backup og meta

Paano Bumaba ang Cholesterol? Alamin Dito ang Natural at Medical na Pamamaraan

Paano Bumaba ang Cholesterol? Alamin Dito ang Natural at Medical na Pamamaraan

Paano bumaba ang cholesterol? Ano ang tamang gamot sa cholesterol? Narito ang ilang pagpipilian na makikita sa Pilipinas kung sakaling na-diagnose ng may mataas na cholesterol. Ilan sa mga treatment na ito ang epektibo para makaiwas sa mataas na cholesterol. Para sa pagpapabuti naman ng good cholesterol level ang iba. Tandaan na general guide lamang ang mga sumusunod na impormasyon, at hindi pamalit sa propesyonal na medical advice.

Paano bumaba ang cholesterol: Natural na gamot sa cholesterol

Bitter melon (ampalaya)

paano bumaba ang cholesterol

Ang ampalaya ang isa sa mga pagkaing kinaiinisan o kinasusuklaman ng mga tao. Bagaman napakapait ng lasa nito, hindi maikakaila na marami itong benepisyo sa kalusugan.

Ang buong halaman – kabilang ang prutas, buto, at dahon – ang ginagamit sa pagluluto, tsaa, at supplement. Bukod sa pagpapababa ng mataas na cholesterol, nakita rin na kayang makatulong ng ampalaya na makontrol ang blood sugar.

Garlic (bawang)

Walang pagkaing Pilipino ang makokompleto kung walang kaunting bawang at mantika. Bagaman dapat natin iwasan ang sobrang mantika, ngunit mas maraming bawang ang mayroon, mas mabuti.

Hindi lang nakadaragdag sa lasa ang bawang, mabuti din ito sa puso. Naglalaman ang bawang ng compound na allicin kung saan mayroon itong lipid-lowering, antimicrobial, anti-inflammatory, at maging anti-cancer properties.

Mabuti ang all-in-one na damo na ito para sa mga taong may hypertension, atherosclerosis, at mataas na cholesterol. Gayunpaman, maaaring magdala ng masamang hininga at mas mataas na panganib sa pagdurugo ang pagkain ng maraming bawang. Kaya palaging kumain o uminom lang ng supplement nito sa katamtaman.

Ginger (luya)

paano bumaba ang cholesterol

Isa pa ang luya sa mga palaging ginagamit sa kusinang Pilipino. Nakakadagdag sa lasa at pampasariwa ng mga pagkain ang luya, mabuti rin itong panlaban sa lagnat kapag iniinom bilang tsaa.

Matagal na ginagamit panggamot ang salabat ginger tea. Mayroon itong mga benepisyong antimicrobial, anti-inflammatory, at anti-cancer. Bukod pa rito, makatutulong ito sa pagpapabuti ng tiyan, pagduduwal, at mga problema sa regla.

Green tea

Puno ng malakas na antioxidants ang green tea na nakapagpapabagal ng pagtanda at cellular damage. Gusto uminom ng mga tao ng tsaa dahil sa lasa nito at sa maraming benepisyong dala nito sa kalusugan. May data na nagpapakita ng active ingredients ng green tea na nakatutulong sa pagpapababa ng cholesterol, pagpapalakas ng metabolism, at pagbabawas ng timbang.

Dagdag pa rito, mayroon din itong zero calories kaya napakasustansya nitong pamalit sa mga matatamis na juice at softdrinks.

Red yeast rice (angkak)

Orihinal na ginagamit ito sa China bilang pangkulay ng pagkain. Kapaki-pakibanang ang benepisyo nito sa kalusugan bilang sangkap sa tradisyunal na Chinese medicine. Nanggaling ang angkak sa binurong kanin na may pulang pampaalsa.

Sa Pilipinas, ginagamit ito sa pag-iimbak ng pagkain. Ang nakatutuwa sa angkak, mayroon itong active ingredient tulad ng lovastatin (isang de-resetang gamot na nagpapababa ng cholesterol). Mas epektibo ito sa pagpapababa ng cholesterol level kumpara sa iba pang natural remedy.

Gayunpaman, ipinagbawal sa ilang lugar ang mga produkto ng red yeast rice dahil sa dami ng lason nito na tinatawag na citrinin. Maaaring makasira sa mga bato, atay, at iba pang organ ng katawan ang citrinin.

Paano bumaba ang cholesterol: Mga conventional treatment na pagpipilian

Mga OTC na gamot

Fish oil capsule

Naglalaman ng omega-3 fatty acids ang fish oil. Bagaman mababasa ang salitang “fat,” ginagamit ng ating cells ang essential fat na omega-3.

Mahalaga ang healthy fat sa ating balat, utak, at sa kalusugan ng ating puso. Nakatutulong ang omega-3 na matatagpuan sa mga lutong isda o mga supplement sa pagpapababa ng triglycerides at bad cholesterol. Maaaring irekomenda ito ng iyong doktor kung higit sa 200 mg/dL ang iyong triglyceride.

Fenugreek supplement

Isa pang kilalang supplement ang fenugreek. Isang uri ng damo ang fenugreek na may kaugnayan sa soy. Sa kabila ng maliit na laki nito, naglalaman ng maraming sustansya, fiber, at active ingredients ang mga buto nito. Tumutulong ang fenugreek seeds at supplement na mapababa ang cholesterol, makontrol ang blood sugar, at maaari pa nitong mapabuti ang breast milk production.

Paano bumaba ang cholesterol: Mga nireresetang gamot (gamot sa cholesterol)

Statin

Kapag na-diagnose ng doktor na may mataas na cholesterol, statin ang kadalasang unang gamot na binibigay kasama ng low-fat diet. Tumutulong ang statin sa pamamagitan ng pagharang sa enzyme na HMG-CoA reductase, na responsable sa pag-synthesize ng cholesterol sa ating katawan.

Napaka-epektibo ng statin bilang nagpapababa ng cholesterol level. Gayunpaman, maaaring may ilang side effect ito tulad ng pananakit ng muscle, panghihina, at posibleng pagtaas ng blood sugar at pagkasira ng atay.

Narito ang ilan sa mga statin na maaaring mabili:

  • Atorvastatin
  • Lovastatin
  • Rosuvastatin
  • Simvastatin

Fibrates

Tumutulong ang fibrates sa pag-alis ng sobrang triglycerides at low-density lipoprotein (LDL), na tinatawag ding “bad cholesterol”. Maaari din nitong mapaganda ang HDL o good cholesterol. Kadalasan itong ginagamit sa mga may matataas triglyceride level, mayroon man o walang statin. Kabilang sa mga halimbawa ng fibrates ang fenofibrate at gemfibrozil.

Niacin

Kilala rin ang niacin (vitamin B3) bilang nicotinic acid. Habang matatagpuan ang niacin sa pagkain at mga supplement, mayroong mabibiling prescription-strength na niacin. Gayunpaman nagpapababa ng triglycerides ang niacin, hindi ito maaaring gamitin nang mag-isa lamang.

Key takeaways

Bilang pangkalahatan, maraming gamot sa pagpapababa ng cholesterol (gamot sa cholesterol). Bago maging problema ang cholesterol, pinakamabuting bantayan ang iyong mga kinakain at regular na mag-ehersisyo.

Maaga pa lang, subukang magdagdag ng maraming pagkain katulad ng ampalaya, bawang, at green tea sa iyong diet. Kinakailangan ang diet at ehersisyo dahil hindi sapat ang gamot upang maiayos ang mataas na cholesterol at triglyceride levels.

Matuto pa tungkol sa pagbabantay ng iyong cholesterol at pagpapanatili ng kalusugan ng iyong puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cholesterol Medications https://www.heart.org/en/health-topics/cholesterol Accessed April 5, 2021

Red yeast rice (Angkak) may lower cholesterol https://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/14-r-d-updates/3185-red-yeast-rice-angkak-may-lower-cholesterol Accessed April 5, 2021

Health Effects of Garlic https://www.aafp.org/afp/2005/0701/p103.html Accessed April 5, 2021

Fenugreek https://www.nccih.nih.gov/health/fenugreek Accessed April 5, 2021

Hypertriglyceridemia Management According to the 2018 AHA/ACC Guideline https://www.acc.org/latest-in-cardiology/articles/2019/01/11/07/39 Accessed April 5, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Na Walang Cholesterol, Mas Masustansya Nga Ba?

Epekto ng Mataas na Kolesterol sa Katawan


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement