backup og meta

Gamot sa almoranas: Heto ang mga dapat mong subukan

Gamot sa almoranas: Heto ang mga dapat mong subukan

Pagdating sa gamot sa almoranas, may ilang mga opsyon na maaaring subukan upang maibsan ang kondisyon. Kadalasan, ang uri ng treatment na kailangan ng almoranas ay depende sa mga sintomas, gayundin sa uri ng almoranas nito. Nasa ibaba ang ilang karaniwang paraan para dito.

Mga paraan ng paggamot sa almoranas

Normal sa mga tao na magkaroon ng almoranas at maaaring hindi nila ito napapansin. Sa katunayan, hindi lahat ng almoranas ay maaaring magdulot ng sakit o discomfort. Kung minsan ang tanging sintomas na nararanasan ay ang pagdurugo kapag dumudumi.

May mga pagkakataon na kusang nawawala ang almoranas nang hindi na kailangan ng treatment plan.

Gayunpaman, may mga sitwasyon kung saan maaaring lumala ang almoranas, lalo na sa mga taong dumaranas ng malalang constipation. Kung hindi magagamit, ang mga ganitong uri ng almoranas ay maaaring magdulot ng matinding pananakit at discomfort sa pasyente.

Narito ang ilang paraan ng paggamot sa almoranas na maaaring maranasan ng isang tao:

Pagbabago sa diet

Ang pinakasimpleng gamot sa almoranas ay pagbabago sa diet mo. Isang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay may almoranas ay dahil sa sobrang pwersa nila sa tuwing sila ay dumudumi.

Karaniwang nangyayari ito sa mga taong may malalang constipation. At ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang paninigas ng dumi ay ang pagbabago sa diet mo.

Inirerekomenda para sa mga taong constipated na kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Mahalaga ang fiber sa pag-regulate ng ating pagdumi, kaya ang pagkain ng mas maraming fiber ay makakatulong na maiwasan ang constipation at gawing mas madali ang pagdumi habang pinapalambot nito ang iyong dumi.

Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa fiber ang whole grains, prutas at gulay. Pinakamainam din na iwasan ang pagkain ng masyadong makarne dahil ito ay mataas sa taba at mababa sa fiber. Ang pag-inom ng maraming tubig ay makatutulong din sa pagpapalambot ng dumi at pagpapababa ng posibilidad na maging constipated.

Paggamit ng mga cream o suppositories

Kung ang pagbabago sa diet ay hindi sapat para sa gamot sa almoranas, mayroong mga magagamit na pamahid at supoositories sa mabibili kahit walang reseta sa mga botika. Ang mga cream na ito ay ginawa para mabawasan ang pananakit, pamamaga, pangangati sa may mga almoranas. Gayunpaman, ang mga cream na ito ay mabuti lamang para sa external hemorrhoids.

Para sa internal hemorrhoids, ang mga suppositories ay maaaring makatulong sa pag-alis ng ilan sa mga sintomas. Ang suppository ay isang uri ng gamot, kadalasang bilog o hugis ng bala, na ipinapasok sa anus. Makakatulong ang mga suppositories sa pag-alis ng pamamaga, pananakit, at discomfort sa mga taong may internal hemorrhoids.  

Gayunpaman, ang over-the-counter na gamot ay kadalasang umiiral para sa mga mild na sintomas. Ngunit para sa mga taong may matinding pananakit ng almoranas, maaaring kailanganin ang iba pang gamot sa almoranas na nirereseta ng mga doktor.  

Rubber band ligation

Ang rubber band ligation ay isang paraan ng paggamot kung saan ang napakaliit na rubber band ay ginagamit upang itali ang almoranas. Karaniwang ginagawa ito sa mas maliliit na internal hemorrhoids.

Ang mga rubber band na ginamit ay pumuputol sa blood supply sa almoranas. Ito ang nagiging sanhi ng pagliit at pagkalaglag nito sa  loob ng ilang araw. Ang band at ang almoranas ay karaniwang nasasama sa iyong dumi.

Para sa mas malalaking almoranas, ang pamamaraan ay maaaring kailanganing ulitin, upang matiyak na ang lahat ng almoranas ay matanggal. Ang isang bentahe ng pamamaraang ito kaysa sa operasyon ay ang mga pasyente ay mas mabilis gumaling at mas kaunting sakit ang nararanasan.

Hemorrhoidectomy

Ang isa pang pamamaraan upang magamot ang almoranas ay ang pagtanggal gamit ang operasyon o tinatawag na hemorrhoidectomy. Ito ay isang surgical procedure kung saan ang mga sobrang hemorrhoidal tissue ay inaalis. Karaniwang inirerekomenda ito kung patuloy kang magkakaroon ng mga sintomas mula sa almoranas sa kabila ng mga pagbabago sa diet, sitz bath o pagkatapos ng rubber band ligation. Pagkatapos ng operasyon, ang mga pasyente ay kadalasang nakakaramdam ng pananakit sa kanilang anus. 

Posibleng masakit din ang pag-upo at pagdaan ng dumi. Ito ang dahilan kung bakit ang mga painkiller ay karaniwang inireseta pagkatapos sumailalim sa operasyong ito.

Pinakamainam na kumunsulta sa iyong doktor upang malaman kung kailangan mong sumailalim sa operasyon para sa iyong hemorrhoidal disease.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hemorrhoids | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hemorrhoids, Accessed December 10, 2020

Hemorrhoids – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280, Accessed December 10, 2020

Treatment of Hemorrhoids | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/treatment, Accessed December 10, 2020

Hemorrhoids: Diagnosis and Treatment Options – American Family Physician, https://www.aafp.org/afp/2018/0201/p172.html, Accessed December 10, 2020

Hemorrhoids Treatment, Symptoms, Causes, Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids, Accessed December 10, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Anu-Anong Mga Pagkain Ang Bawal Sa Almoranas?

Ano Ang Almoranas: Alamin Ang Sintomas, Sanhi, At Paggamot Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement