backup og meta

Constipation at kabag: Ano ang mainam na solusyon?

Constipation at kabag: Ano ang mainam na solusyon?

Kung nahihirapan kang dumumi, maaaring dumaranas ka ng constipation. Kadalasan, kasabay ng constipation ang sakit ng tiyan at kabag dahil sa naipong hangin sa bituka. Normal na hindi komportable ang pakiramdam mo kapag nakakaranas ka ng constipation at kabag. Gayunpaman, mahalagang malaman kung kailan dapat magpatingin sa doktor kung sakaling nag-aalala ka sa kabag mo.

Constipation at Kabag

Karaniwang nararamdaman mo ang kabag kapag nakalunok ka ng maraming hangin habang kumakain o umiinom. At kapag ang bakterya sa iyong colon ay nagsimulang kumain ng hindi natutunaw na carbohydrates sa iyong dumi.

Ang proseso ng fermentation ng undigested na pagkain ay gumagawa ng gas, tulad ng hydrogen, carbon dioxide, at methane.

Ang gas mula sa iyong upper digestive tract ay ilalabas sa pamamagitan ng esophagus (belching), habang ang gas mula sa iyong lower digestive tract ay dumadaan sa tumbong (flatulence).

Kaya lang kung constipated ka, maaaring mahirap na ilabas ang gas sa rectum dahil nakabara ang dumi sa daanan.

Kapag nagtagal ang dumi sa bituka, ang bakterya ay magpapatuloy sa proseso ng fermentation. Mas mararamdaman mo ang kabag.

Kapag ang gas na nakulong sa colon ay naipon, magsisimula itong magdulot ng kabag, discomfort, at pananakit.

Iba pang mga sanhi ng kabag 

Bukod sa paglunok ng hangin, bacteria sa iyong colon, at constipation na may masakit na gas, narito ang iba pang posibleng dahilan ng masakit na kabag.

Pagkain at inumin

  • Beans, peas, lentils
  • Mga prutas tulad ng mansanas, mangga, dalandan, peras, at pakwan
  • Mga gulay tulad ng repolyo, broccoli, at asparagus
  • Whole grains
  • Mga pagkaing starchy tulad ng mais, patatas, noodles, at wheat
  • Carbonated drinks, tulad ng mga soda at beer

Lifestyle choices

  • Nakakalunok ka ng mas maraming hangin kapag kumain ka ng masyadong mabilis, gumagamit ng straw kapag umiinom, ngumunguya ng chewing gum, o kapag nagsasalita ka o patuloy na binubuka ang iyong bibig habang ngumunguya.
  • Ang pag-inom ng ilang partikular na fiber supplement na naglalaman ng psyllium ay maaaring magdulot ng gassiness.
  • Ang pagdaragdag ng mga pamalit sa asukal sa iyong mga pagkain tulad ng sorbitol, mannitol, at xylitol ay maaaring magdulot ng gas.

Mga kondisyon sa kalusugan

  • Ang constipation ay nagpapahirap sa colon na makapag palabas ng hangin 
  • Mga intolerance sa pagkain tulad ng lactose intolerance ( carbohydrate sa dairy products), gluten intolerance (protina sa wheat, barley, at rye), at fructose malabsorption ay nagpapataas ng gas sa iyong colon, na nagreresulta sa pananakit ng tiyan.
  • Ang autoimmune pancreatitis, kung saan inaatake ng immune system ang malulusog na pancreatic cells ay maaaring maging sanhi ng pananakit ng gas.
  • Ang sakit sa celiac o gluten-sensitive enteropathy ay nangyayari kapag ang immune system ng katawan ay tumutugon sa gluten, na pagkatapos ay pumipinsala sa maliit na bituka.
  •  Isang uri ng inflammatory bowel disease (IBD) ang Crohn’s disease na nagpapalitaw ng pamamaga sa digestive tract.

Mga sintomas ng constipation at kabag

Kung maramdaman mo ang mga sumusunod na sintomas, malamang na nakakaranas ka ng gas build-up at gas pain:

  • Pagdighay at pag-utot
  • Discomfort o masakit na cramp sa tiyan
  • Pakiramdam na puno ang tiyan (bloating)
  • Pagbaba ng tiyan o paglaki ng tiyan dahil sa naipon na gas o likido

Kailan Magpapatingin sa Doktor?

Karaniwan, ang gassiness at masakit na gas ay tumatagal lamang ng mga 24 hanggang 48 na oras. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang discomfort ay maaaring tumagal ng humigit-kumulang isang linggo o maaaring mas matagal pa.

Magpatingin sa iyong doktor kung nagpapatuloy ang constipation at kabag o kung ito ay sinamahan ng mga sintomas na ito:

  • Mabilis mabusog kahit kaunti lang ang kinain o kahit na pagkain lamang ng regular meal
  • Patuloy at matinding gas pain o pananakit ng tiyan
  • Paulit-ulit na pagduduwal o pagsusuka
  • Lagnat
  • May dugo ang dumi
  • Pagbaba ng timbang
  • Chest pain

Pinakamahusay na humingi agad ng medikal na atensyon kung mapansin mo na ang mga sintomas na ito ay nagpapahirap sa iyo.

Kung hindi magagamot, ang kabag ay maaaring humantong sa mas malubhang digestive disorders tulad ng Crohn’s disease, celiac disease, diverticulitis, at small intestinal bacterial overgrowth (SIBO).

Paano gamutin ang kabag?

Kadalasan, ang kabag ay kusang nawawala sa pagdighay at pag-utot. Kaya lang, kung ang constipation at iba pang health conditions ay patuloy na nagdudulot sa iyo ng mga problema, ipinapayo na gamutin at tugunan ang partikular na problema sa kalusugan.

Para gamutin ang gas at kabag maaari kang:

Magpalit ng diet at eating habits

  • Makipag-usap sa doktor mo tungkol sa mga pagkaing mataas sa fiber upang makuha mo ang pang-araw-araw na dietary fiber intake nang hindi lumalala ang kabag mo.
  • Uminom ng sapat na tubig ( mga 2 litro bawat araw sa adults) upang maiwasan ang bloating o pananakit ng tiyan habang kumakain ng high-fiber food.
  • Kung lactose intolerant ka, iwasan ang dairy products at subukan ang lactose-free substitutes. Maaari ka ring uminom ng lactase para makatulong sa digestion.
  • Iwasan o limitahan ang mga sugar substitutes o humanap ng ibang mapagpipilian.
  • Iwasan ang pagkain ng maraming taba dahil maaari itong magpalala ng gas problems.
  • Limitahan ang carbonated drinks tulad ng soda, beer, at iba pang fizzy drinks.
  • Komunsulta sa doktor bago sumubok ng kahit anong uri ng fiber supplement.
  • Manatiling hydrated para makatulong sa constipation at kabag.

Pagbabago sa Lifestyle

  • Kumain ng dahan-dahan. Huwag magsalita habang kumakain at nguyain ang iyong pagkain ng maayos.
  • Magkaroon ng mas maliliit na bahagi ng iyong mga regular na pagkain upang makita kung anong pagkain ang nagdudulot ng kabag mo.
  • Iwasan ang pagnguya ng chewing gum, pag-inom sa straw, at pagsipsip ng matigas na kendi, dahil maaari kang lumunok ng mas maraming hangin.
  • Para sa mga taong may mga pustiso, magpasuri sa dentista mo upang makita kung ang iyong mga pustiso ay masikip. Ang maluwag na pustiso ay nagiging sanhi ng paglunok mo ng hangin kapag kumakain o umiinom.
  • Iwasan ang paninigarilyo, dahil ang paglanghap ng usok ay maaaring magpapataas ng gas sa iyong tiyan. Gayundin, ang tabako sa mga sigarilyo ay maaaring makairita sa iyong digestive tract, na nagiging sanhi ng bloating, kabag, at pananakit ng tiyan.
  • Mag-ehersisyo nang regular o maging tuloy-tuloy sa paggawa ng mga pisikal na aktibidad dahil makakatulong ito na maiwasan ang constipation. Ang pananatiling aktibo ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga pagkakataong magkaroon ng gas at pananakit.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng constipation at kabag ay patuloy na magdudulot ng paulit-ulit na discomfort kapag hindi ginagamot. Ibig sabihin, ang paggamot kaagad sa constipation ay lubos na makatutulong na mawala ang kabag o tuluyang maiwasan ang mga ito.

Pinakamahalaga, ang kabag ay mapipigilan pa sa pamamagitan ng pananatili sa isang balanse, masustansyang diet at pagkakaroon ng isang malusog na pamumuhay.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gas in the Digestive Tract https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gas-in-the-digestive-tract Accessed September 27, 2020

How to Get Rid of Gas Pain https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/how-to-get-rid-of-gas-pain Accessed September 27, 2020

Gas and Gas Pains https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gas-and-gas-pains/diagnosis-treatment/drc-20372714 Accessed September 27, 2020

Feeling Gassy – Is It Ever a Cause for Concern? https://www.health.harvard.edu/blog/feeling-gassy-is-it-ever-a-cause-for-concern-2019090917599 Accessed September 27, 2020

Relief from Intestinal Gas https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/relief-from-intestinal-gas Accessed September 27, 2020

Kasalukuyang Version

09/01/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Sanhi ng Constipation, Anu-ano ang mga Ito? Alamin Dito!

Bakit Minsan Nakararanas ng Constipation Pagkatapos ng Diarrhea?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement