Ano ang Ostomy
Ang ostomy ay isang surgical procedure na ginagawa ng doktor kapag may matinding trauma sa tiyan o pelvic area dahil sa mga aksidente at pinsala. Ginagawa rin ito sa mga taong ipinanganak na partikular na birth defects, o may cancer, inflammatory bowel disease, diverticulitis, o incontinence, at iba pang medical conditions. Kilala rin na continent diversion surgery, ang procedure na ito ay maaaring gawin sa sinuman sa anumang edad. Bagaman hindi ito nakakabawas sa life expectancy, nangangailangan ito ng bagong paraan ng pamumuhay. Pagkatapos ng procedure, ang mga pasyente ay nangangailangan ng wastong pag-aalaga sa stoma.
Mayroong tatlong magkakaibang anyo ng ostomy:
- Colostomy
- Ileostomy
- Urostomy
Ang mga ostomies na ito ay lumilikha ng stoma. Ang stoma ay isang incision o paghiwa sa iyong tiyan. Kumokonekta ito sa alinman sa iyong digestive o urinary system. Ang ihi o dumi ay nakakalabas sa iyong katawan sa pamamagitan ng stoma. At ang mga pasyente ay nagsusuot ng pouch sa ibabaw ng stoma.
Pag-aalaga sa Stoma: Anong mga kondisyon ang kailangan ng Ostomy?
Isinasagawa ng mga doktor ang ostomies, partikular na ang colostomies. Ito ay upang malunasan ang mga sumusunod na medical conditions:
- Mga birth defects (barado o walang butas ang puwet)
- Diverticulitis (pamamaga ng mga sac sa colon)
- Inflammatory bowel disease
- Pinsala sa colon o tumbong
- Bahagyang pagbabara ng bituka o baradong bituka
- Rectal o colon cancer
- Mga sugat, fistula sa perineum (ang fistula ay mga abnormal na koneksyon ng mga panloob na bahagi ng katawan o ng panloob na organ at balat)
Pag-aalaga sa Stoma: Paano ginagawa ang Ostomy?
Ang general procedure ng ostomy ay karaniwang pareho para sa bawat uri nito.
Sa colostomy, isa sa mga pinakakaraniwang uri nito. Ang mga doktor ay gumagawa ng opening o butas sa malaking bituka (colon) sa pamamagitan ng tiyan. Maaaring pansamantala o permanente ang resulta ng procedure na ito.
Pansamantala
Nasasagawa ang mga doktor ng pansamantalang o “loop colostomy” sa mga emergency case, at maaari nilang i-reverse ito pagkatapos. Ang bahagi ng colon ay itinataas hanggang sa level ng balat at iniaayos ito gamit ang stoma rod. Ang nakalantad na bahagi ay pinuputol at ang dulo nito ay niro-roll pababa at pagkatapos ay itatahi sa balat.
Permanente
Sa permanenteng o “end colostomy,” inaalis ng mga doktor ang isang seksyon ng colon o tumbong at inaangat ang natitirang bahagi sa ibabaw ng tiyan, at gumagawa ng stoma.
Sa ileostomy, isang bahagi ng maliit na bituka ang bumubuo sa stoma. Samantala, sa isang urostomy, ang stoma ay konektado sa mga ureter.
Pag-aalaga sa Stoma: Paano Inaalagaan ang Stoma
Pagkatapos ng operasyon, ang pag-aalaga sa stoma ay pinakamahalaga. Kahit ang butas ay dapat pareho ng kulay sa ibang bahagi ng balat, ang output nito ay maaaring maging malambot at masakit. Narito ang ilang paraan upang mabawasan ang epekto ng output.
- Ang paggamit ng pouch na may tamang sukat at skin barrier opening ay maaaring makapigil sa pinsala o pamamaga ng stoma. Kung ang butas ay masyadong malaki, ang output ay maaaring makairita sa balat.
- Upang maiwasan ay pagtagas at magkaroon ng skin irritation, ang pouch ay dapat regular na palitan. Siguraduhing magtakda ng regular na iskedyul para sa pagpapalit ng pouch.
- Mag-ingat sa pagtatanggal ng pouching system sa balat. Dahan-dahang i-push ang iyong balat palayo sa sticky barrier sa halip na hilahin ang barrier palayo sa balat.
- Linisin ang balat sa paligid ng stoma ng tubig, at tuyuing mabuti ang balat bago palitan ang skin barrier o pouch.
- Alamin ang anumang allergy na maaaring mayroon ka sa adhesive o skin barrier. Tandaan na maaaring hindi ito mabuo kaagad, pero pwedeng mangyari pagkatapos ng mga linggo, buwan o taon. Ang isang stoma nurse ay maaaring magrekomenda ng ilang uri.
Sa ileostomies, o mga operasyon na resulta mula sa pinsala o sakit sa maliit o malaking bituka, ang waste ay dumadaan sa stoma papunta sa isang pouch, katulad ng isang colostomy. Pagkatapos ng operasyon, ang stoma ay malamang na mamaga, at ito ay magiging mas maliit sa mga susunod na linggo.
Key Takeaways
Ang stomas ay mga butas na ginawa sa pamamagitan ng isang procedure na ostomy. Ang tatlong uri ng ostomy—colostomy, ileostomy at urostomy—ay nagta-target ng iba’t ibang internal organs na kasama ng paglilipat ng output ng colon, bituka, o pantog sa isang panlabas na pouch o bag. Ito ay mga life-saving procedures na hindi nagpapababa ng life expectancy ng pasyente, ngunit nangangailangan lamang ng isang bagong paraan ng pamumuhay.
Dahil ang butas ay ginawa na sa external bag umaagos ang inilalabas ng katawan, kinakailangan ang espesyal na pag-aalaga. Ito ay upang mapanatili itong malinis at walang iritasyon. Kasama sa pag-aalaga sa stoma ang paglilinis ng butas gamit ang maligamgam na tubig at tamang sukat ng skin barriers at pouch openings.
Alamin ang tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Digestive Health dito.
[embed-health-tool-bmi]