backup og meta

Alamin: Ano ang upper respiratory infection

Alamin: Ano ang upper respiratory infection

Ano ang upper respiratory infection? Ang upper respiratory infections at mga sakit ay lubhang karaniwan. Maliban sa ilang pandemic cases ng mga bagong trangkaso, halos lahat ng trangkaso ay hindi nakakapinsala at pana-panahon kung gagawin ang tamang pag-iingat.

Gayunpaman, dahil ang trangkaso at ang mga uri nito ay napakakaraniwan at kadalasang sanhi ng mga virus, ang mga sintomas nito ay malamang na pareho. Kaya, nagkakaroon ng kalituhan kung ano ang eksaktong uri ng trangkaso o respiratory ailment na dinaranas ng isang tao. 

Mahalaga ang tamang diagnosis para sa tamang treatment. Halimbawa na ang mga upper respiratory infection at sipon, na halos magkapareho pero may pagkakaiba.   

Unawain muna natin kung ano ang mga sakit na ito.

Pag-unawa kung ano ang upper respiratory infection: Ano ang sipon?

Ang sipon ay isa sa mga pinakakaraniwang respiratory ailments. Ito ang sanhi ng higit sa 200 uri ng mga virus sa iba’t ibang pagbabago at kombinasyon.

Kaya naman, mahirap hanapin kung saan nagmumula ang impeksyon. Habang ang mga sintomas ay pare-pareho tulad ng sipon, ubo, paninikip, pagbahing, atbp. Sa mga matatanda, ang mga sintomas na ito ay may kasamang mild fatigue, lagnat, at panginginig.

Ano ang upper respiratory infection?

Ang upper respiratory infection ay isang nakakahawang kondisyon na apektado ang upper respiratory tract, ang ilong, lalamunan, pharynx, larynx, at bronchi.

Kilala rin na pinakakaraniwang uri ng upper respiratory infection ang sipon. Ang iba pang klase ng URI ay sinusitis, epiglottitis, pharyngitis, at tracheobronchitis. 

Gayunpaman, tandaan na ang trangkaso ay hindi isang upper respiratory infection.

Paano naiiba ang upper respiratory infection sa sipon?

Ang upper respiratory infection ay ang pangkalahatang termino para sa lahat ng mga impeksyon at isa sa mga ito ay sipon.

Ang sipon ay ang pinakakaraniwang uri ng respiratory infection pero hindi pareho nito. May iba pang malubhang klase ng upper respiratory infections tulad ng mga nabanggit sa itaas.

Sintomas ang isa pang pagkakaiba. Isang karaniwang karamdaman ang sipon at hindi seryosong kondisyon. Kadalasang nawawala ito sa loob ng dalawang linggo. 

May mga sintomas ito na makakayanan kung may ilang pampaginhawa tulad ng inhaler at balms.

Sa kabilang banda, ang iba pang upper respiratory infection tulad ng sinusitis ay mas malubha at mas masakit na mga sintomas.

Sinusitis kumpara sa Sipon

Ilang mga sintomas ng sinusitis:

  • Lahat ng mga sintomas ng sipon tulad ng pananakit ng ulo, congestion, at iba pa. Yellow nasal discharge na hindi bababa sa 3-4 na araw.
  • Bad breath na walang kaugnayan sa poor oral hygiene.
  • Matinding sakit ng ulo sa paligid ng mata.

Dagdag pa rito, kung ang alinman sa mga sumusunod na sintomas ay nagpapatuloy, kailangang kumunsulta agad sa doktor.

  • Sensitibo sa liwanag
  • Pagkairita
  • Malubhang sakit ng ulo, lalo na sa likod ng leeg
  • Pamamaga sa paligid ng mga mata
  • Patuloy na pagsusuka

Sa kabilang banda, ang sipon ay may mga sumusunod na sintomas:

  • Pananakit ng ulo
  • Fatigue
  • Runny nose
  • Congestion
  • Ubo, sa ilang mga kaso

Karaniwang kusang nawawala ang sipon humigit-kumulang dalawang linggo. At may over-the- counter na mga gamot na mabibili nang walang reseta kung sakaling kailanganin ng isang tao.

Hindi seryoso ang sipon. Gayunpaman, sa kondisyon na tulad ng sinusitis, maaari itong humantong sa mas malubhang mga kondisyon.      

Epiglottitis kumpara sa Sipon

Isa pa sa upper respiratory infection ang epiglottitis, kung saan may pamamaga sa itaas na bahagi ng iyong trachea. 

Ang epiglottis ay matatagpuan sa base ng dila at gawa sa cartilage. Ito ay isang mahalagang bahagi na lumilikha ng isang partisyon sa pagitan ng food pipe at ng wind pipe. Kaya pinipigilan ang pagkain at mga likido mula sa pagpasok sa wind pipe. 

Kaya seryosong karamdaman ang pamamaga sa epiglottis. Ang pamamaga sa lugar na ito ay pwedeng makahadlang sa daloy ng hangin sa trachea.

Maaaring mangyari ang epiglottitis dahil sa iba’t ibang dahilan. Ito ang isa pa sa pagkakaiba ng upper respiratory infection at sipon dahil walang tiyak na dahilan para sa sipon.

Ilan sa mga sanhi ng epiglottitis:

  • Drug abuse, lalo na ang paninigarilyo ng cocaine
  • Paglunok ng anumang foreign object
  • Throat burn mula sa steam
  • Pinsala sa lalamunan mula sa isang sugat, saksak, o anumang iba pang trauma

Bukod sa mga ito, ang epiglottitis ay mas malamang na makaapekto sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang. Ito ay karaniwan din sa mga bata sa pagitan ng 2 hanggang 6 na taong gulang. Ang mga taong higit sa edad na 85 ay nasa panganib din na magkaroon nito.

Ang isang pagkakatulad ng epiglottitis sa sipon ay ang parehong maaaring mangyari nang madalas dahil sa mahinang immune system.   

Kaya mahalaga ang healthy lifestyle. Ang madalas na pag-atake ng sipon ay hindi nakakapinsala pero ang madalas na epiglottitis ay hindi mabuti para sa iyo. 

Laryngitis kumpara sa Karaniwang Sipon

Nagkakaroon ng laryngitis ay kapag may pamamaga sa iyong vocal cord o voice box. Ito ay kadalasang nangyayari dahil sa ilang impeksyon o labis na paggamit. Ang pagkakaiba nito sa sipon ay ang duration. Habang ang karaniwang sipon ay tumatagal ng halos dalawang linggo, ang laryngitis ay tumatagal ng mga tatlong linggo upang mawala. 

Ang laryngitis ay maaaring maging chronic o malubha. Ito ay maaaring sanhi ng acid reflux, exposure sa allergens, labis na paggamit ng boses, active o passive smoking, at maging asthma inhaler. 

Ang acute laryngitis naman ay sanhi ng sobrang pag-inom ng alak, bacterial infection, o kahit na simpleng pagsigaw.

Kumpara sa mga karaniwang sintomas ng sipon, ang laryngitis ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pagkawala ng boses
  • Nanghihina ang boses
  • Dry cough
  • Pangangati ng lalamunan
  • Tuyong lalamunan

Ang pinakamainam na gawin ay ang pag-inom ng fluids at mainit-init na inumin na nagpapaginhawa sa lalamunan. Siguraduhin na ang mga ito ay non-caffeinated drinks. Mainam din ang pahinga sa pagsasalita, kahit na medyo hindi ito praktikal, lalo na kung ang career mo ay may kinalaman sa paggamit ng iyong boses.  

Bronchitis kumpara sa Karaniwang Sipon

Bronchitis ang isa pang posibleng kondisyon na nagaganap resulta ng upper respiratory tract infections. Maaaring unang lumitaw ang mga sintomas ng bronchitis na katulad ng sipon. Gayunpaman, pwede itong lumala pagtagal. Ito ay dahil may pamamaga ng bronchial tubes.

Ang mga sintomas tulad ng panginginig, lagnat, pagbahing, pananakit ng lalamunan, sipon, pananakit ng kalamnan, ay maaaring makita. Gayunpaman, ang bronchitis ay maaaring chronic o malala at may kinalaman sa lower respiratory tract na nagdudulot ng paglala ng mga sintomas. Kaya mahalagang makilala ang pagkakaiba ng bronchitis at sipon.

Ang pagkakaiba ay nangyayari kung ang mga sintomas na ito ay magiging seryosong kondisyon sa paglipas ng panahon at hindi mawawala sa loob ng dalawang linggo tulad ng dapat sa sipon.

Halimbawa, dapat kumunsulta agad sa doktor kung sakaling may alinman sa mga sumusunod:

  • Matinding ubo na tumatagal ng higit sa 10 araw
  • Breathing issues
  • Chest pains
  • Lagnat na higit sa 38 degrees Celsius
  • Hindi inaasahan at matinding pagbaba ng timbang

Ang mga nabanggit ay warning signals na ang bronchitis ay malala. Isa itong palatandaan hindi ito basta sipon na kailangan ng agarang medikal na atensyon. 

Malawak ang sakop ng upper respiratory infection o URI. Saklaw nito ang maraming impeksyon at karamdaman na umaatake sa may kinalamang organs. Isa ang sipon ngunit hindi ito lamang. 

Mahalagang malaman ang pagkakaiba para makagawa ng tamang aksyon kung sakaling ikaw o ang mahal mo sa buhay ay magkaroon nito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Upper Respiratory Infection (URI or Common Cold)/https://www.chop.edu/conditions-diseases/upper-respiratory-infection-uri-or-common-cold/Accessed on June 30, 2021

How is the common cold differentiated from upper respiratory tract infections (URIs) that require targeted therapy?/https://www.medscape.com/answers/302460-86857/how-is-the-common-cold-differentiated-from-upper-respiratory-tract-infections-uris-that-require-targeted-therapy/Accessed on June 30, 2021

Common Cold in Children/https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=upper-respiratory-infection-uri-or-common-cold-90-P02966/Accessed on June 30, 2021

Cold vs. Flu: The Lowdown on Upper Respiratory Infections/https://baptisthealth.net/baptist-health-news/cold-vs-flu-lowdown-upper-respiratory-infections//Accessed on June 30, 2021

Upper Respiratory Infection (URI or Common Cold)

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/upper-respiratory-infection-uri-or-common-cold

Accessed on June 30, 2021

Kasalukuyang Version

01/31/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Sipon o allergy? Paano mo malalaman kung alin ang iyong nararanasan

Sipon: Lahat ng dapat mong malaman tungkol dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement