backup og meta

Para Saan Ang Appendectomy? Kailan Ito Kailangan?

Para Saan Ang Appendectomy? Kailan Ito Kailangan?

Ang appendectomy ay isang uri ng operasyon upang tanggalin ang appendix.

Matatagpuan sa ibabang kanang bahagi ng tiyan, ang apendix ay isang hugis-tubong supot na nakadikit sa large intestine. Ang maliit na pouch na ito ay tinatawag na vestigial organ, dahil ang katawan ay maaaring gumana nang maayos kahit wala ito.

Isa sa mga karaniwang emergency na operasyon ang appendectomy upang gamutin ang appendicitis, isang kondisyon kapag naging naimpeksyon ang appendix.

Ang appendix na may impeksyon ay maaaring maging sanhi ng ng matinding sakit sa ibabang kanang bahagi ng tiyan. Kabilabg sa iba pang mga karaniwang sintomas ay ang pagduduwal at lagnat. Ang gamutan ay mahalaga dahil kung hindi ito magagamot, ang appendix ay maaaring pumutok at kumalat ang impeksyon at iba pang nakalalasong toxins sa abdominal cavity. Ito ay maaaring maging banta sa buhay. Alamin sa artikulong ito kung para saan ang appendectomy.

Para Saan Ang Appendectomy?

Para saan ang appendectomy? Ito lamang ang tanging paraan ng gamutan para sa appendicitis. Kung sa palagay ng doktor na ang pasyente ay may appendicitis, ipapayo niya ang operasyon upang tanggalin ang appendix.

Simple at karaniwang operasyon ang appendectomy na gumagamot ng appendicitis. Gayunpaman, may mga tiyak panganib na nauugnay dito tulad ng mga sumusunod:

  • Baradong bituka
  • Pagdurugo
  • Pagsira ng organ
  • Impeksyon

Gayunpaman, ang panganib ng hindi nagamot na appendicitis ay mas mataas kaysa sa panganib ng operasyon ng appendix. Iminumungkahi ng mga doktor ang operasyong ito bilang medical emergency upang maiwasan ang pagkakaroon ng peritonitis at abscesses.

Paano Paghandaan Ang Appendectomy?

Karamihan sa mga operasyon ng appendectomy ay ginagawa kaagad. Kaya naman, ang pasyenteng sasailalim sa operasyong ito ay kinakailangang sumunod sa ilang mga tagubilin ng surgeon. Sa pangkalahatan, pinapayuhan ang pasyente na iwasan ang anumang solid na pagkain bago ang operasyon. Ang mga doktor ay maaaring magbigay ng mga gamot na tinatawag na antiemetics upang maalis at mabawasan ang pagduduwal bago ang operasyon.

Anong Nangyayari Habang Isinasagawa Ang  Appendectomy?

Para saan ang appendectomy? May dalawang uri ng operasyon upang tanggalin ang appendix: Laparoscopic Appendectomy at Open Appendectomy. Ang laparoscopic surgery ay ang karaniwang operasyon para sa appendicitis na isinasagawa ng mga doktor dahil ito ay hindi gaanong invasive kaysa sa Open surgery.

Laparoscopic Appendix Operation

Karaniwan, ang isang doktor ay nagsasagawa ng operasyong ito sa tulong ng general anesthesia. Matapos mawalan ng malay ng pasyente, ang surgeon ay gagawa ng ilang maliliit na hiwa sa paligid ng tiyan upang magkaroon ng access sa appendix. Matapos ito, ang surgeon ay magpapasok ng maliit, manipis na tubo na tinatawag na Cannula upang punan ang tiyan ng carbon dioxide gas. Ang gas na ito ay nakatutulong sa surgeon upang makita nang malinaw ang appendix.

Kapag ang tiyan ay napuno ng carbon dioxide, isang instrumento na tinatawag na laparoscope ay ipinasok sa pamamagitan ng paghiwa. Ang laparoscope ay isang manipis at mahabang tubo na may mataas na resolution na camera at mataas na intensidad na ilaw. Ang camera at ilaw sa laparoscope ay tumutulong sa surgeon na makita ang loob ng tiyan sa pamamagitan ng screen at gabayan ang mga kagamitan.

Kapag nakita na ang apendix, itatali ito ng surgeon sa pamamagitan ng pagtahi at saka ito aalisin. Kapag naalis na, lilinisin ang mga maliliit na hiwa, isasara ang mga ito, at lalagyan ng benda.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang laparoscopic appendix removal ay ang pinakamahusay na opsyon para sa mga overweight at mas matatanda. Ito ay itinuturing na may mas kaunting mga panganib kaysa sa open appendix operation at sa kabuoan ay may mas maikling  panahon ng recovery.

Open Appendix Operation

Habang isinasagawa ang open appendicectomy, ang surgeon ay gagawa ng isang malaking hiwa sa ibabang kanang bahagi ng tiyan. Pagkatapos ay aalisin ang appendix at isinasara ang sugat gamit ang mga tahi. Ayon sa mga doktor, ang ganitong uri ng operasyon ay nakatutulong sa surgeon upang linisin ang abdominal cavity sakaling pumutok ang appendix.

Maaaring imungkahi ng doktor ang open appendectomy kung ang appendix na may impeksyon ay pumutok at kumalat ang impeksyon sa ibang organs. Gayundin, ito ay opsyon para sa mga taong sumailalim na noon sa operasyon sa tiyak.

Gaano Katagal Ang Recovery Ng Appendectomy?

Ang pag-recover ng pasyente ay lubhang nakasalalay sa uri ng operasyong isinagawa sa pasyente, uri ng anesthesia, at mga komplikasyong nabuo pagkatapos ng operasyon.

Para sa mga pasyenteng sumasailalim sa laparoscopic appendectomy, ang panahon ng pag-recover ay karaniwang mas maikli kaysa sa open appendectomy. Bagama’t maaaring ipagpatuloy ng isang tao ang mga normal na gawain sa loob ng ilang araw hanggang linggo, maaaring tumagal ng 4 hanggang 6 na linggo ang ganap na paggaling. Hanggang sa ganap na gumaling ang isang tao, pinapayuhan siyang iwasan ang pagsasagawa ng mga mabibigat na gawain.

Post-Surgical Na Pag-iingat Sa Appendectomy

Kung sumailalim sa operasyong appendectomy, sundin ang mga hakbang na ito upang alagaan ang sarili:

  • Iwasan ang pagsakit ng hagdan at pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.
  • Gumamit ng mild laxative sa mga unang araw.
  • Magpahinga.
  • Iwasan ang hindi sapat na diet.
  • Sundin ang payo sa pagkain na ibinigay ng doktor.
  • Uminom ng maraming tubig.
  • Dahan-dahang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga normal na gawain.
  • Kapag handa nang subukan ang mga normal na gawain, magsimula sa mga simpleng gawain.

Matuto pa tungkol sa Kalusugang Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Appendectomy, https://www.healthline.com/health/appendectomy, Accessed on 21/01/2020

Appendectomy, https://www.medicinenet.com/appendectomy/article.htm, Accessed on 21/01/2020

What to know about appendectomy, https://www.medicalnewstoday.com/articles/323805, Accessed on 21/01/2020

Appendectomy, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/appendectomy, Accessed on 21/01/2020

Appendicitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/appendicitis/diagnosis-treatment/drc-20369549, Accessed on 21/01/2020

Treatment, https://www.nhs.uk/conditions/appendicitis/treatment, Accessed on 21/01/2020

Appendectomy, https://medlineplus.gov/ency/article/002921.htm, Accessed on 21/01/2020

Kasalukuyang Version

02/21/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement