Ang iba’t ibang uri ng almoranas ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sintomas. Ang ilan ay pwedeng magdulot ng mild na discomfort na kadalasan ay gamot na nabibili sa mga botika ang lunas. Gayunpaman, mayroon ding mga uri ng almoranas na nagdudulot ng mas matinding sakit, at maaaring mangailangan pa ng operasyon. Ano ang almoranas? Narito ang mga dapat malaman.
Ano ang almoranas?
Kapag sinabing almoranas, kadalasang iniisip ng mga tao ay isang masakit na kondisyon. Pero ang almoranas ay talagang mga ugat na nasa anus o tumbong. Ibig sabihin, lahat ay may almoranas.
Kapag ang mga ugat na ito ay namamaga o naging varicose veins, nararanasan ng isang tao ang mga sintomas na kadalasang nauugnay sa almoranas.
Ang almoranas ay isang pangkaraniwang kondisyon. Sa katunayan, karamihan sa mga may edad ay maaaring makaranas ng almoranas minsan sa kanilang buhay. Dagdag pa rito, ang constipation o ang pagiging buntis ay maaaring makaapekto sa namamagang almoranas.
Ano ang mga uri ng almoranas?
May tatlong pangunahing uri ng almoranas: internal, prolapsed, at external hemorrhoids. Nasa ibaba ang isang detalyadong paglalarawan ng bawat isa.
External hemorrhoids
Hinahati ng pectinate line ang anus sa itaas at ibabang bahagi. Ano ang almoranas na external? Ang mga panlabas (external) na almoranas ay ang mga nasa ibaba ng linyang iyon.
Ang external hemorrhoids ay kadalasang parang matigas na bukol at maaaring magkaroon ng mala-asul na bahid. Mas masakit ang paghawak sa mga almoranas na ito kaysa sa panloob na almoranas. Dahil ang balat na tumatakip dito ay napaka sensitibo. Ang mga ganitong uri ng almoranas ay kadalasang lumilitaw pagkatapos ng pagdumi, na pinilit ang paglabas ng dumi.
Sa ilang mga kaso, nabubuo ang blood clots (thrombosed), na nagiging sanhi ng maraming pressure sa mga tissue. Habang tumataas ang pressure, ang sakit ay patuloy na nagiging mas matindi. Kapag sobrang pressure, maaaring masira ang balat at magsisimulang magdugo.
Ang pagdumi gamit nag mayroon panlabas na almoranas ay maaaring maging napakasakit, at kahit na ang pag-upo o pagkakaroon ng pressure malapit sa anus ay maaaring magdulot ng pananakit.
Ang external hemorrhoids, minsan ay maaaring mawala ng kusa. Gayunpaman, maaaring kailanganin ng gamot o operasyon para gamutin ang ganitong uri ng almoranas.
Internal hemorrhoids
Ano ang almoranas na panloob? Ito ay mga almoranas na matatagpuan sa itaas ng linya ng pectinate at itaas na bahagi nito. Ang mga almoranas na ito ay kadalasang walang kirot na nararamdamn, ngunit posibleng magdulot ng pagdurugo lalo na kung pinipilit ng isang tao habang siya ay dumudumi o constipated.
Ang dahilan kung bakit ang internal hemorrhoids ay karaniwang walang sakit dahil ito ay natatakpan ng isang lining na tinatawag na “mucosa.” Ito ay hindi sensitibo sa temperatura, pananakit, o pagpindot, kaya ang mga pasyenteng may internal hemorrhoids ay kadalasang hindi ito napapansin hanggang sa makaranas sila ng pagdurugo.
Kadalasang nawawala ng kusa ang internal na almoranas. Gayunpaman, kung ang isang tao ay nagdurusa mula sa matinding constipation, posible itong lumala.
Prolapsed hemorrhoids
Ano ang almoranas na prolapsed? Ang prolapsed hemorrhoids ay isang malubhang anyo ng internal hemorrhoids. Ibig sabihin ng prolapsed na almoranas ay “naunat” o “nakalatag,” at lumalabas sa anus ng isang tao.
Mayroong apat na magkakaibang grado ng prolapse na maaaring maranasan ng isang tao:
- Grade 1 ay walang prolapse.
- Ang grade 2 ay may prolapse ang isang tao, pero bumabalik ito ng kusa.
- Grade 3 ang prolapse na kailangang itulak pabalik.
- Panghuli, ang Grade 4 na prolapse ang pinaka malubha, at hindi na maibabalik.
Napakasakit at maaaring magdulot ng pagdurugo ang prolapsed hemorrhoids. Ang mas malubhang kaso nito ay nangangailangan ng paggamot.
Pinakakaraniwang paraan ng treatment para sa prolapsed hemorrhoids ay ang mga sumusunod:
- Pagkain ng high fiber diet
- Over-the-counter na gamot sa almoranas
- Sumasailalim sa isang pamamaraan na tinatawag na rubber band ligations kung saan nakatali ang almoranas
- Sclerotherapy o isang procedure na nagko-contract sa mga daluyan ng dugo
- Operayon para alisin ang almoranas o Hemorrhoidectomy
Key Takeaways
Pagdating sa almoranas, mahalagang malaman kung ano ang almoranas na meron ka. Ito ay nagpapaalam sa iyo ng mga hakbang na maaari mong gawin para magamot ito. Gaya ng dati, kung sa tingin mo ay lumalala ang mga sintomas, o ang iyong kondisyon ay hindi nawawala o gumagaling ng kusa, huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor.