backup og meta

Gamot Sa Pancreatic Cyst: Alamin Ang Mga Karaniwang Treatment Para Dito

Gamot Sa Pancreatic Cyst: Alamin Ang Mga Karaniwang Treatment Para Dito

Mayroon bang mga natural na gamot sa pancreatic cyst? Maaaring ito ay nakakagulat, ngunit may mga bagay na maaari mong gawin sa bahay upang maiwasan at magamot ang mga pancreatic cyst. Gayunpaman, bago mag gamot sa sarili, mahalagang makipag-usap muna sa iyong doktor upang makita kung ikaw ay nasa panganib o mayroon nang pancreatic cysts. Kung sumasailalim ka na sa paggamot para sa mga pancreatic cyst, huwag itong palitan ng mga natural na paggamot na ito nang walang pag-apruba ng iyong doktor.

Ano Ang Pancreatic Cyst?

Una, bago natin pag-usapan ang gamot sa pancreatic cyst, dapat nating talakayin kung ano ang mga ito. Ang cyst ay parang bulsa o supot na paglaki na naglalaman ng likido. Sa pancreas, maaaring mangyari ang iba’t ibang uri ng cyst. Dalawang karaniwang uri ng pancreatic cyst ay mucinous o serous cystadenoma. Ang serous cystadenoma ay naglalaman ng malabnaw, malinaw na likido at karaniwang itinuturing na hindi kanser. Sa kabilang banda, ang mucinous cystadenoma ay naglalaman ng mucus at potensyal na cancerous.

Ang mga pseudocyst ay isa pang kondisyon na maaaring mapagkamalan bilang mga aktwal na cyst. Mayroon ding likido ang mga ito, ngunit walang parehong epithelial lining gaya ng serous o mucinous cystadenoma. Ang mga pseudocyst ay hindi itinuturing na nakakapinsala, gayunpaman, at kadalasan ay dahil sa pancreatitis.

Mga Opsyon Sa Natural Na Gamot Sa Pancreatic Cyst

Habang ang mga pancreatic cyst ay karaniwang hindi nangangailangan ng maraming paggamot, ang malalaking cyst ay maaaring magdulot ng pananakit at kakulangan sa ginhawa. Bagama’t hindi karaniwan, ang ilang mga cyst ay maaaring tumuloy sa kanser. Kadalasan, ang paggamot ay nagsasangkot ng pagsubaybay sa cyst at kung ipinahiwatig, ang pag-aalis ng cyst sa operasyon.

Bukod sa obserbasyon at paghihintay, ang mga natural na opsyon sa gamot sa pancreatic cyst ay kinabibilangan ng pag subaybay sa iyong diyeta at pagpapanatili ng pangkalahatang kalusugan. Tulad ng karamihan sa mga sakit, kabilang ang kanser, ang tamang diyeta at ehersisyo ay maaaring mapabuti ang sigla at mapalakas ang iyong immune system.

Ang eksaktong dahilan ng pancreatic cyst ay hindi alam, ngunit ang mga kondisyon tulad ng pancreatitis ay maaaring maiugnay sa pagbuo ng cyst. Pinakamainam para sa mga pasyente na may sakit sa pancreatic ang diet na mababa ang taba (mas mababa sa 50g bawat araw). Ang mas konti, ngunit mas madalas na pagkain ay mas mahusay kaysa sa malalaking, mabigat na timing ng pagkain. Subukan din na magsama ng mga suplementong bitamina na nalulusaw sa taba o kumain ng mas maraming pagkain na naglalaman ng bitamina A, D, E, at K. Ang ilang pagkain na mayaman sa mga bitamina na ito ay:

  • Carrot, kamote, kalabasa
  • Mangga
  • Broccoli
  • Repolyo
  • Kangkong, kangkong, petchay
  • Atay
  • Buong itlog
  • Matabang isda (hal. salmon, mackerel, sardinas)
  • Seafood (hal. hipon)
  • Mga mani
  • Pinatibay na gatas
  • Whole-grain na tinapay at cereal

Iwasan ang alak at laging manatiling hydrated. Ang sobrang alkohol ay maaaring makapinsala sa atay at pancreas, na humahantong sa pamamaga at pagbaba ng paggana.

gamot sa pancreatic cyst

Key Takeaways

Sa konklusyon, ang mga pancreatic cyst ay karaniwang walang dapat ikabahala. Ang pagpapanatili ng isang malusog na diyeta at pamumuhay ay sapat na maliban kung ang cyst ay patuloy na lumalaki. Kung nakakaranas ka ng pananakit ng tiyan, makipag-appointment sa iyong doktor upang matukoy kung cyst ang sanhi. Maaaring hilingin sa iyo na sumailalim sa mga pagsusuri sa imaging tulad ng isang MRI, CT scan, o ultrasound. Ang mga pancreatic cyst ay hindi magagamot nang walang operasyon, ngunit ang pananatiling malusog ay maaaring mapagaan ang mga discomfort ng kanilang mga sintomas.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pancreatic cysts, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pancreatic-cysts/diagnosis-treatment/drc-20375997, Accessed December 19, 2020.

Pancreatic cysts, https://pancreasfoundation.org/patient-information/ailments-pancreas/pancreatic-cysts/, Accessed December 19, 2020.

Types of pancreatic cysts, https://jamanetwork.com/journals/jama/fullarticle/2553450, Accessed December 19, 2020.

Pancreatic cysts, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK525979/, Accessed December 19, 2020.

Should I be worried about pancreatic cysts? https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/should-i-be-worried-about-a-pancreatic-cyst, Accessed December 19, 2020

Nutrition advice and recipes, https://pancreasfoundation.org/patient-information/nutrition-advice-recipes/, Accessed December 19, 2020.

Chinese Herbal Medicines Attenuate Acute Pancreatitis: Pharmacological Activities and Mechanisms, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5403892/, Accessed December 19, 2020.

The best foods for vitamins and minerals, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-best-foods-for-vitamins-and-minerals, Accessed December 19, 2020.

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Paliitin ang Tiyan? Heto ang Ilang mga Tips

Mahangin ang tiyan ng bata? Alamin dito ang dapat gawin


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement