Ano Ang Peptic Ulcer Disease?
Kapag tinutukoy ng mga gastroenterologist ang “ulcer,” malamang pinag-uusapan nila kung ano ang peptic ulcer disease.
Ang ulcer ay tumutukoy sa isang sugat. Kapag nauugnay ito sa salitang “peptic,” nangangahulugan ito na ang sugat ay dahil sa asido.
Mga Uri Ng Peptic Ulcer
Mayroon dalawang uri ng peptic ulcer at ang pagkakaiba ng dalawa ay nakasalalay kung saan makikita ang sugat.
- Gastric ulcer. Sinasabing mayroon kang gastric ulcer kung ang sugat ay matatagpuan sa pinakaloob na bahagi na balot ng tiyan. Ang sakit na nauugnay sa uri ng ulcer na ito ay kadalasang tumtindi pagkatapos kumain o malamanan ang tiyan.
- Duodenal ulcer. Kung ang sugat naman ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng maliit na bituka (duodenum), maaaring mayroon ka ng duodenal ulcer. Ang pananakit naman na nararamdaman mula rito ay siya namang pinagagaan ng pagkain.
Ayon sa mga doktor, maaari kang makaranas ng parehong gastric at duodenal ulcers nang magkasabay.
Mga Senyales At Sintomas
Ang mga tao ay kadalasang nagbibigay ng kahulugan sa kung ano ang peptic ulcer disease depende sa mga senyales at sintomas na mayroon sila. Ang pinakakaraniwang sintomas ng peptic ulcer ay pananakit ng tiyan. Ngunit ang mga pasyente ay maaari ring makaranas ng mga sumusunod:
Pagsusuri
Kapag kumonsulta ka sa iyong doktor at pinaghihinalaan niya na ito ay peptic ulcer pagkatapos ng masusing pagsusuri, maaari niyang suriin ang pagkakaroon ng H. pylori, isang uri ng mikrobyo na nag-iinfect ng lining ng tiyan at sinsira ito upang ma-expose sa stomach acid at mgkaroong ng peptic ulcer. Narito ang tatlong pamamaraan upang masuri ang H. pylori:
- Urea breath test. Paiinumin ka ng espesyal na uri ng inumin na nagtataglay ng mga sangkap na kayang tunawin ng H. pylori. Susuriin ng mga doktor ang iyong hininga matapos nito.
- Stool antigen test. Titignan ng mga laboratory technicians ang maliit na stool sample kung may presensya ng nasabing bacteria.
- Blood tests. Titignan dito kung mayroong mga H. pylori antibodies na makikita.
Ang isa pang paraan upang masuri ang mga peptic ulcer ay sa pamamagitan ng EGD o upper esophagogastroduodenoscopy. Sa pamamaraang ito, titingnan ng mga doktor ang iyong tiyan at bituka upang suriin kung may mga sugat.
Isinasagawa ang EGD sa pamamagitan ng pagpasok ng manipis na tubo na tinatawag na endoscope sa bibig at pababa sa tiyan at duodenum (itaas na bahagi ng maliit na bituka). Ang endoscope ay may maliit na camera sa dulo upang magkaroon ng visualization.
Mga Sanhi At Risk Factors
Sa pangkalahatan, para sa mga nagtatanong kung ano ang peptic ulcer disease, ito ay tumutukoy sa pag-breakdown ng tiyan at duodenal protective tissues. Kapag nakompromiso ang mga proetctive layers, ang mga digestive juice ay maaaring makapinsala sa mga tisyu. Tandaan na ang ating digestive juice ay naglalaman ng enzyme pepsin (isang enzyme na sumisira sa mga protina) at hydrochloric acid.
Ngunit ano ang nagiging sanhi ng pagkasira ng protective lining?
Mga Sanhi Ng Peptic Ulcer
Ang dalawang pinakakaraniwang sanhi na nagkokompromiso sa protective lining ng tiyan at bituka ay ang mga H. pylori infections at ang paggamit ng mga NSAIDs.
Helicobacter pylori (H. pylori) Infections
Karamihan sa mga pasyente na may mga peptic ulcer ay may H. pylori infection. Gayunpaman, nararapat na tandaan na maraming tao, anuman ang edad, ay nahawahan din, ngunit hindi sila nagkakaroon ng mga senyales at sintomas.
Hanggang ngayon, hindi pa malinaw kung bakit ang H. pylori bacteria ay nakakairita sa tiyan at bituka ng ilang mga tao, habang ang iba ay nananatiling hindi apektado. Ang alam natin sa ngayon ay para sa mga taong mahina, lumalaki ang bacteria sa tissue lining, naglalabas ito ng substance na siyang sumisira sa lining ng sikmura dahilan upang magingsanhi ng ilang pamamaga, at nagiging mas madali ang pagkapapinsala dulot ng acid.
Risk Factors Ng H. pylori-Induced Ulcer
Bagama’t hindi pa rin sigurado ang mga mananaliksik kung paano kumakalat ang spiral-shaped na bacteria, iniisip nila na ito ay maaaring dulot ng:
- Maruming pagkain at tubig
- Maruming kagamitan
- Pagkakaroon ng contact sa mga body fluids ng infected na tao, kabilang ang laway
Paggamit Ng NSAIDs
Ang NSAIDs ay nangangahulugang non-steroidal anti-inflammatory drugs. Ito ay grupo ng mga gamot na ginagamit upang maibsan ang panakit, lagnat, o pamamaga. Ang pinakakaraniwang mga NSAIDs ay ang mga sumusunod:
Karamihan sa mga gumagamit ng mga gamot na ito kahit na walang reseta ng doktor ay hindi nagkakaroon ng anumang side-effects. Gayunpaman, ang panganib na magkaroon ng ulcer dahil sa mga NSAID ay tumataas kung iniinom mo ang mga ito sa mataas na dosage o kung pangmatagalan.
Bukod sa nagiging sanhi ng mga ulcer, pinalala rin ito ng mga NSAIDs. Ito ay dahil ang ilang mga ulcer ay dumudugo at ang mga gamot na ito ay nakasasagabal sa pag-ampat ng pagdurugo.
Risks Factors Ng NSAID-Induced Ulcer
Para sa maraming tao na nag-uugnay sa kung ano ang peptic ulcer disease sa mga NSAID, tandaan ito: mayroon kang mas mataas na panganib na magkaroon ng ulcer dahil sa mga gamot na ito kung ikaw ay:
- Babae
- Edad 70 o mas matanda
- Umiinom ng higit sa 2 uri ng mga NSAIDs
- Pangmatagalang umiinom ng mga NSAIDs
- May pinagbabatayang medikal na kondisyon
- Umiinom ng mga gamot na nagpapataas ng iyong bone mass
- Umiinom ng iba pang mga gamot, tulad ng mga steroid
- Naninigarilyo
- Uminom ng alak
Sa puntong ito, linawin natin na ang mga salik tulad ng stress at pagkain ng mga maanghang na pagkain ay hindi nagiging sanhi ng mga ulcer. Gayunpaman, maaari nilang palalain ang mga senyales at sintomas.
Paggamot At Home Remedies
Ang paggamot para sa mga peptic ulcer ay kadalasang nakadepende sa mga gamot, ngunit ang doktor ay magrereseta sa iyo ng angkop para sa sanhi ng iyong ulcer. Ang ilan sa mga gamot ay:
Antibiotics
Kung iuugnay mo kung ano ang peptic ulcer disease sa H. pylori, maaaring magreseta sa iyo ang doktor ng 2 uri ng antibiotics. Depende sa kanyang pagsusuri, maaaring kailanganin mong inumin ang mga ito dalawang beses sa isang araw para sa isang buong linggo. Ang mga halimbawa ng mga antibiotic na inireseta ng mga doktor para sa mga ulser ay amoxicillin at metronidazole.
Bagama’t maaaring mangyari ang mga side effects at masasamang reaksyon habang ikaw ay naka antibiotic therapy, kadalasang mild lamang ang mga ito, tulad ng pagkakaroon ng metal na lasa sa iyong bibig o pakiramdam ng kaunting sakit.
4 na linggo pagkatapos makumpleto ang iyong antibiotic therapy, maaaring suriin kang muli ng doktor para sa pagkakaroon ng H. pylori bacteria sa iyong tiyan. Kung may natitira pa, maaaring kailanganin mong magkaroon ng isa pang therapy upang maalis ang mga ito.
Proton Pump Inhibitors
Gumagana ang Proton Pump Inhibitors (PPIs) upang bawasan ang acid sa iyong tiyan at protektahan ang tissue lining. Ito ay nagpapahintulot sa iyong mga sugat na gumaling dahil ang acid ay kadalasang nagpapalala sa pinsala. Kung niresetahan ka ng doktor ng PPI, maaaring kailanganin mong inumin ang gamot sa loob ng 4 hanggang 8 na linggo.
Ang isang magandang halimbawa ng isang PPI ay omeprazole. Kapag umiinom ng mga gamot na PPI, maaari kang makaranas ng mild reactions tulad ng pananakit ng ulo, pantal, at pagkahilo.
H2 Receptor Antagonist
Ang mga H2 receptor antagonist ay may katulad na mga tungkulin tulad ng sa mga PPI; binabawasan din nila ang dami ng acid sa tiyan. Ang pinakamahusay na halimbawa ng isang nito ay ranitidine. Kabilang ang pagtatae, pagkapagod, at mga pantal sa ilang mga mild effects nito.
Protectants
Dahil ang karamihan sa mga acid reducer ay nangangailangan ng ilang oras upang gumana, maaaring ang doktor ang kumuha ng mga antacid para sa iyo. Kung ang mga H2 receptor antagonist at PPI ay gumagana upang bawasan ang mga acid sa tiyan, ang mga antacid ay gumagana upang i-neutralize ang mga ito. Ito ay magbibigay sa iyo ng agarang lunas mula sa mga senyales at sintomas ng mga ulcer.
Ang ilang mga gamot ay kumikilos bilang mga proteksiyon tulad ng mga alginate. Ang mga alginate na ito ay gumagawa ng protective lining na pumoprotekta sa tiyan mula sa acid at nakapipinsalang mga enzyme.
Mangyaring tandaan na ang ilang mga antacid ay may mga alginate na kasama.
Home Remedies
Bukod sa mga gamot, maaari ring pamahalaan ang sintomas ng peptic ulcer sa pamamagitan ng mga natural remedies.
Bilang karagdagan, maaari mo ring tingnan ang mahahalagang tips sa diyeta kung mayroon kang peptic ulcer.
Pag-Iwas
Maliban sa pag-alam kung ano ang peptic ulcer disease, kailangan mong malaman tungkol sa pag-iwas. Upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng peptic ulcer, hinihikayat ng mga eksperto ang mga tao na gawin ang mga sumusunod na hakbang.
- Itigil ang paninigarilyo. Ipinapakita ng mga pananaliksik na mas madaling magkaroon ng peptic ulcer ang mga taong naninigarilyo kumpara sa mga hindi.
- Limitahan ang alcohol intake. Bagaman hindi naman kinakailangang tanggaling buo sa sistema ang alak, maaari mong subukang bawasan ang iyong pag-inom. Pinapayuhan ng mga doktor ang mga kalalakihan na magkaroon ng maximum na 2 inumin sa isang araw; 1 naman para sa mga kababaihan.
- Protektahan ang sarili mula sa impeksyon. Ang paraan kung paano kumakalat ang naturang bacteria ay hindi pa malinaw, ngunit wala namang masama kung magsasagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang sarili mula rito. Siguraduhin na malinis ang mga pagkain, inumin, mga kubyertos, at huwag kalimutang maghugas ng kamay.
- Maging maingat sa pag-inom ng pain relievers. Dahil isa sa mga pangunahing sanhi ng ulcer ay ang NSAIDs, mainam na tanungin ang iyong doktor kung maaari kang kumuha ng mababang dosage lamang. Bilang karagdagan, maaari mo ring gawin ang pag-inom ng medication nang hindi nakasasama sa iyong digestive system. Halimbawa, kung sinasabi ng mga tagubilin na kailangan mong inumin ito kasabay ng pagkain, huwag itong inumin nang walang laman ang tiyan.
Key Takeaways
Maaaring iba-iba ang kahulugan ng kung ano ang peptic ulcer disease sa mga tao, lalo na kung nakararanas sila ng iba’t ibang sintomas at tumatanggap ng magkakaibang paggamot. Ngunit isang bagay ang sigurado: kung pinaghihinalaan mo na mayroon ka nito, kumunsulta kaagad sa iyong doktor.
Tandaan na ang hindi pagtugon dito ay maaaring magpalala at humantong sa mga komplikasyon tulad ng digestive obstruction, internal bleeding, at karagdagang impeksiyon.
Key-takeaways
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan sa Digestive dito.