Ang gastritis ay isang kondisyon kung san may pamamaga sa balot na nagbibigay-proteksyon tiyan. Ito ay maaaring maging malubha na nangangahulugang nangyayari ito nang biglaan at maaaring maranasan sa loob ng maikling sanhi. O maaari din itong hindi gumagaling-galing na ibig sabihin ay nararanasan ito nang unti-unti at nang mas matagal. Isang uri ng gastritis ay ang erosive gastritis. Ano ang erosive gastritis? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Erosive Gastritis?
Ang erosive gastritis ay tinatawag din ng mga eksperto na reactive gastritis. Nangyayari ito kapag ang balot na nagbibigay-proteksyon tiyan ay nasira (naagnas) dulot ng pagkasira ng defenses nito.
Ito ay maaaring maging malubha kung may pagdurugo. Maaari din namang subacute at hindi gumaling-galing na may kaunti o walang sintomas.
Nada-diagnose ng mga doktor ang erosive gastritis sa pamamagitan ng proseso ng endoscopy. Sa imaging test, ang doktor ay nagpapasok ng manipis na tubo sa loob ng tiyan. Padaraanin ito sa bibig at lalamunan. Ang tubong ito ay may maliit na camera, upang makita ang loob ng tiyan.
Nakadepende ang gamutan ng erosive gastritis sa mga sintomas at kalubhaan ng kondisyon.
Ano Ang Erosive Gastritis? Mga Karaniwang Sanhi Nito
Ayon sa mga ulat, hindi batid kung ano ang tiyak na sanhi ng erosive gastritis. Subalit tinukoy ng mga eksperto sa kalusugan ang mga karaniwang sanhi nito:
- Sobra-sobrang pag-inom ng alak
- Laging pag-inom ng aspirin o non-steroidal anti-inflammatory drugs, tulad ng ibuprofen
- Stress (na nakapagpapalubha ng mga sintomas)
Syempre, tinukoy rin nila ang ibang mga hindi gaanong karaniwang sanhi tulad ng mga sumusunod:
- Mga impeksyon
- Direktang trauma sa tiyan (halimbawa, injury sanhi ng nasogastric tube)
- Vascular injury
- Radiation
- Mga kondisyong pangkalusugan, tulad ng Crohn’s disease
Mga Senyales At Sintomas
Matapos ang pagsusuri, kadalasang makakikita ang doktor ng maraming sugat sa balot na nagbibigay-proteksyon tiyan. Maaari din nilang mapansin ang mga maliliit na butas.
Iba-iba ang mga senyales at sintomas ng erosive gastritis. Gayunpaman, ang mga pasyenteng may hindi gaanong malubhang erosive gastritis ay maaaring makaranas ng hindi pagkatunaw ng pagkain, pagduduwal, at pagsusuka.
Ang iba pang mga sintomas ay kinabibilangan ng mabigat o mainit na pakiramdam sa tiyan, panghihina, at kawalan ng ganang kumain.
Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang mga unang senyales ay ang mga sumusunod:
- Hematemesis (pagsusuka ng dugo)
- Melena (kulay itim na dumi o tarry stool)
- Pagkakaroon ng dugo sa nasogastric fluids
Ayon sa mga eksperto, ang pagdurugo ay kadalasang hindi gaanong malubha hanggang katamtaman. Gayunpaman, ito rin ay maaaring marami, partikular na sa mga kaso ng malubhang stress gastritis. Ang malubhang pagdurugo ay maaaring humantong sa anemia.
Mahalagang tandaang ang ilan ay maaaring hindi makaranasa ng anomang mga sintomas hanggang sa lumubha ang kondisyon. Ang kawalan ng mga sintomas ay maaaaring mangyari sa mga hindi gumaling-galing na kaso (mga pasyenteng laging umiinom ng aspirin o NSAIDS).
Ano Ang Erosive Gastritis? Gamutan Nito
May mga paraan ng gamutan para sa reactive gastritis subalit ang mga ito ay nakadepende sa maraming mga bagay. Una na rito ay ang mga sintomas na nararanasan ng pasyente.
Halimbawa, kung may aktibong pagdurugo sa tiyan, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng endoscopic hemostasis. Ito ay isang proseso na kumokontrol sa pagdurugo sa itaas na bahagi ng gastrointestinal tract. Sa prosesong ito, maaaring gumamit ng clips, injections, o induced clotting sa pamamagitan ng init.
Dahil ang erosive gastritis ay nagreresulta rin sa sobrang acis, ang doktor ay maaari ding magreseta sa pasyente ng mga gamot tulad ng H2 blocker or proton pump inhibitors.
Ang mga malulubhang kaso ay maaaring mangailangan ng agresibong gamutan na may pagsasalin ng dugo at IV fluids. Sa kabilang banda, ang mga hindi gaanong malubhang kaso ay maaaring mangailangan lamang ng pagtanggal ng triggering agents (alak, NSAIDs, atbp.) at ilang mga gamot upang mabawasan ang acid sa tiyan.
Mahalaga Ang Tamang Diagnosis
Kung nagkaroon ng anomang mga sintomas na tulad ng mga nabanggit kanina, pinakamainam na komunsulta agad sa doktor. Sa ganitong paraan ay mabibigayn ng tamang diagnosis ang pasyente. Kung mapapansin, maraming mga sakit ang nagreresulta rin sa mga katulad na sintomas.
Halimbawa, ang Crohn’s disease (na maaaring maging sanhi) ay kapansin-pansin din bilang pamamaga ng wall ng gastrointestinal tract. Ang peptic ulcer ay maaari ding magresulta sa isang sugat sa esophagus, tiyan, o duodenum (unang bahagi ng maliit na intestine).
Sa pamamagitan ng tamang diagnosis, ang pasyente ay makatatanggap ng tama at epektibong gamutan.
Key Takeaways
Ano ang erosive gastritis? Ito ay nagreresulta sa pamamaga at pagkasira ng balot na nagbibigay-proteksyon tiyan. Ang mga sintomas, maging ang gamutan, ay iba-iba depende sa kalubhaan ng kondisyon. Kung nakararanas ng mga hindi maipaliwanag na sintomas, tulad ng pagsusuka ng dugo at pagkakaroon ng kulay itim na dumi (tarry stool), komunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.
Matuto pa tungkol sa kalusugang digestive dito.