Bagaman ito ay bihirang sakit, ang short bowel syndrome ay maaaring maging dahilan ng alalahanin. Ngunit ano ang short bowel syndrome at ano ang sanhi nito? Anong uri ng paggamot ang kailangan? Alamin ang kaalaman tungkol sa short bowel syndrome.
Ano ang Short Bowel Syndrome?
Ang short bowel syndrome ay ang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi kayang i-absorb ang sapat na nutrisyon dahil nagkukulang ang small intestine. Maaari itong mangyari dahil:
- Ang small intestine ay maaaring mabawasan ang function dahil sa surgical operation kung saan ang bahagi ay kailangan na tanggalin upang lunasan ang impeksyon o sakit.
- Ang bahagi ng intestine ay apektado sa sakit na sanhi upang hindi mag-function nang maayos.
- Sa bihirang mga kaso, ang small intestines ay maaaring naturally deficient sa pagkapanganak. Ang mga sanggol na isinilang na may maliit na small intestine kaysa sa karaniwan, o maaaring isinilang na may pinsala ang small intestines, na maaaring kailangang tanggalin sa operasyon.
Mahalagang bahagi ng katawan ang small intestine na responsable sa pagtunaw ng pagkain at pag-absorb ng nutrisyon na mula rito. Kung ang isang maliit na intestine ay hindi nagfu-function nang maayos, maaari itong mag-sanhi sa katawan ng kakulangan sa mineral at nutrisyon na kailangan upang mag-develop at mag-function nang maayos.
Mahalaga na tandaan na ang mga batang isinilang na may short bowel syndrome ay mas mataas ang banta kaysa sa mga matanda. Ito ay dahil ang mga bata ay kailangan ng sapat na nutrisyon at mineral upang lumaki nang maayos at mag-develop. Ang short bowel syndrome ay maaaring humantong sa seryosong problema at komplikasyon kung tumanda silang may kakulangan sa bitamina at malnutrisyon.
Ano ang mga Sanhi ng Short Bowel Syndrome?
Ang short bowel ay maaaring mangyari dahil ang small intestine ay surgically na tinanggal dahil sa nakaraang medikal na kondisyon, o dahil ang small intestine ay mas maiksi o defective pagkapanganak.
Crohn’s disease, cancer, traumatic injuries, at blood clots ay ilan sa mga rason bakit kailangan na operahan ang small intestine. Sa kaso tulad ng mga ito, malaking portion ng small intestine ang maaaring tanggalin. Ang mga sanggol na isinilang na may pinsala sa small intestine ay maaaring kailanganin na tanggalin ito.
Ano ang mga Sintomas ng Short Bowel Syndrome?
Narito ang mga karaniwang senyales at sintomas ng short bowel syndrome:
- Pagtatae
- Magrasang tae
- Fatigue
- Pagbaba ng timbang
- Malnutrisyon
- Pamamaga ng lower extremities
- Cramping sa tiyan
- Bloating
- Heartburn
- Dehydration
- Anemia
- Bacterial infections
Paano Nada-diagnose ang Short Bowel Syndrome?
Kung nasa isip ng iyong doktor na ikaw ay may short bowel syndrome, maaaring irekomenda niya na ikaw ay magpa-test sa dugo at tae. Ang mga test na ito ay upang mataya ang lebel ng nutrisyon na makikita sa iyong katawan. Ang ibang mga tests ay maaaring irekomenda tulad ng:
- Barium X-ray
- Computerized tomography scan (CT scan)
- Magnetic resonance imaging (MRI)
- CT o MR enterography
Mga Pagpipiliang Lunas
Ang lunas ay nakadepende sa bahagi ng small intestine na apektado. Ang pagkakaroon ng intact na colon o hindi ay salik din sa option ng lunas.
Narito ang ilang option para sa short bowel syndrome:
Nutritional therapy
Ang ganitong uri ng lunas ay ibig sabihing ang mga pasyente na may kondisyon na ito ay kailangan na sundin ang tiyak na diet, maging ang nutritional supplements. Sa ibang mga kaso, ang mga pasyente ay makukuha ang kanilang nutrisyon sa pamamagitan ng feeding tube. Ito ay isinasagawa upang maiwasan ang malnutrisyon.
Mga Gamot
Kabilang ng mga iniresetang diet at bitamina, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot na makatutulong upang magkontrol ng discomfort na dala ng short bowel syndrome. Ang mga gamot na ito ay maaaring inireseta upang kontrolin ang stomach acid, mabawasan ang pagtatae, o mapabuti ang intestinal absorption matapos ang surgical procedure.
Mahalagang Tandaan
Sa ibang mga kaso, maaaring magpayo ang doktor ng operasyon para sa parehong mga matanda at bata na may short bowel syndrome. Sa pamamaraan na ito kabilang ang pagpapabagal ng pagdaan ng nutrisyon sa intestine, o pagpapahaba ng intestine, at minsan ay small bowel transplant. Bagaman ang kondisyon na ito ay maaaring alalahanin, kung titignan nang maayos, hindi dapat ito maging hadlang sa parehong mga bata at matanda sa pamumuhay nang ganap at fulfilling.
Matuto pa tungkol sa Ibang Isyu sa Digestive na Kalusugan dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.