Ang sakit ay isang paraan ng pakikipag-usap ng katawan. Kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng sakit saanman sa kanyang katawan, ito ay nagpapahiwatig na may mali. Senyales ng pananakit na dumaranas ka ng sakit ng ulo o masamang pakiramdam. At kailangan mong bigyan ng gamot. Ang pananakit ng tiyan, halimbawa, ay isang bagay na nararanasan ng maraming tao paminsan-minsan. Kadalasan, ito ay maaaring senyales ng mahinang paggana ng digestive system, tulad ng constipation. Ano ang eksaktong dahilan ng constipation?
Ano ang Constipation?
Ang constipation ay karaniwan at nababagong kondisyon na nakakaapekto sa lahat ng edad. Alamin dito kung saan nararamdaman ang constipation. At kung ang pananakit ng tiyan ay dapat ipag-alala.
Naaapektuhan ng constipation ang digestive system at nagiging sanhi ng hirap sa pagdumi ng isang tao. Sa ilang tao, ang constipation ay mabilis lang nawawala, habang ang iba ay maaaring makaranas ng malalang constipation. Ito ay dahil sa iba pang sakit na pinagmumulan tulad ng neurological conditions, diabetes, at hypothyroidism.
Mayroong iba’t ibang mga posibilidad na dahilan ng constipation, ngunit ang pangkalahatang discomfort ay karaniwang resulta ng kundisyong ito.
Ang data na nakolekta mula sa iba’t ibang mga pag-aaral sa buong mundo ay nagpapakita na nasa 16% ng mga adult sa buong mundo ay dumaranas ng malalang constipation.
Ang bilang ng mga matatandang edad 60-110 na nagtitiis mula sa malalang constipation ay mas mataas. Tinatayang 33.5% ng mga matatanda ang nagsabi na may ganitong paghihirap. Sinasabi rin ng mga pag-aaral na ang constipation ay mas karaniwan sa mga buntis.
Ano ang Sanhi ng Constipation?
Kapag ang isang tao ay nag-constipate, ang colon o ang malaking bituka ay masyadong natatagalan sa pag-absorb ng tubig mula sa waste material na nagreresulta mula sa pagkaing na-digest natin. Ito ang masyadong nagpapatuyo sa waste material at nagreresulta sa tuyo at matigas na dumi. Kadalasang mahirap at masakit ang pagdumi.
Walang tiyak na dahilan ng constipation. Karaniwan, diet at lifestyle na laging nakaupo ang madalas na pangunahing sanhi ng karamihan sa mga tao.
Gayunpaman ang iba pang mga elemento tulad ng edad, ilang mga gamot, at maging ang stress ay maaaring maging sanhi ng biglaang constipation ng isang tao. Sa kabila ng pagkakaroon ng healthy bowel movements.
Sintomas ng Constipation: Ano ang Dahilan ng Constipation?
Pangunahing sintomas ng problema sa panunaw ay kadalasang ang pananakit ng tiyan.
Ang sakit na dulot ng constipation ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang matindi o cramping na sakit mula sa tiyan. Ang pakiramdam ay katulad ng menstrual cramps na nararanasan ng mga kababaihan sa kanilang buwanang cycle.
Kahit na, ang pananakit ay hindi lamang ang sintomas na dapat bantayan kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay constipated. Ang lokasyon ng discomfort ay hindi isang tiyak na sagot kung saan nararamdaman ang sakit ng paninigas ng dumi.
Ang iba pang sintomas ng constipation ay:
Hindi gaanong madalas na pagdumi
Kung gaano kadalas dumumi ng isang tao ay ganap na nakasalalay sa lifestyle ng isang tao. Ang ilang mga tao ay mas madalas mag-banyo sa iba. Kung napansin mo na hindi ka pa tumatae gaya ng nakasanayan mo, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng constipation. Ano ang dahilan ng constipation?
Matigas na dumi
Ang consistency ng iyong dumi ay maaari ding magsabi ng marami tungkol sa pangkalahatang kalusugan. Kung ang dumi mo ay mukhang maliliit na bato, nangangahulugan na natatagalan ito sa colon at naging masyadong tuyo at mahirap ilabas. Ang isang malusog na pagdumi ay dapat na tuloy-tuloy at madaling mailabas.
Nahihirapan sa banyo
Ayon sa Bristol Stool Scale, ang pagtulak at masakit na pakiramdam habang dumudumi ka ay isang senyales ng constipation. Ang hirap sa pagdumi, hanggang sa masakit, ay isang senyales na ang iyong dumi ay hindi tama ang consistency.
Kahirapan sa Pagdumi
Kung nag-iisip ka kung saan nararamdaman ang pananakit ng paninigas ng dumi, ang sagot ay maaaring nasa iyong bituka.
Bukod sa tiyan, ang isang tao ay maaari ring makaramdam ng discomfort sa bituka kapag sila ay constipated. Kaya naman, madalas niyang nararamdaman na hindi pa nila lubusang nailabas ang laman ng kanilang bituka, kahit na katatapos lang nilang gumamit ng palikuran.
Utot
Ang madalas na paglabas ng mabahong gas kapag naninigas ay mas karaniwan sa mga bata na nakakaranas ng mga problema sa tiyan. Ang pakiramdam na bloated ang tiyan o nahihirapang umutot ay maaari ding isang tanda ng paninigas ng dumi.
Key Takeaways
Ang mga dahilan ng constipation ay kadalasang kinabibilangan ng pangkalahatang discomfort, pagpupumilit sa pagdumi, at biglaang pagbabago sa dalas ng pagdumi.
Kung hindi ka sigurado sa dahilan ng constipation, pinakamahusay na kumunsulta sa isang medical professional. At talakayin ang iba pang mga sintomas na nararanasan upang matukoy ang ugat ng sanhi.