Ang tuberculosis ay bacterial infection dulot ng Mycobacterium tuberculosis. Sa Pilipinas, ito ay kilala na nakaaapekto sa baga (pulmonary TB), ngunit ang bacteria ay maaari ding makaapekto sa ibang organs ng katawan (extra-pulmonary TB). Kung sakali na ikaw o may taong malapit sa’yo ang nagkaroon ng pulmonary TB, ito ang mga dapat mong malaman sa gamot sa tuberculosis sa Pilipinas.
Active TB Infection vs Latent TB Infection
Alam mo ba na maaari kang magkaroon ng TB infection nang hindi nagpapakita ng anumang sintomas? Ito ang tinatawag na Latent TB infection at ito ay nangyayari kung nalanghap mo ang Mycobacterium tuberculosis, ngunit maaari ito labanan pa ng iyong katawan at pigilan itong dumami.
Sa pagkakaroon ng Latent TB infection, alinman sa dalawang bagay na ito ang maaaring mangyari:
- Ang bacteria ay nakita mula sa mga pagpapa-check-up, at magbibigay ng reseta ang doktor ng gamot na makakatulong sa pagpatay ng mga mikrobyo at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na active TB sa hinaharap
- Nananatili ang bacteria sa katawan, natutulog ang mga ito ngunit buhay. Hindi makakaramdam ng sakit at hindi pa ganap na nakahahawa sa ibang tao.
Gayunpaman, kung hindi kinaya ng katawan ang paglaban sa latent infection, ito ay maaari maging active TB infection. Kung ito ay mangyari, lalabas ang mga sintomas tulad ng ubo, lagnat, at pagbaba ng timbang. Higit sa lahat, maaari kumalat ang bacteria sa ibang tao.
Ang pagkakaroon ng active TB infection ay nangangahulugan na kailangan pumili sa mga available na paggagamot ng tuberculosis sa Pilipinas. Alamin ang dito ang gamot sa tuberculosis.
Paalala:
Tandaan na iba-iba ang pagkakataon na ang TB infection ay maging active na sakit.
Ito ay maaaring agad na mangyari matapos ang infection, bago magkaroon ng pagkakataon ang katawan na labanan pa muna ang bacteria. Ito ay karaniwan sa mga taong madaling mahawa, may mababang resistensya, tulad ng sanggol, senior, at may mga chronic na sakit.
Gayundin, ito ay maaaring mangyari sa loob ng buwan o taon matapos magkaroon ng bacteria.
Pangkalahatang Ideya ng Tuberculosis sa Pilipinas
Bago tuluyan nating mapag-usapan ang paggagamot sa Tuberculosis sa Pilipinas, atin munang alamin ang TB statistics.
Sa kasalukuyang, tinatayang nasa 1 milyong Pilipino ang may sakit na active tuberculosis. Ayon sa ulat, tayo ang pangatlo sa pinakamataas na pagkalat sa mundo, sumunod sa South Africa at Lesotho. Nakakaalarma ang katotohanan na tinatayang 70 na mga Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa TB, kahit na ito ang pinaka nagagamot na sakit.
Naglalayon ang World Health Organization (WHO) na tapusin ang tuberculosis sa planeta sa 2030. Ngunit ang mga kaso sa Pilipinas ay tumataas taon-taon. Kung kaya’t mahalagang patatagin ang paggagamot sa tuberculosis sa Pilipinas.
Paggamot ng Tuberculosis sa Pilipinas
Ano ang gamot sa tuberculosis? Ang Pilipinas sa sumusunod sa WHO-prescribed na paggagamot sa TB, DOTS.
Ang DOTS o Directly-observed Therapy Short-course ay epektibong paraan sa “break the cycle transmission”. Narito ang mga nilalaman ng programa:
Makakatanggap ang mga pasyente ng gamot
Sa paggagamot ng active tuberculosis, ang pasyente ay nangangailangan makatanggap ng mga pinagsamang paraan ng paggamot. Ang mga nasa unang linya ng gamot ay rifampicin, isoniazid, pyrazinamide, at ethambutol. Ang fixed dose combination (FDC) na isa sa pinaka karaniwang nirereseta.
Maaaring mangailangan ng pahinga mula sa trabaho o pag-aaral ng hindi bababa sa loob ng dalawang linggo ang taong may sakit na active TB upang makapag pagamot. Matapos ang panahong ito, ang kanilang mga sintomas ay dapat iigi at mabibigyan ng doktor ng clearance matapos ang pagsusuri.
Gayunpaman, upang tuluyang mawala ang sakit na tuberculosis at infection, kailangan nila kompletuhin ang short-course na paggagamot ng hinda bababa sa loob ng 6 na buwan.
Obserbasyon mula sa healthcare worker kung ang pasyente ay umiinom ng gamot
Ang highlight ng TB DOTS sa Pilipinas ay: Mayroong obserbasyon mula sa isang pang tao ang pasyente kung ito ay umiinom ng gamot.
Kung bakit ang programang ito ay “directly-observed” dahil kailangan makita ng healthcare worker ang aktong pag-inom ng pasyente ng gamot. Mayroong benepisyo ang direktang obserbasyon mula sa healthcare workers, ito ay mga sumusunod:
- Makakatulong sa pasyente na maalala na inumin ang gamot at makumpleto ito. Mahalagang matapos ang paggagamot o kung hindi ay maaari itong humantong sa drug resistance, na mas magastos at mahirap magamot.
- Nakikita ng healthcare worker kung ang therapy ay epektibo.
- Madaling mapapansin ng healthcare worker kung ang pasyente ay nagkakaroon ng ibang epekto sa gamot.
Libre at Madali ang TB DOTS sa Pilipinas
Tandaan na ang paggagamot sa DOTS tuberculosis sa Pilipinas ay libre. Ang mga pampublikong ospital, klinika, o health center ay magbibigay sa mga pasyente ng mga gamot na kanilang kailangan.
Bukod dito, madali lamang ito. Maaaring makipag-ugnayan ang pasyente sa healthcare worker sa ospital o klinika, sa lugar ng kanilang trabaho o saan mang malapit na lugar.
Kung ang pasyente ay piniling magpagamot sa pribadong pasilidad, ang PhilHealth ay magbabayad ng PHP 4,000 para sa buong 6-buwan na paggagamot. Kasama na rito ang diagnostic tests, konsultasyon, at gamot sa programang DOTS.
Diagnostic Tests para sa TB
Kung hinihinalang ikaw o ang mahal mo sa buhay ay may sakit na pulmonary TB, maaaring dumirekta sa pinakamalapit na pasilidad sa iyong lugar tulad ng health center.
- Dito, ang doktor ay magtuturo kung paano kumuha ng 2 sample ng sputum (plema)
- Susuriin ito kung nasa sputum ang Mycobacterium tuberculosis.
- Ipapasailalim ng doktor ang pasyente sa chest x-ray upang i-diagnose ang TB at upang malaman kung gaano ito kalala sa baga ng pasyente.
- Kung positibo, agaran ka nilang ilalapit sa TB DOTS.
Mayroong dalawang test para sa latent TB infection: TB skin test, ito ay karaniwang sa mga bata at TB blood test.
- Sa TB skin test, ang doktor ay mag-iinject ng kaunting likido (tuberculin) sa balat.
- Kailangang bumalik ng pasyente matapos ang 48 hanggang 72 oras upang masuri ang bahaging tinurukan
- Kung positibo man sa TB o hindi ito ay depende sa kinalabasan sa bahagi ng pinagturukan.
- Sa TB blood test, ang doktor ay kukuha ng sample ng iyong dugo upang makita kung ang tuberculosis ay nasa sirkulasyon ng katawan.
- Mahalagang tandaan na ang TB skin at blood test ay hindi nakaka-diagnose ng sakit na active TB. Maaari lang nito masuri ang presensya ng infection.
Kung kaya, kung ang TB skin test o blood test ay naglabas ng positibong resulta, ang pasyente ay mangangailangan ng karagdagang test (x-ray at sputum) upang makita kung ang infection ay malala na ang naging sakit at upang maalis o magamot ang active TB infection.
Key Takeaways
Partikular ang programang DOTS, sa paggagamot ng tuberculosis sa Pilipinas. Sinisiguro nito na ang pasyente ay makakatanggap ng tama at sapat na gamot na kailangan upang maalis ang sakit at infection.
Matuto pa tungkol sa Tuberculosis dito.