backup og meta

Ano Ang Circadian Rhythm, At Ano Ang Papel Nito Sa Pagtulog?

Ano Ang Circadian Rhythm, At Ano Ang Papel Nito Sa Pagtulog?

Ang pagpapanatili ng isang malusog na cycle ng pagtulog ay mahalaga para sa isang katawan na gumana ng maayos. Ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa shift na dapat sana ay oras ng tulog ay maaaring makapansin ng mga pagbabago sa kanilang katawan, lalo na sa kalusugan ng kanilang puso. Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa circadian rhythm. Paano nga ba ito nakaaapekto sa kalusugan ng iyong puso?

Ano Ang Circadian Rhythm?

Ang circadian rhythm ay ang pisikal, mental at behavioral na mga pagbabago na nangyayari sa isang 24 oras na cycle. Ito ay isang natural na proseso na nararanasan ng mga buhay na nilalang. Ang prosesong ito ay karaniwang tumutugon o nakabatay sa araw at gabi.

Karamihan sa circadian rhythm ng mga tao ay sumusunod sa isang araw at gabi na iskedyul. Gayunpaman, posible para sa iba’t ibang mga tao na magkaroon ng iba’t ibang mga pattern. Kadalasan, mayroong mga kung tawagin natin ay early bird o yung mga maaagang gumising. Pero meron din namang mga kuwago sa gabi. Mayroon sila ng sari-sariling oras ng cycle kung saan sila ay nakararanas ng peak sa enerhiya at pagkapagod.

Ano Ang Circadian Misalignment?

Maaaring ilarawan ng circadian misalignment ang maraming sitwasyon kung saan taliwas ang circadian rhythm ng isang tao sa nararapat at nakagawian na ng katawan. Tulad na lamang ng pagtulog at paggising sa ibang oras kaysa karaniwan mong ginagawa. Karaniwan itong nangyayari kapag biglang nagbago ang regular na iskedyul ng pagtulog.

Circadian Rhythm: Nakaaapekto Ba Ang Pagtulog Sa Kalusugan ng Puso?

Oo, ang pagtulog ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng puso. Ang kakulangan sa tulog at pagpilit sa iyong sarili na matulog sa mga oras na wala sa iyong normal na iskedyul ay maaaring makasama sa iyong katawan. Halimbawa, ang sakit sa puso at mataas na presyon ng dugo ay maiuugnay sa hindi maayos na pagtulog.

Paano Nagbabago Ang Kalusugan Ng Puso Dahil Sa Shift ng Mga Manggagawa?

Napag-alaman sa isang pag-aaral kung paano naaapektuhan ang puso kapag ang mga tao ay lumihis sa kanilang natural na mga orasan ng katawan. Nakita na mas tumataas ang risk ng mga taong puyat na magkaroon ng sakit sa puso. Ang taas ng risk ay nakabatay sa pagkakaiba ng oras ng kanyang bagong iskedyul ng tulog, sa nakasanayan na ng kanyang katawan.

Sinabi rin ng pag-aaral na humigit-kumulang 20% ​​ng mga empleyado mula sa Europa ay nagtrabaho sa oras na dapat sila ay nagpapahinga. Ang pagdami ng mga empleyado na nagtatrabaho sa iba’t ibang oras ay idinagdag sa siyentipikong katibayan na ang mga nalihis na iskedyul ng pagtulog ay nakaapekto sa kalusugan ng puso.

Maaaring hindi lamang ito dahil sa pagtulog. Ang ibang mga factors tulad ng hindi malusog na pag-uugali ay maaaring makadagdag sa panganib ng sakit sa puso. Gayunpaman, ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa circadian misalignment.

Circadian Rhythm: Larks At Owls

Ayon sa pag-aaral, lahat ay may biological clock o orasan na sinusunod ng iyong katawan. At sila ay inilalagay sa dalawang kategorya. Ang una ay isang “lark,” isang taong pang-umaga na may lakas sa araw at napapagod sa gabi. At ang pangalawang uri ay mga “kuwago,” na kabaligtaran ng isang lark. Sila ay may mas maraming enerhiya sa gabi at mas nakatutulog sa umaga na. Pero posible rin para sa isang tao na mahulog sa pagitan ng mga uri na iyon.

Nangyayari ang circadian misalignment kapag hindi nasusunod ng katawan ang regular na iskedyul ng pagtulog nito. Sabihin nating karaniwan kang natutulog sa 10-11pm at gumising ng 6-7am. Magkakaroon ng circadian misalignment kung mapipilitan kang magtrabaho hanggang 12mn o ‘di kaya ay hanggang 2am.

Upang maisagawa ang pag-aaral, kumuha sila ng 301 empleyado na mula sa Portugal. Ang lahat ng mga empleyado ay nagtrabaho sa mga bodega ng isang retail na kumpanya.

Magtatrabaho ang mga staff ng tatlong magkakaibang shift, mula 6am-3pm, 3pm-12am, at 9pm-6am. Ang mga kalahok ay sinuri rin para sa edad, edukasyon, seniority sa trabaho, pamumuhay, atbp. Bukod pa rito, nasusukat ng mga kalahok ang kanilang kolesterol at presyon ng dugo.

Ginamit din ang isang questionnaire (Munich ChronoType) sa pag-aaral upang tantiyahin ang biological clock at tagal ng pagtulog ng mga kalahok. Ginamit din ang questionnaire upang makita kung gaano kalaki ang oras ng trabaho ng isang tao na hindi tumugma sa kanilang natural na biological clock.

Ang mga kalahok ay hinati sa mga grupo ayon sa kanilang social jetlag hours. Ang mga grupo ay ang mga sumusunod:

  • 2 oras o mas maikli
  • 2-4 na oras
  • 4 na oras o mas matagal pa

Circadian Rhythm: Mga Epekto ng Circadian Misalignment

Gumamit din ang mga mananaliksik ng isang SCORE chart upang makagawa ng isang mas mahusay na konklusyon tungkol sa link sa pagitan ng circadian rhythm at kalusugan ng puso. Ang SCORE chart ay tumutulong sa mga mananaliksik na isama ang kolesterol, presyon ng dugo, at paninigarilyo kapag kinakalkula ang panganib ng isang tao para sa sakit sa puso.

Ang relatibong panganib ay mula 1 hanggang 12, na may 1 bilang pinakamababang panganib at 12 bilang pinakamataas. Itinuring ng pag-aaral na ang mga taong may kamag-anak na may score na 3 at mas mataas ay malaki ang tyansang magkaroon ng sakit sa puso.

Ang average na edad ng mga kalahok ay 33 taong gulang, at mahigit kalahati sa kanila ay mga lalaki. 51% ng mga empleyado ay naninigarilyo. 10% ay may mataas na presyon ng dugo. At 49% ay may mataas na antas ng kolesterol.

Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang 20% ​​ng mga empleyado ay mataas ang risk magkaroon ng sakit sa puso. Humigit-kumulang 40% sa kanila ay natulog nang 6 na oras o mas kaunti.

Ang average na circadian misalignment ay natukoy bilang mga sumusunod:

  • 59% ng mga kalahok – misalignment ng kulang o eksaktong 2 oras
  • 33% ng mga kalahok – misalignment mula 2 hanggang 4 na oras
  • 8% ng mga kalahok – misalignment ng 4 na oras o higit pa

Mas Mataas na Panganib ng Sakit Sa Puso

Natuklasan ng pag-aaral na ang mga empleyado na may mas malalaking circadian misalignment ay may mas mataas na risk magkaroon ng sakit sa puso.

Sa bawat oras na ang tulog ay hindi tugma sa biological clock ng katawan, mas tumataas ang risk magkaroon ng sakit sa puso. Ang panganib na ito nanatiling pareho kahit na inayos ng mga mananaliksik ang pagtatantya batay sa BMI, pamumuhay, mga gawi sa trabaho, atbp.

[embed-health-tool-bmi]

Samakatuwid, ang konklusyon ng mga mananaliksik na ang mga empleyado na may hindi tipikal na iskedyul ng trabaho ay kailangang subaybayan para sa kalusugan ng kanilang puso. Gayunpaman, kailangan pa pag-ukulan ng mas masusing pag-aaral ang nasabing issue sa kalusugan.

Key Takeaways

Sa pangkalahatan, napatunayang mayro’ng link ang circadian rhythm at kalusugan ng puso. Kahit na ang ibang mga factors ay isinasaalang-alang, ang risk magkaroon ng sakit sa puso ay nananatiling pareho.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Cardiovascular dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Circadian Rhythms, https://www.nigms.nih.gov/education/fact-sheets/Pages/circadian-rhythms.aspx, Accessed 15 June, 2021

In Early Birds Versus Night Owls, It’s Best to Get Some Sleep, https://www.altamed.org/articles/early-birds-versus-night-owls-its-best-get-some-sleep, Accessed 15 June, 2021

Circadian misalignment and health, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24892891/, Accessed 15 June, 2021

How Does Sleep Affect Your Heart Health? https://www.cdc.gov/bloodpressure/sleep.htm#:~:text=Insomnia%20is%20linked%20to%20high,active%2C%20and%20unhealthy%20food%20choices, Accessed 15 June, 2021

Heart health of shift workers linked to body clock, https://www.sciencedaily.com/releases/2021/04/210416091053.htm, Accessed 15 June, 2021

Kasalukuyang Version

11/28/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Para Saan Ang Melatonin, At Safe Ba Ito Inumin?

Pagkaing Pampatulog: Heto ang mga Panlaban sa Insomnia


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement