backup og meta

Paano alisin ang plema? Sundin ang mga tip na ito

Paano alisin ang plema? Sundin ang mga tip na ito

Bagama’t mas karaniwang naiuugnay sa sakit, ang plema at mucus ay maaaring makatulong na mapaalis ang bakterya at iba pang mga external substance sa ating system. Paano alisin ang plema at mucus?

Ang sobrang plema at mucus ay maaaring maging sobrang nakakaabala at nagdudulot ng mga problema. Paano natin malalaman kung ang mga natural substance na ito ay sobra-sobra? Ano ang mga posibleng remedyo na maaaring magpagaan sa sobrang plema at mucus?

Pagkontrol ng Plema at Mucus: Paano Gamutin ang Wet Cough

Ang wet cough, o maplemang ubo, ay pwedeng gamutin gamit ang mga home remedy at mga OTC na gamot. Bagama’t epektibo, ang ilang partikular na OTC na gamot ay maaaring magdulot ng mga posibleng epekto.

Mga OTC na Gamot para sa Wet Cough

Phenylephrine

Ito ay may maraming gamit dahil maaari nitong gamutin ang mga nasal problem tulad ng pagkakaroon ng baradong ilong at pag-decongest ng mucus. Gayundin, maaaring gamutin ng gamot na ito ang pamamaga na dulot ng almoranas (namamagang ugat sa lower rectum).

Maaaring inumin ang Phenylephrine bilang oral medication o maaari rin itong ihalo sa iba pang mga gamot para sa mga sintomas ng trangkaso.

Mahalagang alamin mo sa doktor kung ligtas bang inumin ang ganitong uri ng gamot para sa plema at mucus. Ito ay dahil hindi maaaring gamitin ang phenylephrine sa ilang partikular na sitwasyon. Halimbawa, kung ang isang tao ay umiinom ng mga anti-depressant na gamot, o kung mayroon silang mga problema sa puso. Ang Phenylephrine ay lubos na addictive.

Guaifenesin

Ang gamot na ito ay ginagamit upang paginhawahin ang pagsisikip ng dibdib. At ang pagsisikip ng dibdib ay isang uri ng kondisyon kung saan nagkakaroon ng plema at mucus build-up.

Hindi talaga inaalis ng gamot na ito ang sanhi ng pagsikip ng dibdib. Gayunpaman, nakakatulong ito na bawasan ang dami ng plema at mucus sa pamamagitan ng pagpapaubo nito sa isang tao.

Sa paglipas ng panahon, luluwag ang daanan ng hangin at magiging mas madali ang paghinga.

Muli, bago gamitin ang gamot na ito, kumunsulta sa doktor upang malaman kung ligtas bang inumin ang gamot na ito.

Robitussin Mucus & Phlegm

Ang gamot na ito ay tumutulong sa pagpapaluwag ng mucus na naging masyadong makapal. At ito rin ang nagpapaluwag sa bronchial secretions upang gawing mas madali ang pag-ubo. Ang mas madaling pag-ubo ng isang tao ay mas mahusay. Dahil ang pag-ubo ng mucus ay ang pinakamahusay na paraan upang maalis ito.

Hypertonic Saline

Ang gamot na ito ay isang uri ng solution na nagpapataas ng level ng asin sa mga daanan ng hangin. Ang maraming asin sa mga daanan ng hangin ay mag-a-attract ng tubig, at ang tubig ay nagpapanipis ng mucus sa paglipas ng panahon. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas na inirerekomenda ng mga doktor na mag-hydrate ang isang tao sa tuwing may basang ubo.

Dornase Alfa

Ang gamot na ito ay ginagamit upang lumuwag at manipis ng mucus. Pinuputol nito ang DNA, na responsable para sa paggawa ng consistency ng mucus na makapal at malagkit. Ang makapal na uhog ay maaaring humantong sa pagbabara ng mga daanan ng hangin, kaya nahihirapan ang isang tao na huminga.

Ang gamot na ito ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapanipis ng mucus ngunit pinipigilan din ang posibilidad ng mga impeksyon sa respiratory tract. Karaniwan itong ibinibigay sa pamamagitan ng direktang pangangalaga ng manggagamot.

Natural Remedies Kung Paano Alisin ang Plema at Mucus

Lemon at Honey

Binabawasan nito ang posibilidad ng labis na pag-ubo at kasabay nito, lumuluwag din ito ng makapal na mucus. Ang lemon ay may Vitamin C at ito ay mahusay na panlaban sa mucus bacteria.

Saltwater Gargle

Ang remedy na ito ay tumutulong sa pag-alis ng mucus mula sa respiratory tract ng isang tao.

Paglanghap ng Steam

Ang mga usok o steam na nagmumula sa eucalyptus oil ay mahusay sa pagpapaluwag ng plema sa lalamunan. Ginagawa nitong mas madali para sa isang tao na huminga at gumaan din ang pakiramdam ng pag-ubo.

Dagdagan ang Intake ng Fluid

Nakakatulong ng malaki ang wastong hydration pagdating sa pagpapanipis ng mucus. Bukod dito, ang sapat na pag-inom ng tubig ay maaaring magpabuti sa ating pangkalahatang kalusugan.

Uminom ng Black Coffee

Ang black coffee ay nakakatulong sa hirap sa paghinga. Nakakatulong ang caffeine sa pagpapaluwag ng daanan ng hangin ng isang tao. Kaya mas madaling huminga.

Kumain ng Maanghang na Pagkain

Ang mga maanghang na pagkain ay maaaring makakatulong sa pag-alis ng mga baradong nasal passages at mga sinus.

Uminom ng Ginger Tea

Ang luya ay nagbibigay ng ginhawa pagdating sa plema at mucus build-up.

Kailan Dapat Humingi ng Tulong sa isang Doktor

Mahalagang humingi ng medikal na tulong kapag ang plema at mucus ay hindi nawala. Ito ay kahit na pagkatapos uminom ng mga gamot at mga home remedy kung paano alisin ang plema. Gayundin, kapag ang isang tao ay nagsimulang makakita ng isang bagay na hindi karaniwan tulad ng dugo sa uhog. Dapat silang bumisita kaagad sa isang ospital. Ito ay upang maiwasan ang anumang malalang kondisyon na mangyari.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Benefits of mucus, https://newsinhealth.nih.gov/2020/08/marvels-mucus-phlegm, Accessed July 29, 2021

OTC Medications, https://www.cff.org/Life-With-CF/Treatments-and-Therapies/Medications/Mucus-Thinners/, Accessed August 17, 2021

Pheynylephrine, https://www.knowyourotcs.org/ingredient/phenylephrine/, Accessed August 17, 2021

Guaifenesin, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a682494.html, Accessed August 17, 2021

Robitussin, https://dailymed.nlm.nih.gov/dailymed/fda/fdaDrugXsl.cfm?setid=259c8b69-c625-4146-b888-34ef43b8385f&type=display, Accessed August 17, 2021

How Pulmozyme (dornase alfa) addresses abnormal mucus, https://www.chkd.org/uploadedFiles/Documents/Programs_and_Clinics/Pulmozyme%20how%20addresses%20abnormal%20mucus.pdf, Accessed July 29, 2021

Home remedies to relieve chest congestion, http://medisyshealth.org/newsletter/7-home-remedies-to-relieve-chest-congestion/, Accessed July 29, 2021

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Michael Henry Wanat

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Michael Henry Wanat

Respiratory Therapy


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement