Sa usapan ng pag-manage ng IBS, isa sa pinakamahalagang bagay na dapat ikonsidera ay ang iyong diet. Maraming IBS food na dapat iwasan, kaya’t mahalaga na maging maingat sa kung anong ipapasok sa iyong katawan. Ito ay nakatutulong na maiwasan ang pag-trigger ng IBS. Alamin ang IBS foods na dapat iwasan dito.
Basahin upang matutuhan ang tungkol sa mga pagkain na dapat iwasan, mga pagkain na dapat kainin na may moderasyon, at ano ang dapat kainin pa.
IBS Foods na Dapat Iwasan
Sa usapan ng IBS foods na dapat iwasan, isang mahalagang bagay ang dapat tandaan at ito ang acronym na FODMAP, na ang ibig sabihin ay Fermentable Oligosaccharides, Disaccharides, Monosaccharides, at Polyols.
Medyo tunog komplikado ang mga ito, ngunit ang FODMAPs ay mahalagang carbohydrates na mahirap para sa katawan mong mag-digest.
Ang nangyayari ay kung kumain ka ng FODMAPs, ang proseso ng pagtunaw ng iyong katawan ay nag-iiwan ng maraming hindi natunaw na carbohydrates. Ang mga hindi natunaw na carbs ay kinakain ng bacteria sa iyong tiyan, na nagpo-produce ng dagdag na gas. Responsable ang dagdag na gas sa pag-trigger ng sintomas ng IBS.
Narito ang ilang pagkain na kailangan mong iwasan:
Lactose
Ang lactose ay disaccharide na makikita sa gatas at milk-based na produkto. Para sa karamihan ng mga taong may IBS, ang dairy products ay hindi maaari dahil ang mga ito ay ang karaniwang may sala para sa IBS.
Ang mga pagkain tulad ng gatas, keso, yogurt, at ice cream ay kailangang iwasan hangga’t maaari kung nais mong maiwasan ang trigger ng IBS.
Prutas
Bagaman ang mga prutas ay mahalagang bahagi ng iyong diet, maaari din itong maging sanhi ng problema kung ikaw ay may IBS. Ito ay sa kadahilanan na naglalaman sila ng sugar na tinatawag na fructose, na nagti-trigger ng sintomas ng IBS.
Mainam na ideya na kumain ng prutas na may moderasyon o subukan na iwasan ang mga prutas na mayaman sa fructose. Kabilang dito ang mansanas, peras, pakwan, dried fruits, at maging ang fruit juice.
Beans
Kahit na sa mga taong walang IBS, ang beans ay kilala bilang dahilan upang dumaan ang gas. Sa mga taong may IBS, gayunpaman, maaari itong mag-trigger ng sintomas tulad ng bloating, maging ang pagbabago sa iyong bowel movements.
Kahit na ang beans ay mainam na pinagmumulan ng fiber at protina, mainam na iwasang kainin ang mga ito kung ikaw ay may IBS.
Cruciferous vegetables
Ang cruciferous vegetables ay magandang pangalan lamang para sa mga gulay tulad ng broccoli, repolyo, at cauliflower, na miyembro ng brassica family. Ang mga gulay na ito ay maaaring maging sanhi ng pakiramdam na bloated at maaaring mag-trigger din ng ibang sintomas ng IBS.
Anong mga Pagkain ang Dapat Kainin?
Ngayong nalista na natin ang mga pagkain na dapat iwasan, ano namang mga pagkain ang dapat kainin? At ano ang mainam na alternatibo na dagdag sa iyong diet?
Kumain ng mas maraming pagkain na ito
Narito ang ilang pagkain na kailangan mong kainin kung ikaw ay may IBS:
- Ang nilutong gulay tulad ng talong, kamatis, spinach, celery, at kalabasa ay mainam.
- Mainam din ang brown rice na kainin bilang pinagmumulan ng carbohydrates at fiber.
- Karne, manok, at isda ay mainam na kainin, ngunit iwasan ang pagkain ng fatty meals
- Ang puting itlog ay mainam ding pinagmumulan ng protina
Alternatibong Pagkain
Ang ilang pagkain tulad ng gatas at cruciferous vegetables ay mainam para sa iyo, ngunit nakasasama para sa IBS. Sa kabutihang palad, mayroong mga alternatibong pagkain na maaari mong kainin na nagbibigay ng parehong lebel ng nutrisyon.
Narito ang ilang mga pagkain:
- Sa halip ng gatas o dairy, maaari mo ring subukan ang nut milks o soy milk
- Para sa beans, maaari kang kumain ng kanin, quinoa, at ibang whole grains
- Kung mayroon kang problema sa pagtunaw ng gluten, subukan na kumain ng rye, mais, o patatas
- Ang mga prutas na mababa sa sugar ay mainam na kainin, kabilang dito ang saging, blueberries, cranberries, strawberries, orange, lemon, at lime
Mahalagang Tandaan
Isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay mahalaga ang gampanin ng iyong diet sa pag-manage ng kondisyon. Sa pagbabago ng diet at pagbawas ng mga pagkain na nakaka-trigger sa iyong kondisyon, maaari mong mabawasan ang IBS flare-ups at maiwasan ang discomfort. Upang matukoy ang triggers, simulan sa dairy food.
Kung kailangan, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa nutritionists o dietician. Makatutulong sila upang matukoy anong mga pagkain ang dapat isama sa iyong diet at anong mga pagkain ang dapat iwasan.
Matuto pa tungkol sa IBS dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.