Ang diarrhea ay isang kondisyon na inilalarawan bilang mas maluwag, matubig na pagdumi, ito ay nangyayari nang mas madalas sa normal. Ito ay isang karaniwang pangyayari, madalas pansamantala, o tumatagal ng ilang araw.
Madalas ito ay sinasabayan ng pagsakit ng tiyan o cramps, bloating, pagduwal, sa mas malubhang kaso ay lagnat, dugo o mucus sa dumi. Kadalasan, ang diarrhea ay sapat na malulunasan sa tahanan upang malabanan o maibsan ang nga sintomas nito.
Ano ang Nagiging Sanhi ng Diarrhea?
Ang diarrhea ay kadalasang dulot ng virus, bacteria, o mga parasite at mga gamot (ang antibiotics ay mayroong kakayahan na sirain ang bad and good bacteria bilang side effect — na karamihan ay naninirahan sa bituka).
Iba pang sanhi nito ay kinabibilangan ng pagiging lactose intolerance, fructose, mga artificial sweetener, at minsan ay sa operasyon.
Ang dalawang karaniwang uri ng diarrhea ay maiiwasan, katulad ng rotavirus diarrhea at traveler’s diarrhea. Maaaring mabigyan ang mga sanggol ng bakuna para sa rotavirus mula dalawa hanggang tatlong doses, depende sa bakuna. Ang pangalawang uri ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa iyong kinakain o iniinom, kung pupunta sa mga papaunlad na bansa: pag-inom ng purified o bottled water, pagsisiguro na ang kinakain na mga pagkain ay maayos na naluto, at iwasan ang mga hindi pa nahuhugasan at hindi binabalatan na mga prutas at gulay.
Gamot sa Diarrhea sa Bahay: Ano ang dapat mong Kainin
Tubig at electrolytes
Ang isang tiyak na paraan upang mapawi ang mga sintomas ng diarrhea ay ang pagdami ng pag-inom ng tubig at electrolyte-balanced fluids.
Ang pagdagdag sa mga iniinom na likido mula sa iba’t ibang anyo—tulad ng sabaw, pulp-free na sabaw ng prutas, sports drinks, at maging ang mga soda na hindi naglalaman ng caffeine— ito ay inirerekomendang gamot sa diarrhea sa tahanan. Dehydration ang malalang kumplikasyon ng diarrhea at makatutulong ang pangunahing lunas na ito upang maiwasan.
Ang dehydration ay nangyayari kung ang katawan ay kulang sa sapat na fluid para sa normal na paggalaw ng sistema nito. Ito ang malubhang epekto ng diarrhea lalo na sa mga bata, sa higit na matatanda, at sa mga mayroong mahinang resistensya
Fiber foods
Kung ikaw ay mayroong diarrhea, kinakailangan mong baguhin o palitan ang iyong kinakain. Ang BRAT diet— ay subok na lunas sa diarrhea:
- Saging
- Kanin
- Applesauce
- Toast white bread
Ang low-fiber na mga pagkain ay makatutulong sa pampatigas sa iyong dumi. Nililimitahan nito ang iyong dumi upang maibsan ang diarrhea at mga sintomas ng iba pang mga abdominal conditions.
Kabilang din sa mga pagkaing ito ang:
- Patatas
- Kanin
- Noodles
- Saging
- Applesauce
- Tinapay
- Skinless na manok at turkey
- Lean ground beef
- Isda
Iba pang low-fiber diet na pagkain ay kinabibilangan ng:
- Tender meat
- Ham
- Bacon
- Itlog
- Tokwa
- Mga baked goods mula sa refined wheat o rye flour (saltines, graham crackers at biscuit)
- Mainit at malamig na cereal na naglalaman ng hindi tataas sa two grams ng dietary fiber sa isang serving.
- Inirerekomenda rin ang mga fruit-juices at mga gulay para sa low-fiber diet.
Probiotics
Ang iba pang gamot sa diarrhea na napatunayang mabisa ay ang probiotics. Ito ay mga microorganisms at pinaniniwalaang mayroong benepisyong pangkalusugan.
Ang mga microorganism na ito ay matatagpuan sa yogurt, fermented na pagkain, dietary supplements, minsan maging sa mga ibang mga produkto. Kilala ito bilang nakatutulong sa katawan ng tao upang mapanatili ang maayos na paggalaw ng katawan ng bacteria at pagpapatibay sa immune system.
Ang pinaka karaniwang uri ng probiotics ay ang Lactobacillus at Bifidobacterium. Gayunpaman, ang ilang mga uri ng yeast ay maituturing din na probiotics, partikular ang Saccharomyces boulardii.
Pinakita ng isang pananaliksik na natutugunan ng probiotics ang gastroenteritis at mga katulad na kondisyon at sintomas nito. Ang S. boulardii ay napatunayang epektibo laban sa antibiotic-related diarrhea, gayundin ang Clostridium difficile bacteria.
Ang C. difficile— o mas kilala bilang “C diff”— ay bacteria na nagsasanhi ng infection at nagdudulot ng lagnat, pagduwal, abdominal pain, at matubig na pagdumi. May kaugnayan sa antibiotics ang 20 porsyento ng mga kaso ng pagdumi.
Mahalagang Tandaan
Ang diarrhea ay pangkaraniwan, hindi komportableng sintomas sa mga isyu sa panunaw o abdominal conditions. Ang magandang balita ay kadalasan panandalian lamang ito at maaaring maibsan nang hindi gumagamit ng gamot. Tandaan, na ang sanhi ng diarrhea ay dapat alamin, dahil ang ilang mga uri ng diarrhea ay maaaring dulot ng bacterial infections, na nangangailangan ng antibiotic. Kumonsulta sa iyong doktor para sa gamot.
Matuto pa tungkol sa Diarrhea dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng payong medikal, diagnosis o gamot.