng mas pagiging aktibo.

Ang paghahanap ng malusog na coping mechanism ay mainam din na paraan upang makatulong na i-manage ang iyong depresyon at anxiety. Halimbawa, maaari mong subukan ang jogging, ang paggamit ng stress ball, pakikinig sa paborito mong awit, atbp.

Mahalagang Tandaan

Ang depression at pagkabalisa ay maaaring mangyari sa mga tao. Mahalaga na marami pang malaman tungkol sa mga kondisyon na ito at paano mo ito lulunasan upang mapabuti ang kalidad ng buhay. Maaari mong subukan na tugunan ang isyu nang mag-isa. Gayunpaman, inirerekomenda na komunsulta sa propesyonal upang ligtas na malutas ang inaalalang problema.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Social anxiety disorder (social phobia) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/social-anxiety-disorder/symptoms-causes/syc-20353561, Accessed June 18, 2020

Depression (major depressive disorder) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/depression/symptoms-causes/syc-20356007, Accessed June 18, 2020

Persistent depressive disorder (dysthymia) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/persistent-depressive-disorder/symptoms-causes/syc-20350929, Accessed June 18, 2020

Depression and anxiety: Can I have both? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/depression/expert-answers/depression-and-anxiety/faq-20057989, Accessed June 18, 2020

NIMH » Questions and Answers about the National Comorbidity Survey Replication (NCSR) Study, https://www.nimh.nih.gov/health/topics/ncsr-study/questions-and-answers-about-the-national-comorbidity-survey-replication-ncsr-study.shtml, Accessed June 18, 2020

Kasalukuyang Version

07/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement