Ang Bristol stool chart ay isang tsart na nagbibigay sa iyo ng kumpletong mga detalye tungkol sa uri ng mga dumi mo araw-araw. Medyo weird at nakakahiyang isipin ang hugis, sukat, at kulay ng iyong dumi, ngunit ito ay nagbibigay ng insight sa kalusugan mo. Tingnan natin kung ano ang Bristol stool chart at iba pang katotohanan na may kaugnayan sa dumi.
Pag-unawa sa normal na dumi
Maaaring iba’t iba ang dumi sa bawat araw. At gaano man ito ka-unique, ang mahalaga ay gumagana nang maayos ang katawan mo. Narito ang mga factor na importante sa iyong dumi.
Hugis
Kadalasan, ang dumi mo ay hugis sausage. Ito ay dahil sa formation sa loob ng bituka. Gayunpaman, nagbabago ang hugis ng iyong dumi sa maraming dahilan.
Tandaan, kung ang dumi mo ay hindi hugis sausage, maaaring ito ay isang indikasyon ng isang bagay.
Laki
Tiyaking hindi maliliit na pellets ang lalabas na dumi mo. Dapat ito ay mahaba at ilang pulgada ang haba. Gaya nga ng sabi, dapat ay parang sausage na madaling lumabas.
Tagal
Ang iyong araw-araw na pagdumi ay dapat tumagal ng humigit-kumulang 10-15 minuto. Ang isang malusog na dumi ay madaling lumabas, sa loob ng ilang sandali. Kung gumugugol ka ng higit sa 10-15 minuto sa banyo, maaaring ito ay isang indikasyon ng isyu sa kalusugan.
Kulay
Ang dapat na kulay ng dumi mo ay kapareho ng brown poop emoji sa mobile mo. Kung may pagbabago sa kulay, maaaring dahil ito sa maraming dahilan mula sa kulay ng pagkain hanggang sa mga isyu sa kalusugan.
Dalas ng pagdumi
Karaniwan, ang isang tao ay naglalabas ng dumi isang beses hanggang tatlong beses sa isang araw. Normal lang yan. Ang mas mababa sa isang beses o higit sa tatlong beses ay maaaring indikasyon ng mga isyu sa bituka. Sa kasong iyon, dapat kang magpatingin sa isang doktor.
Consistency
Normal ang dumi mo na malambot at firm. Kung ito ay masyadong matigas o masyadong malambot, maaaring may mga isyu sa digestion.
Pag-unawa sa Bristol stool chart
Pagkatapos ng malawak na pananaliksik, hinati ng mga doktor ang dumi sa pitong kategorya o ang mga uri ng dumi, sa visibility at hugis. Ano ang bristol stool chart?
Narito ang Bristol stool chart
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 1 : Matigas at magkakahiwalay na bukol-bukol na mukhang nuts
- Indikasyon: Constipation. Ang ibig sabihin ng maliliit na pellets na ito ay hindi malusog ang iyong pagdumi.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 2: Mukhang sausage pero lumpy
- Indikasyon: Mild constipation. Siguraduhing uminom ng maraming fluid para magamot ang ganitong mga sitwaston.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 3: Mahaba na may crack sa ibabaw
- Indikasyon: Normal. Ito ay madaling nailalabas at medyo malambot.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 4: Makinis na parang ahas
- Indikasyon: Medyo normal. Ito ay maaaring isang beses o tatlong beses isang linggo.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 5: Malambot na blobs at clear-cut edges
- Indikasyon: Kulang sa fiber. Siguraduhin na ang diet ay may sapat na fiber sa pamamagitan ng mga gulay at cereal.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 6: Mushy at malambot na my ragged edges
- Indikasyon: Senyales ng mild diarrhea. Siguraduhin ang pag-inom ng sapat na fluid upang mapabuti ang hitsura ng dumi.
Bristol Stool Chart Uri ng Dumi 7: Matubig na walang matigas na piraso
- Indikasyon: Pagtatae. Kumunsulta sa iyong doktor para sa treatment ng pagtatae.
Ngayon ay alam mo na kung ano ang bristol stool chart. Upang magpatuloy, ang sumusunod na seksyon ay tungkol sa iba’t ibang kulay ng dumi na malamang makikita mo kahit isang beses sa iyong buhay.
Pag-unawa sa kulay ng dumi
Ang kulay brown ay itinuturing na normal na kulay ng dumi. Minsan ang greenish-brown na dumi ay okay din.
Narito ang iba pang mga kulay ng dumi na dapat mong malaman at kung ano ang ipinahihiwatig nila:
Dilaw
Kung kulay dilaw ang dumi mo, senyales ito na ang iyong dumi ay may sobrang taba. Maaaring dahil ito sa mga isyu sa paggawa ng apdo o enzymes.
Karamihan sa mga tao ay makakaranas ng dilaw na dumi kung minsan. Kadalasan, ito ay dahil sa diet mo o minor health condition. Gayunpaman, kung ito ay tumatagal ng 2 o higit pang mga linggo, dapat kang magpatingin sa doktor.
Orange
Ang mga pagkain ay nagiging kulay orange dahil sa pigment na tinatawag na beta-carotene. Ang sobrang pagkonsumo ng kulay orange na pagkain ay nagiging sanhi ng orange na dumi. Gayunpaman, ang mga dahilan tulad ng baradong bile duct at mga gamot ay maaari ding maging sanhi ng kulay orange na dumi.
Itim
Malamang na itim ang dumi na parang coffee beans kapag may internal bleeding sa katawan. Ang mga sangkap tulad ng bismuth, black licorice, black stool medications, at iron supplements ay maaaring maging sanhi ng itim na dumi.
Pula
Ang mapulang dumi ay nagpapahiwatig ng gastrointestinal bleeding. Maaaring indikasyon ng almoranas o piles. Gayundin, ang pagkain o pag-inom ng pulang kulay na mga pagkain ay maaaring maging sanhi ng pulang kulay ng iyong dumi. Kapag nailabas na ang mga pagkaing ito, ang kulay ng dumi mo ay dapat na brown ulit, Kung hindi, magpatingin sa doktor mo.
Berde
Ang pagkain ng mga kulay berdeng mga pagkain ay nagiging sanhi ng berdeng dumi. Gayunpaman ang berdeng dumi ay maaaring indikasyon na walang bile o hindi sapat na bilirubin sa dumi.
Puti
Kung puti, grey, o maputla ang dumi, maaaring ito ay indikasyon ng problema sa gallbladder o atay. Ang maputlang kulay ay indikasyon na kulang ng bile. Gayundin, ang mga gamot laban sa pagtatae ay nagdudulot ng puting poop.
Gayunpaman, bukod sa hitsura at kulay ng dumi, naisip mo na ba kung bakit lumulutang ang iyong dumi kahit na maraming beses na nag-flush? Alamin sa ibaba kung bakit.
Bakit lumulutang ang iyong poop kahit na pagkatapos ng pag-flush ng higit sa isang beses?
Kahit isang beses sa buhay mo, maaaring napansin mo ang iyong dumi na lumulutang sa toilet bowl kahit na pagkatapos ng pag-flush ng higit sa isang beses.
Ang ilang bahagi ng iyong dumi ay lumulutang habang ang iba ay lumulubog dahil ang lumulutang na dumi ay hindi gaanong siksik kaysa sa iba.
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng The New England Journal of Medicine, ang isang potensyal na dahilan para sa kakulangan ng density sa dumi ay maaaring dahil sa maraming tubig at gas.
Makipag-usap sa iyong doktor kung nakita mong mas madalas na lumulutang ang iyong dumi.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Kung mas madalas kang makaranas ng abnormal na pagdumi, hitsura at kulay, dapat kang komunsulta sa doktor.
Okay lang na paminsan minsan makita mo na iba ang kulay ng dumi mo bukod sa brown o ang hugis ay hindi mukhang sausage. Ngunit kung ito ay madalas mangyari, makipag-usap sa iyong doktor.
Gayundin, kung dumaranas ng matinding constipation, humingi ng tulong sa iyong doktor at uminom ng mga tamang gamot.
Maliban diyan, kung may anumang problema na nauugnay sa iyong dumi, kung ano ang Bristol stool chart, o pangkalahatang digestive system, maaari mo itong itanong sa iyong doktor.
[embed-health-tool-bmi]