Kadalasan, ang diarrhea ay kusang nawawala. Gayunpaman, makakatulong sa iyo na maka-recover ng mabilis at mabawasan ang discomfort kung alam mo kung paano gamutin ang diarrhea sa bahay. Narito ang mga tips na dapat tandaan kung may diarrhea.
5 Tips Kung Paano Gamutin ang Diarrhea sa Bahay
Ang diarrhea ay karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang dalawang araw na pinakamababa, o higit sa dalawang linggo sa malalang diarrhea. Nangangahulugan ito na kung magkakaroon ka ng diarrhea, malamang na mananatili ka sa bahay. Dahil karaniwang hindi na kailangang bisitahin ang doktor.
Narito ang 5 bagay na makakatulong sa iyong gumaling nang mas maaga, at mabawasan ang mga sintomas at discomfort ng diarrhea:
Manatiling hydrated
Isa sa mga pinakamalaking problema kapag may diarrhea ay maaaring ma-dehydrate ka. Nangyayari ito dahil habang nakakaranas ka ng matubig o loose stools, nawawalan ka rin ng maraming tubig at electrolytes sa katawan. Sa tuwing pupunta ka sa banyo, nawawalan ka ng mga likido-at kung hindi agad mapunan, makakaranas ka ng dehydration.
Siguraduhing maiwasan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming likido. Maaari ka ring uminom ng oral rehydration salts. Dahil makakatulong ito na maiwasan ang dehydration habang sinusubukang gamutin diarrhea sa bahay. Bilang kahalili, maaari kang gumawa ng sarili mong oral rehydrating solution (ORS) sa pamamagitan ng paghahalo ng 6 na kutsarita ng asukal at 1/2 kutsarita ng asin sa 1 litro ng tubig.
Ang dapat sundin ay ang pag-inom ng hindi bababa sa 1 tasa (mga 250 ml) ng tubig tuwing ikaw ay dudumi. Ito ay dapat makatulong na palitan ang pagkawala ng fluid na iyong nararanasan.
Maging maingat sa kinakain
Ang isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan, kailangan mong bantayan kung ano ang iyong kinakain. Ito ay dahil ang iyong diarrhea ay maaaring lumala kung kakain ka ng ilang uri ng pagkain. Bilang isang tuntunin, pinakamahusay na iwasan ang mga sumusunod kung may diarrhea:
- Gatas at anumang dairy products
- Mamantika, mataba, o oily na pagkain
- Maanghang na pagkain
- Heavily processed na pagkain
- Mga hilaw na gulay
- Baboy
Tandaan na mabuting kumain ng mga pagkaing madaling matunaw tulad ng crackers, white bread, at malabnaw na sabaw o sopas. Ang sabaw ay mainam para sa mga taong may pagtatae. Dahil pinupunan nito ang anumang likido na maaaring nawala ng tao, maraming nutrients at mineral, madaling matunaw, at nakakatulong na paginhawahin ang tiyan. Magandang ideya din na uminom ng mga probiotics (e.g. lactobacillus) tulad ng yogurt at iba pang mga gut-friendly na pagkain.
Magpahinga ng mabuti
Sa paksa kung paano gamutin ang diarrhea sa bahay, ang pahinga ay isang mahalagang bagay na dapat tandaan. Kung mayroon kang pagtatae, subukang magpahinga hangga’t maaari. Kung walang pahinga, mas magiging mahirap para sa iyo na gumaling at muling magtrabaho at/o mag-aral at maaaring madagdagan pa ang oras na kailangan mo para gumaling.
Siguraduhing hindi lang makatulog ng marami, kundi matulog din ng maaga. Ang sapat na tulog ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa iyong katawan na makapagpahinga at maka-recover sa anumang maaaring maging sanhi ng iyong pagtatae.
Uminom ng gamot kung kailangan
Kadalasan, hindi mo kailangang uminom ng anumang gamot para sa diarrhea mo. Kung iisipin, sinusubukan lamang ng iyong katawan na alisin ang mga nakakapinsalang organismo at dumi sa iyong tiyan. Kaya magandang ideya na hayaan na lang ang iyong katawan na gawin ang bagay nito.
Gayunpaman, may mga sitwasyon kung saan maaaring hindi ka komportable dahil sa pag hilab at kulo ng tiyan. Sa mga kasong ito, ayos lang na uminom ng gamot sa pagtatae, lalo na kung nakakatulong itong mapawi ang anumang sintomas na iyong nararamdaman. Kung ikaw ay may lagnat, uminom din ng gamot sa lagnat.
Ang isa pang bagay na dapat tandaan kapag sinusubukang gamutin ang diarrhea sa bahay ay huwag kailanman mag-self-medicate. Tanungin ang iyong doktor bago uminom ng anumang mga gamot at huwag uminom ng mga antibiotic para sa iyong pagtatae. Dahil maaari itong makapinsala kaysa sa mapabuti.
Kung hindi gumagaling, kumunsulta sa doktor
Panghuli, kung matagal ka nang nagtatae o nakakaranas ng matinding diarrhea nang higit sa isang buwan, magandang ideya na bisitahin ang doktor.
Ang dahilan dito ay maaaring dumaranas ka na ng mas malubhang sakit. Anumang oras na pakiramdam mo ay hindi okay, o mayroon kang pagnanais na magpatingin sa doktor, dapat mong gawin ito. Ang iyong doktor ay maaaring magbigay sa iyo ng pinakamahusay na payo tungkol sa iyong kondisyon.
Key Takeaways
Pagdating sa diarrhea, ang mahalaga ay maayos na pamahalaan ang mga sintomas. Siguraduhing manatiling hydrated, magkaroon ng sapat na pahinga, at iwasan ang mga pagkain na maaaring magdulot ng sakit sa tiyan. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito, dapat ay mas mabilis mong mapagaling ang diarrhea sa bahay.