backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Basic Na First Aid Intervention Kung May Emergency

Narebyu ng Eksperto Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP · Occupational Therapy · Kids' S.P.O.T. Learning and Therapy Center, Inc.


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    Basic Na First Aid Intervention Kung May Emergency

    Ang basic na first aid intervention ay isang set ng mga kasanayan at kaalamang kapaki-pakinabang para sa lahat ng indibidwal na matuto. Ito ay dahil magagamit ang mga ito sa oras ng emergency. Ang mga ito ay maaari ding gamitin upang iligtas ang buhay ng isang taong iyong pinapahalagahan. Subalit pagdating sa emergencies, pinakamainam na hayaan ang trained personnel at medical first responders na alagaan ang mga pasyente. Gayunpaman, kung kinakailangan ng sitwasyon, maaari mong gawin ang iyong bahagi upang maiwasan ang injury at panganib habang naghihintay sa pagdating ng emergency medical team.

    Sa kasalukuyan, mahirap para sa mga hindi sanay na indibidwal na magkaroon ng first aid training at certification sa kalagitnaan ng COVID-19. Gayunpaman, posible pa ring matutuhan ang basic na first aid intervention sa pamamagitan ng paggamit ng mga online resources at pakikipag-ugnayan sa Red Cross, na nagbibigay ng mga first aid courses sa online.

    Ano Ang Basic Na First Aid Intervention?

    Ano ang basic na first aid intervention? Ang first aid ay tumutukoy sa anyo ng pang-emergency na pag-aalaga na ibinibigay sa isang taong nasugatan. Ang pangunahing layunin nito ay maiwasan ang pagkakaroon ng injury at kapansanan sa hinaharap. Sa mga malulubha at mapapanganib na kaso, ang first aid ay maaaring maging salik sa pagpapanatiling buhay ng isang pasyente.

    Upang malaman ang mga detalye at halimbawa, narito ang ilang listahan ng injuries at mga paraan ng first aid na maaaring gawin:

    Pagdurugo

    Gaano pa man kalubha, ang pagdurugo ay dapat laging ituring na isang malubhang injury. Ang bawat kaso ay dapat gamutin dahil kung hindil, ang injury ay mabilis na lulubha.

    Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa first aid para sa pagdurugo:

    • Takpan ang sugat gamit ang tela o gasa at lagyan ng pressure.
    • Panatilihin ang pressure upang mapigilan ang paglabas ng dugo. Kung kaya, maaaring gumamit ng tourniquet.
    • Magdagdag ng marami pang layers kung kinakailangan upang mapanatili ang pressure at saklaw. Huwag tanggalin ang layers upang magkaroon ng pamumuo ng dugo na makatutulong sa paghinto ng paglabas ng dugo.
    • Pagkatapos maglagay ng pressure bandages, dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na klinika o ospital para sa tamang pagsusuri at gamutan.

    basic na first aid intervention

    Cardiac Arrest

    Kung sa iyong palagay ay nakaranas ng cardiac arrest ang isang tao, mahalagang dalhin AGAD ang pasyente sa emergency room. Tumawag sa 911 emergency services upang matukoy ang tamang paraan ng pagkilos habang naghihintay ng ambulansya o habang dinadala ang pasyente sa ospital.

    Mga Paso

    Ang mga paso ay nangangailangan ng agarang gamutan sa pamamagitan ng pagtigil sa proseso ng pagkasunog. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpapalamig. Hayaang daluyan ng malamig na tubig ang apektadong bahagi. Ngunit tandaan na ang yelo ay hindi dapat ilapat sa mga paso. Ang pinakamahalagang hakbang ay itigil at alisin ang sanhi ng paso.

    Mga hakbang sa first aid para sa mga paso:

    • Kung maaari, itaas ang apektadong bahagi.
    • Padaluyan ang napasong bahagi ng malamig na tubig sa loob ng ilang minuto, nang walang yelo. Tandaan: ito ay para lamang sa mga maliliit na paso.
    • Maglagay ng gasa o mamasa-masang benda upang maiwasan ang lalong evaporation ng sugat.
    • Iwasang maglagay ng ointments, remedies na may langis, o mga bagay tulad ng mantikilya.
    • Magbigay ng mga gamot para sa maibsan ang sakit tulad ng ibuprofen at acetaminophen kung kinakailangan PAGKATAPOS kumonsulta sa doktor.
    • Kung may nabuong mga paltos, iwasang hawakan o kalikutin ang mga ito.

    Mga Bali

    Lahat ng injured na paa’t kamay (partikular ang mga braso at binti) ay dapat ituring na bali hanggang sa maisagawa ang wastong propesyonal na medikal na pagsusuri.

    Mga hakbang sa first aid para sa bali:

    • Huwag subukang ituwid o igalaw ang limb.
    • Ayusin ang limb gamit ang padding o splint (kung mayroon) upang panatilihing hiindi nagagalaw ang bali. Pinakamainam na maglagay ng splint upang matakpan nito ang apektadong limb gayundin ang mga kasukasuan na nakapaligid dito.
    • Kung sakaling walang splint o padding na magagamit, anomang bagay na tuwid, pantay at matibay ay maaaring gamitin upang ayusin ang limb at maiwasan itong magalaw.
    • Kung may pamamaga, maglagay ng cold pack sa injured na bahagi nang hindi direkta. Iwasang maglagay ng yelo nang direkta sa injury.
    • Gumamit ng anti-inflammatory na gamot PAGKATAPOS kumonsulta sa doktor.

    Sprains

    Ang sprains kung minsan ay napagkakamaliang injury sa buto. Tumutukoy ito sa pagkakabanat o pagkakapunit ng ligaments na nag-uugnay sa mga buto sa mga kasukasuan. Ang gamutan para sa pinaghihinalaang sprain ay kapareho ng gamutan sa pinaghihinalaang bali. Ito ay dahil halos magkapareho ang mga sintomas ng mga ito. Upang matukoy ang bali, maaaring magsagawa ang doktor ng imaging tests, tulad ng X-ray.

    Key Takeaways

    Kapaki-pakinabang na matutuhan ang basic na first aid intervention dahil maaaring mangyari ang hindi inaasahan kung saan maaaring kailanganing ibsan ang sakit at maiwasan ang karagdagang injury. Magsaliksik ng mga available na materyales sa online, ngunit lubhang iminumungkahing magkaroon ng wastong training and certification mula sa mga mapagkakatiwalaang institusyon. Maaaring isaalang-alang ang pagsali sa First Aid Training mula sa Red Cross.

    Matuto pa tungkol sa First Aid dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyu ng Eksperto

    Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP

    Occupational Therapy · Kids' S.P.O.T. Learning and Therapy Center, Inc.


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement