backup og meta

Benepisyo ng pagkakaroon ng alaga sa lockdown

Benepisyo ng pagkakaroon ng alaga sa lockdown

Hindi mabilang na pagbabago sa ating buhay ang dulot ng pandemya. Isa sa pinakamalaki ay karamihan sa atin ay na-stuck sa bahay. Pero para sa mga may pets, may benepisyo ng pagkakaroon ng alaga. Ang kanilang mga kasamang alaga ay nakatulong sa kanilang lockdown fatigue. Pero may iba pa bang benepisyo ng mga alagang hayop? Basahin dito.

Nadagdagan ang Pagmamay-ari ng Hayop Sa Panahon ng Lockdown

Sa mga unang stage ng pandemya ng COVID-19, mahigpit na mga lockdown na ipinataw ng gobyerno.  Maraming tao ang natigil sa bahay. Bagama’t ito sa una ay mapapamahalaan, ang extended lockdown ay walang alinlangan na nagdulot ng pinsala sa ating mental health.

Isang paraan na ginawa ng mga tao na makayanan ay ang pag-ampon ng mga alagang hayop. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Israel, ang pag-aampon ng aso ay talagang dumami sa panahon ng pandemya. Bukod pa rito, natuklasan din ng pag-aaral na ang mga paghahanap sa internet para sa pag-aampon ng aso ay tumaas din. Nangangahulugan ito na sa buong mundo, parami nang parami ang mga taong interesadong makakuha ng alagang hayop upang maging kanilang kasama sa panahon ng lockdown.

Maaaring napansin mo rin na ang ilan sa iyong mga kaibigan, miyembro ng pamilya, o maging ikaw ay nagpahayag ng interes o nag-ampon na ng alagang hayop. Ngunit bakit ganito ang kaso, at ano ang maibibigay na mga benepisyo ng mga alaga sa atin?

Benepisyo ng mga Alaga: Kung Paano Bumubuti ang Mental Health Dahil sa mga Alaga na Hayop

Mula pa noong prehistoric times, nag-aalaga na ang mga tao ng hayop. At ang unang hayop na pinaamo ng mga tao ay ang aso. Sa katunayan, ang mga aso na meron tayo ay nagmula sa mga wolf na inaalagaan ng mga tao. Ginawa ito para sa mga praktikal na kadahilanan. Dahil ang mga alagang wolf ay maaaring makatulong sa mga tao sa pangangaso, at nagsisilbi rin bilang isang paraan ng proteksyon.  

May benepisyo din dito ang mga alaga dahil nandiyan ang mga tao para bigyan sila ng pagkain at tirahan. At mula noon, nag-alaga na tayo ng ibang mga hayop tulad ng pusa, baka, baboy, kabayo, atbp.

Sa paglipas ng panahon, nalaman natin na bukod sa praktikal na mga benepisyo ng mga alaga sa atin, ang pagkakaroon ng isang tapat at mapagmahal na kasama ay nagpabuti rin ng ating kagalingan.

Ang pagkakaroon ng alaga sa lockdown

Sa ilalim ng lockdown, isa sa mga talagang benepisyo ng alagang hayop ay ang pagkakaroon mo ng kasama sa bahay. Ito ay totoo lalo na para sa mga nabubuhay nang mag-isa, o naninirahan malayo sa kanilang mga pamilya. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng kasama habang nasa ilalim ng lockdown. Ito ay upang mabawasan ang stress at kalungkutan.

Ang isa pang mahalagang benepisyong naibibigay ng mga alagang hayop ay routine. Dahil sa lockdown, parami nang parami ang nagsimulang magtrabaho mula sa bahay. Bagama’t maginhawa ito para sa ilan, nahihirapan ang ibang tao na i-manage ang kanilang oras nang walang matibay na istraktura sa kanilang araw.

Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay maaaring magbigay sa mga tao ng isang routine na maaari nilang sundin. At nakakatulong ito sa kanila na magkaroon ng daily schedule ng mga gawain na kailangan nilang gawin.

Panghuli, ang magiliw na hayop na maaari mong paglaruan ay isang magandang paraan para makapagpahinga at mag-relax pagkatapos ng isang abalang araw. Malaking tulong sa iyong mental health ang may mapagmahal na alagang hayop na makakasama mo.

Nakakaranas din ng stress ang mga alaga

Bilang pet owners, kailangan nating tandaan na kailangan din ng ating mga alagang hayop ang ating pangangalaga at atensyon. Maaari ding makaranas ng stress ang mga alagang hayop, gayundin ang lockdown fatigue.

Dahil sa lockdown, maaaring hindi opsyon ang paglabas araw-araw para sa paglalakad. Hindi ka rin maaaring maglibot kasama ang iyong alagang hayop, kaya maaaring ma-stress sila kung nasa bahay lang.

Minsan, ang mga alagang hayop ay maaaring makaramdam ng pangangailangan, o maging mapilit na lumabas. Kapag nangyari ito, responsibilidad nating tulungan ang ating mga alagang hayop na harapin ang kanilang stress. Ang paggugol ng mas maraming oras sa kanila o pakikipaglaro sa kanila nang mas madalas ay makakatulong na makapag-relax at kumalma.

Kung ang alaga mo ay nagsimulang lumikot o medyo makulit, importanteng habaan ang pasensya at subukang pakalmahin sila sa abot ng iyong makakaya.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Human–dog relationships during the COVID-19 pandemic: booming dog adoption during social isolation | Humanities and Social Sciences Communications, https://www.nature.com/articles/s41599-020-00649-x, Accessed January 4, 2021

2 For Better Mental Health, Experience the Pet Effect | Mental Health America, https://mhanational.org/blog/better-mental-health-experience-pet-effect#:~:text=Science%20demonstrates%20that%20these%20biological,long%2Dterm%20mental%20health%20conditions., Accessed January 4, 2021

3 Pets and mental health | Mental Health Foundation, https://www.mentalhealth.org.uk/a-to-z/p/pets-and-mental-health, Accessed January 4, 2021

4 Your pets are stressed out, too – Purdue University News, https://www.purdue.edu/newsroom/releases/2020/Q2/your-pets-are-stressed-out,-too.html, Accessed January 4, 2021

5 Pet Stress Has Increased During COVID-19, Bringing Behavior Problems | Tufts Now, https://now.tufts.edu/articles/pet-stress-has-increased-during-covid-19-bringing-behavior-problems, Accessed January 4, 2021

Kasalukuyang Version

08/03/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement