backup og meta

Epekto ng dolomite sa kalusugan, alamin!

Epekto ng dolomite sa kalusugan, alamin!

Ano ang health hazards ng dolomite? Ang mga panganib sa kalusugan ay isang paksang malawakang pinag-uusapan. Partikular na ipinag-aalala ng mga tao ang mga posibleng epekto ng dolomite sa kalusugan. Ito ay lalo na sa epekto nito sa balat at baga.

Ang dolomite ay ginamit bilang artipisyal na buhangin para i-rehabilitate ang baybayin ng Manila bay. Ngunit marami ang nababahala na ito ay nagdudulot ng banta sa marine life gayundin sa kalusugan ng mga pumupunta dito. 

Bago natin pag-usapan ang ang epekto ng dolomite sa kalusugan, ano nga ba ang mineral na ito, at para saan ito ginagamit?

Ano ang dolomite?

Ang dolomite ay isang mineral na may kemikal na komposisyon ng CaMg(CO3)2, o Calcium Magnesium Carbonate. Karaniwan itong matatagpuan sa tabi ng mga deposito ng limestone, at karaniwan itong maputi-puti o mapusyaw na kayumanggi ang kulay.

Ito ay medyo pangkaraniwang mineral, at maraming quarry ang nagpoproseso ng dolomite dahil ito ay malawakang ginagamit na mineral.

Para saan ito ginagamit? 

Ang dolomite ay isa sa mga pinakakaraniwang pinagmumulan ng kongkreto. Ito rin ay isang napakahalagang mineral pagdating sa pagtatayo at home construction pati na rin sa paggawa ng kalsada. Ginagamit din ito pagdating sa paggawa ng magnesium.

Ito ay malawakang ginagamit din sa pagproseso ng metal, paggawa ng salamin, bricks, pati na rin ang ceramics.

Sa mga tahanan, ang dolomite ay ginagamit bilang pandekorasyon na bato. Ginagamit din ng mga gardener dolomite dust o buhangin para makatulong na mabawasan ang pH level ng lupa. Pwede din ito sa mga aquarium para i-adjust ang pH level ng tubig.

Ang isa pang gamit ng dolomite ay para sa pagpapakain ng mga hayop. Minsan ito ay idinaragdag para sa calcium at magnesium, pati na rin bilang filler para sa animal feed.

Ang mga dolomite boulder ay dinudurog din at ginagamit bilang pamalit sa buhangin. 

Ang kapansin-pansin, nakita rin ang gamit ng dolomite bilang health supplement. Dahil naglalaman ito ng calcium at magnesium, pinaniniwalaan na makakatulong ito sa mga taong may mababang calcium at mga problema sa buto.  

Gayunpaman, karamihan sa mga doktor ay nagpapayo laban sa pag-inom ng dolomite tablets. Dahil kung minsan maaari silang maglaman ng lead at iba pang toxic minerals. 

Ano ang mga panganib sa kalusugan ng dolomite? 

Ang dolomite ay karaniwang kilala na ligtas at hindi nakakalason. Nangangahulugan ito na ang paghawak, o kahit na paglanghap ng dolomite ay nagdudulot ng kaunting banta sa kalusugan.

Ito ay tinatawag na nuisance dust. Ibig sabihin, bagaman pwede itong magdulot ng discomfort sa baga ng tao, bahagyang pinsala ang maari nitong gawin. Sa kabaligtaran, ang iba pang mga mineral tulad ng silica ay maaaring magkaroon ng higit na nakakapinsalang epekto sa baga ng isang tao kapag ang alikabok ay nalanghap.

Kaya naman ito ang dahilan kung bakit ang N95 masks at PPE ay kailangan sa mga construction site. Kasama rin ang mga industriya na humahawak at nagpoproseso ng mga mineral na pwedeng magdulot ng alikabok.  

Sa Pilipinas, partikular na ang dolomite dust ay itinuturing na ligtas ng Department of Health. Ito ay dahil sa katunayan na ang  mga particle ay masyadong malaki para malanghap, kaya hindi makakairita sa mga baga. 

Gayunpaman, ang ilang mga pag-aaral ay nag-claim ng kabaligtaran. At sa kabila ng pagiging ligtas, napakakaunting impormasyon ang nakita sa mga pangmatagalang epekto ng dolomite.

Ano ang sinasabi ng ibang pag-aaral? 

Pagdating sa risk at potential dolomite health hazards, ano ang nakumpirma ng agham sa epekto ng dolomite sa kalusugan? Nakatuon ang isang pag-aaral sa 39 na respondent na bahagi ng isang pangkat na naghuhukay at naghuhukay ng dam. Sinubukan sila kasama ng 40 iba pang team members na hindi na-expose sa dolomite o dolomite dust. 

Ininterview sila at binigyan ng questionnaire para malaman kung ano ang maaaring maging epekto ng dolomite exposure. Kasunod nito, sumailalim sila sa chest X-ray, pati na rin ang mga test para ma-check ang itsura, lagay at function ng kanilang baga. 

Nalaman ng mga researchers na 50% ng alikabok na naexpose sa mga workers ay binubuo ng dolomite dust. At karaniwan sa mga workers na na-expose sa dolomite ang mga sintomas ng wheezing, ubo, at pag dami ng plema.

Ang ratio ng FEV1/FVC sa mga na-expose, isa sa mga parameter na sinusukat para sa mga pagsusuri sa function ng baga, ay ibang-iba rin kumpara sa mga hindi na-expose. Gayunpaman, walang nakitang mga problema noong sinuri ang mga resulta ng X-ray. 

Ipinapahiwatig ng mga resulta na habang ang dolomite ay hindi nagdulot ng anumang malalang pinsala, May ilang patunay na ito gaanong non-toxic. Posible na ang pagkaka-expose sa maraming dolomite dust ay maaaring maging sanhi ng long-term na mga problema sa baga

Bilang karagdagan, ang ilang mga safety sheet mula sa building material companies ay nagpapayo ng mga pag-iingat kapag humahawak ng dolomite. 

Inirerekomenda nila na iwasan ng mga manggagawa ang direktang paglanghap ng dolomite dust. Ang isa pang rekomendasyon sa kaligtasan ay ang paghuhugas ng anumang na-expose na balat pagkatapos humawak ng dolomite dust.   

Pero para sa dolomite sand, karaniwang sinasabi ng mga safety sheets na ito na non-toxic at hindi dapat magdulot ng pinsala kapag hinawakan o nalanghap. 

Epekto ng dolomite sa kalusugan at mga paalala sa kaligtasan

Kahit na ang dolomite ay nakakapinsala o hindi, magandang ideya pa rin na gawin ang safety precautions. Partikular na ang pagkakalantad sa dolomite dust ay maaaring isang posibleng alalahanin. Kaya mahalagang sundin ang safety reminders na ito:

  • Kapag nagtatrabaho sa isang lugar na gumagamit ng dolomite dust o buhangin, magandang ideya na magsuot ng N95 mask upang maiwasan ang paglanghap nito.
  • Magandang ideya rin ang pagsusuot ng long-sleeved shirts para maiwasan ang posibleng pangangati ng balat.
  • Hangga’t maaari, subukang iwasan ang maalikabok na lugar. Partikular ang mga taong may lung problems, dapat iwasan ang dolomite dust o buhangin.
  • Ang paggamit ng mga vacuum kapag naglilinis ng dolomite sand o dust ay makakatulong din na maiwasan ang paglanghap ng maliliit na particle.
  • Dapat ding gawin ang wastong storage at transformation ng dolomite dust at sand.  

Sa pagsunod sa mga tip na ito, makakatulong sa mga tao na matiyak na mananatiling malusog ang kanilang mga baga. At walang anumang nakakapinsalang particle.   

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

University of Minnesota’s Mineral Pages: Dolomite, https://www.esci.umn.edu/courses/1001/minerals/dolomite.shtml, Accessed September 10, 2020

Respiratory disorders associated with heavy inhalation exposure to dolomite dust, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3482327/, Accessed September 10, 2020

SAFETY DATA SHEET, https://www.lhoist.com/sites/lhoist/files/lna_sds_dolomite_2018.pdf, Accessed September 10, 2020

Safety Data Sheet, https://qldorganics.com.au/wp-content/uploads/2017/06/SDS-Dolomite-2017.pdf, Accessed September 10, 2020

Safety Data Sheet, https://www.ravensdown.co.nz/media/4414/dolomite-sds.pdf, Accessed September 10, 2020

What are the Effects of Dust on the Lungs? : OSH Answers, https://www.ccohs.ca/oshanswers/chemicals/lungs_dust.html., Accessed September 10, 2020

Choosing a calcium supplement – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/nutrition/choosing-a-calcium-supplement, Accessed September 10, 2020

Safety Data Sheet Dolomite, https://www.lehighhanson.com/docs/default-source/safety-data-sheets/sds-dolomite.pdf?sfvrsn=66124d22_4, Accessed September 10, 2020

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement