backup og meta

Ano ang Malabsorption Syndrome? Alamin Dito!

Ano ang Malabsorption Syndrome? Alamin Dito!

Ang malabsorption syndrome, na kilala rin bilang intestinal malabsorption at pinaikling MAS, ay nangyayari dulot ng hindi kompletong digestion at absorption ng mga sustansya tulad ng carbohydrates, proteins, fats, bacteria, at iba pang magkakaibang salik. Parehong karaniwan ito sa mga lalaki at babae, anuman ang kanilang edad. Alamin pa kung ano ang malabsorption syndrome.

May mild, moderate, at severe condition ang syndrome na ito. Maaari itong likas na namamana o pwede ring personal medical condition. 

Nutritional Absorption: 3 Stages

Mayroon itong tatlong stage.

Luminal phase. Kabilang sa stage na ito ang paglikha at paglalabas ng digestive enzymes at mechanical mixing. 

Mucosal phase: Kinapapalooban ito ng absorption ng kinonsumong pagkain, na nakadepende sa functioning condition ng mucosal membrane. 

Post-absorption phase: Nagsisimula ang stage na ito sa pamamagitan ng nahintong suplay ng dugo at lymphatic system. 

Ang pagiging epektibo ng digestive system ay nakadepende sa efficiency ng bawat stage na nabanggit sa itaas. Ang abnormalidad sa digestion o absorption ng alinman sa mga stage na ito ay maaaring maging sanhi ng malabsorption. Nakadepende rin ang uri ng malabsorption sa mga sustansyang hindi na natunaw o nasipsip nang mabuti. 

Mga Uri ng Malabsorption

Nasa ibaba ang mga uri ng malabsorption na nauuwi sa malabsorption syndrome:

Fat malabsorption. Nadedebelop ito dahil sa mga paghinto sa maayos na pagtunaw (digestion) at pagsipsip (absorption) ng fats gaya ng sinasabi ng katawagang ito. Ito ang isa sa pinakakaraniwang sanhi ng intestinal malabsorption. 

Carbohydrates malabsorption. Nauuwi sa MAS ang kakulangan sa maayos na pagtunaw at pagsipsip ng carbohydrates tulad ng lactose, sucrose, at starch. Sa normal na proseso, ginagawang monosaccharides ang carbohydrates. Kapag hindi ito nangyari, nagkakaroon ng malabsorption.

Protein malabsorption. Ang paghinto sa pagsipsip at pagtunaw ng proteins ng amino acids, pancreatic enzymes, at iba pang elements ay isa pang salik na nagdudulot ng intestinal malabsorption.

Vitamins and minerals malabsorption. Ang hindi kompletong pagtunaw at pagsipsip ng vitamins, minerals, at iba pang elements ay nagiging sanhi ng nutritional malabsorption.

Hereditary malabsorption disorders. Isa pang kilalang sanhi ng malabsorption syndrome ang mga allergy at food intolerance sa lactose, chloride, at iba pa. 

Immunodeficiency-related malabsorption. Ang malabsorption na hindi pwedeng ikategorya sa alinmang salik ay lumilitaw sa pamamagitan ng pagtatae at iba pang sintomas. Kabilang sa mga sintomas na ito ang general malnutrition, at pagbaba ng timbang.

Bacterial malabsorption. Sa kasong ito, dulot ng ilang uri ng bacteria tulad ng Cryptosporidium parvum (cryptosporidiosis), Giardia lamblia (giardiasis), Phylum microspora (microsporidiosis), at Tropheryma whipplei ang hindi kompletong pagtunaw at pagsipsip ng pagkain. 

Ano ang Malabsorption Syndrome ayon sa Medical Definition?

Ang intestinal malabsorption ay dulot ng pathological interference sa normal na proseso ng paglikha at paglalabas ng digestive enzymes sa gastrointestinal tract. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng hindi kompletong pagtunaw at pagsipsip ng pagkaing kinonsumo. Bukod pa sa mga bituka, kabilang rin ang lapay at apdo sa mga organ na may abnormalidad. Nangyayari din ito dulot ng nakompromisong suplay ng dugo at kakulangan sa beneficial bacterial flora. 

Mga Sintomas ng Malabsorption Syndrome

Lumalabas ang intestinal malabsorption sa mga sintomas na tulad ng:

  • Paglalabas ng gas sa katawan
  • Bloating
  • Mabagal na paglaki at development sa mga sanggol at bata
  • Chronic diarrhea (pagtatae)
  • Malagkit na dumi o steatorrhoea
  • Matagal na paghilom ng sugat o pinsala, kung mayroon man

Gayunpaman, hindi pare-pareho ang mga sintomas bawat pasyente. Magkakaiba ito sa bawat tao.

Mga Sanhi ng Malabsorption Syndrome

Ano ang malabsorption syndrome? Maraming medikal na kondisyon na nadevelop bilang resulta ng maldigestion at malabsorption. Ang bawat sustansya at iba pang elements na nauwi sa intestinal malabsorption ay maaaring magpasimula ng iba’t ibang set ng medikal na kondisyon. Tingnan natin dito ang ilang posibleng sanhi ng malabsorption syndrome:

Mga sakit at kondisyong maaaring maging sanhi ng fat malabsorption

Mga sakit at kondisyong maaaring maging sanhi ng carbohydrate malabsorption

  • Hypolactasia o lactase deficiency
  • Pancreatic amylase deficiency
  • Autoimmune enteropathy
  • Trehalase deficiency
  • Sucrase deficiency
  • Mural disease
  • Inflammatory bowel disease (IBD)
  • Autoimmune enteropathy
  • Entero-enteric fistula
  • Entero-colic fistula

Mga sakit at kondisyong maaaring maging sanhi ng protein malabsorption

  • Cystic fibrosis
  • Chronic pancreatitis
  • Bowel resection

Mga sakit at kondisyong maaaring maging sanhi ng malabsorption ng mga vitamin, mineral, at trace elements

  • Acrodermatitis enteropathica
  • Intestinal resections

Mga genetic condition na maaaring magdulot ng chronic diarrhea.

  • Congenital chloride diarrhea (CCD)
  • Congenital glucose-galactose malabsorption (GGM)
  • Cow’s milk protein allergy (CMPA)

Bacterial malabsorption

Gaya ng tinalakay sa unang bahagi ng artikulong ito, maaari ding lumitaw ang maldigestion at malabsorption dulot ng ilang magkakaibang uri ng bacteria na pumipigil sa proseso ng pagtunaw ng pagkain. 

Mga Risk Factor ng Malabsorption Syndrome

Maaaring mapataas ng mga sumusunod na salik ang panganib ng intestinal malabsorption:

  • Isang genetic condition ng malabsorption ng cystic fibrosis
  • Sa surgery ng bituka
  • Ilang mga gamot tulad ng laxatives at mineral oil
  • Sobra-sobrang pagkonsumo ng alak

Diagnosis ng Malabsorption Syndrome

Ang diagnostic procedure ay binubuo ng physical examination na nakabatay sa mga sintomas na ipinaliwanag mo sa doktor. Susundan ito ng imbestigasyon sa iyong personal at family history ng mga medikal na kondisyon. Saka ipapayo ng iyong doktor na sumailalim ka sa ilang medical test. Ang mga medical test na ito ay pansuporta sa kanyang diagnosis at hindi bilang pang-diagnose sa pinakasanhi ng iyong mga sintomas. 

Nasa ibaba ang mga diagnostic test na maaaring irekomenda sa iyo ng doktor batay sa suspected diagnosis ng iyong doktor sa underlying medical condition:

  • Blood tests: Ang mga blood test na maaaring ipayo sa doktor ay Complete Blood Cell Count (CBC) o Comprehensive Metabolic Panel. Maaari ding irekomenda ang mga blood test na specialise sa pagsusukat ng levels ng sustansya tulad ng zinc, magnesium, vitamins, phosphorus, iron,  panel, albumin, at iba pa.
  • Fecal Tests: Ilan sa mga test na maaaring ipayo ng doktor ang near-infrared reflectance analysis (NIRA), Acid steatocrit, at Sudan III stain. 
  • Computer Tomography (CT) para sa pagtataya ng pancreatitis.
  • Breath Tests upang matukoy ang bacterial overgrowth sa small intestine.
  • Magnetic resonance cholangiopancreatography (MRCP)
  • Endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP)
  • Cholangiopancreatography (MRCP)
  • Jejunal aspirate culture
  • Magnetic resonance (MR) elastography
  • Endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP)
  • Colonoscopy na may biopsies para sa ulcerative colitis
  • Endoscopy na may biopsies para sa diagnosis ng celiac disease, Crohn disease, at iba pa. 
  • Acid-fast stain upang makilala ang ilang uri ng specie ng bacteria.

Gamutan para sa Malabsorption Syndrome

  • Sundin nang mabuti ang diet na inirekomenda ng doktor. Hindi dapat kasama dito ang mga pagkaing mahirap tunawin o matagal bago matunaw sa tiyan.
  • Ang mga pasyenteng may food intolerance, tulad ng lactose intolerance na nagti-trigger ng intestinal malabsorption, ay papayuhang kumain ng mga produktong intolerant sa kanila.
  • Surgical interventions tulad ng pancreatic enzyme replacement para sa exocrine pancreatic insufficiency o cholangiopancreatography (ERCP) para sa pagtatanggal ng bato sa lapay.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Digestive Issue dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malabsorption syndrome https://www.amjmed.com/article/0002-9343(53)90171-5/abstract Accessed on 25/06/2020

The Pathophysiology of Malabsorption https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4513829/ Accessed on 25/06/2020

Malabsorption Syndromes https://www.statpearls.com/kb/viewarticle/24657 Accessed on 25/06/2020

Malabsorption Syndromes https://www.karger.com/Article/Abstract/7529 Accessed on 25/06/2020

Malabsorption https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/malabsorption#:~:text=Malabsorption%20is%20difficulty%20in%20the,can%20lead%20to%20specific%20illnesses.&text=Vitamin%20B%2D12%20malabsorption%20may,Diphyllobothrium%20latum%20infestation Accessed on 25/06/2020

Malabsorption Syndromes https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK553106/ Accessed on 25/06/2020

Kasalukuyang Version

03/16/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement