backup og meta

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Ang matinding ubo ay maaaring lubhang nakakainis. Gayumpaman, senyales ito ng  reaksyon o paglaban ng iyong katawan kapag maysakit o kung ang mga baga mo ay naiirita. Karamihan sa mga ubo ay hindi malaking isyu at may posibilidad na mawala sa loob ng tatlong linggo, pero maaaring magpatuloy ang  consistent choking  sa iyong lalamunan. Gayundin ang hindi gumagaling na ubo nang ilang linggo ay hindi magandang senyales.

Ang chronic o hindi gumagaling na ubo ay tumatagal hanggang walong linggo sa mga matatanda at apat na linggo sa mga bata. Kailangan ng medical attention, lalo na kung ang ubo ay walang kasamang sipon o trangkaso. Kung ang ubo ay nagpapatuloy nang mas matagal sa karaniwan, komunsulta kaagad sa iyong doktor. Ito ay maaaring dahil sa mas malalalang isyu kaysa sa bacterial o viral infection.

Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa 9 na pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi bumubuti ang iyong ubo, kung paano mo maiiwasan ang ubo, at kung anong home remedies ang makatutulong sa pagpapagaan ng namumuong ubo.

Hindi Gumagaling na Ubo:  Bakit ito Nangyayari?

Tuyong Hangin

Ang sobrang tuyong hangin o humid air ay maaaring isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi gumagaling ang ubo. Ito rin ang dahilan kung bakit marami ang patuloy na umuubo sa panahon ng malamig o tag-ulan. Kung patuloy kang nasa mainit na kapaligiran, maaari nitong patagalin ang ubo. Maaaring ma-trigger ang mga pasyente ng asthma dahil dito.

Gamot sa Blood Pressure

Ang ACE inhibitors ay karaniwang mga gamot na ginagamit upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo o hypertension. Maaari silang maging sanhi ng ubo na malala, tuyo at hindi gumagaling. Kung niresetahan ka ng ACE inhibitor at pagkatapos ay nagkaroon ng tuyong ubo, humingi ng kapalit nito sa iyong doktor.

Chain-smoking

Ang mga habitual na naninigarilyo ay may tuyong ubo na tinatawag na smoker’s cough. ito ay dahil kapag nilalanghap nila ang usok ng tabako, sinusubukan ng kanilang katawan na itulak palabas ang hindi kilalang kemikal na pumapasok sa mga daanan ng hangin at baga. 

Nagkakaroon ng ganitong ubo pagkatapos ng sunod-sunod na paninigarilyo ng tatlong linggo o higit pa. Kahit na sa una ay tuyong ubo, ito ay naglalabas ng plema, at ito ang dahilan kung bakit may hindi gumagaling na ubo.

Iba pang health issues

Ang asthma o allergies tulad ng alikabok ay pangkaraniwang pinagmumulan ng palagiang pag-ubo. Maraming tao ang hindi alam na sila ay may hika hanggang sa magkaroon sila ng sipon at sobrang mahirapan silang  huminga.

Kaya naman, kung nahihirapan kang huminga dahil sa pag-ubo, ipasuri agad ito.

Ang isa pang pinagbabatayang dahilan ay maaaring acid reflux o obstructive sleep apnea. Para sa acid reflux, ang ilang mga karaniwang sintomas ay heartburn, sobrang pagdighay, at patuloy na pag-ubo.

Para sa obstructive sleep apnea, ang mga sintomas ay maaaring insomnia, labis na paghingal o choking habang natutulog, at malakas na hilik.

Ang dalawang mga kondisyong ito ay magagamot at hindi dapat patagalin.

Mas Kaunting Fluid Intake

Kapag ikaw ay may ubo, ang iyong tract ay nangangailangan ng humidification dahil sa patuloy na friction dulot ng lahat ng pag-ubo. Kung hindi mo dadagdagan ang fluid intake mo, magpapatuloy ang ubo na mas tuyo. Kapag umiinom ka ng maiinit na likido tulad ng herbal tea, room temperature juices, concoctions, at tubig, nakakatulong itong lumuwag ang mucus at makalabas. Kaya, kung ang ubo ay hindi bumuti, ito ay maaaring isang dahilan. 

Sobrang stress

Kahit na underrated na dahilan, ang stress ay maaaring magdulot ng matindi at hindi gumagaling na ubo.  Kapag sobra sa stress, maaaring kakaunti ang tulog kaya ang katawan ay hindi malusog. Ang unang hakbang upang labanan ang ubo na dulot ng stress ay pagtulog.

Nasal spray

Maraming nasal decongestant spray ang mabibili. Kahit na ang mga ito ay nagdudulot ng pansamantalang kaluwagan, maaari silang maging dahilan ng patuloy na pag-ubo. Ang mga spray na ito ay nagdudulot ng reaksyon sa mga lamad ng ilong na namamaga kapag direktang nilalanghap at maaaring magdulot ng ubo.

Ang matagal na paggamit ng ilang nasal spray ay maaaring magdulot ng pagkatuyo ng passages, na nauuwi sa ubo, at ito rin ang dahilan kung bakit hindi ito bumubuti.

Impeksyon

Viral o bacterial infection ang pinakakaraniwang dahilan para sa tuyong ubo. Bagaman mawawala ito pagkatapos ng ilang araw, ang hindi gumagaling na ubo ay maaaring mas matagal kaysa sa impeksyon.

Maaaring maging lubhang sensitibo ang mga daanan ng hangin, kaya nagiging prone ka sa patuloy na pag-ubo sa loob ng ilang linggo.

Post-infection period

Minsan, hindi ka magkakaroon ng ubo sa panahon ng impeksyon kundi pagkatapos nito. Gaya ng nabanggit sa itaas, ang ubong ito ay maaaring dahil sa sensitivity na dulot ng virus. Ginagawa rin nitong lubhang mahina ang iyong immune system sa pagkakaroon ng ubo na nangyayari pagkatapos mong magkaroon ng sipon o trangkaso.

Paano Mo Maiiwasan ang Hindi Gumagaling na Ubo?

  • Lumayo sa mga taong may sakit, lalo na sa mga nakakaranas ng matinding sipon at ubo. Kung ikaw mismo ang may impeksyon, lumayo sa mga pampublikong lugar o iwasang lumabas ng bahay.
  • Mag-sanitize at mag-disinfect ng iyong workstation, bahay, o anumang iba pang lugar na madalas mong puntahan. Ang masusing paglilinis isang beses sa isang araw ay makakatulong sa paglilinis ng mga ibabaw na maaaring may bacteria na dumikit sa mga ito.
  • Magpalit ng damit pagkagaling sa pampublikong lugar. Makakatulong ito na matiyak na ang anumang bakterya dito ay hindi nakakalat sa bahay.
  • Panatilihin ang healthy active lifestyle na may magandang diyeta, exercise plan, at regular na check-up.
  • Iwasan ang anumang mga pag-trigger na maaaring magpalala sa iyong ubo, kung mayroon. Halimbawa, kung mayroon kang hika, tiyaking nililinis ng iyong mga air conditioner ang hangin sa panahon ng pollen.
  • Isaalang-alang ang paggamit ng humidifier o kumuha ng steamy shower upang ma-moisturize ang hangin.
  • Mahalagang palaging hydrated ka upang maiwasan ang impeksyon.
  • Magkaroon ng sapat na tulog upang masiguro na maayos ang iyong katawan habang ikaw ay nagpapahinga. Samakatuwid, siguraduhing matulog ng pito hanggang walong oras araw-araw.
  • Ang paghuhugas ng iyong mga kamay ay mahalagang hakbang para maiwasan ang hindi gumagaling na ubo at sipon. Maaaring manatili ang bakterya sa iyong mga kamay at mapunta sa loob ng iyong system kung kumain ka gamit ang parehong mga kamay o kung madalas mong hinahawakan ang iyong mukha.

Home Remedies para Malabanan ang Malala o Hindi Gumagaling na Ubo

Warm fluids

Kabilang dito ang mga maiinit na tsaa, infused herbal homemade waters, o room temperature water,  na maaaring makatulong sa pagpapagaan ng ubo.  Ang fluids ay nagpapaluwag ng uhog at lalabas sa iyong sistema. Nakakatulong din sa pag-alis ng talamak na ubo ang peppermint tea na may pulot. 

Pinya

Ang prutas na ito ay may enzyme, bromelain, na nakakatulong na mapaluwag ang uhog na nakabara sa iyong lalamunan at sa likod din ng iyong ilong. Makakatulong itong pigilan ang iyong ubo. Ang kailangan mo lang gawin ay kumain ng pinya nang tatlong beses sa isang araw o uminom ng room temperature na sariwang kinatas na pineapple juice. 

Steam

Ang umuusok na mainit na tubig ay tumutulong sa pagbara ng ilong para buksan ang daanan ng hangin, at bumababa sa namamagang lalamunan upang magbigay ng ginhawa. Maaari kang magdagdag ng essential oils tulad ng eucalyptus oil bago langhapin ang steam.

Probiotics

Halimbawa, ang yogurt o buttermilk ay may probiotics na gut-friendly at indirectly ay nagpapalakas ng iyong immunity upang labanan ang impeksyon o bacteria na nagdudulot ng sipon o ubo. Ang pagkonsumo ng mga ito araw-araw ay maaaring may mabuting kahihinatnan.

Key Takeaways

Siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor kung may hindi gumagaling na ubo kahit na matapos gawin ang home remedies na binanggit sa artikulong ito. Ang talamak na ubo sa loob ng ilang linggo ay maaaring nauugnay sa isang seryosong underlying health issue, at dapat ay hindi dapat balewalain.

Matuto pa tungkol sa pamamahala ng ubo at iba pang mga isyu sa paghinga dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

That Nagging Cough health.harvard.edu/staying-healthy/that-nagging-cough Accessed September 23, 2021

Chronic Cough www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-cough/diagnosis-treatment/drc-20351580/ Accessed September 23, 2021

When a cough just won’t go away health.harvard.edu/blog/when-a-cough-just-wont-go-away-2016110710597/Accessed September 23, 2021

Cough nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/lungs-and-airways/cough Accessed September 23, 2021

Chronic Cough: Diagnosis and Treatment my.clevelandclinic.org/health/diseases/15048-chronic-cough-overview Accessed September 23, 2021

Kasalukuyang Version

04/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Solusyon Sa Polusyon Sa Hangin Sa Loob Ng Bahay: Mga Dapat Iwasan

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement