backup og meta

Tamang Blood Pressure Sa May Edad, Ano Nga Ba?

Tamang Blood Pressure Sa May Edad, Ano Nga Ba?

Kapag kasama mo ang iyong lola o lolo sa iisang bahay, malamang hindi na bago sa iyo ang makita ang araw-araw na pagtigin ng kanyang vital signs. Kabilang dito ang kanyang temperatura, pulse rate, respiration, at blood pressure. Iba iba ang mga numero na nagiging resulta mula sa mga ito. Kung kaya, madalas din naitatanong kung ano nga ba ang tamang blood pressure sa may edad. Ang artikulong ito ay makatutulong upang maunawaan mo kung ano ang tama at wasto para sa kanila. 

Pag-unawa sa Tamang Blood Pressure Sa May Edad

Bago matukoy kung ano ang tamang blood pressure sa may edad, nararapat na maunawaan muna natin kung ano ang blood pressure at kung paano ito nangyayari. 

Ang blood pressure ay tumutukoy sa presyon ng dugo na tumutulak laban sa mga artery walls. Ang mga artery ang siyang responsable sa pagdadala ng dugo mula sa iyong puso patungo sa iba pang bahagi ng katawan. 

Ito ay nasusukat gamit ang dalawang numero:

  • Systolic blood pressure. Ito ay tumutukoy sa unang numero na kadalasan mong naririnig kapag nagpapakuha ng blood pressure. Sinusukat nito ang pinakamataas na antas na naabot ng iyong blood pressure kapag tumitibok ang iyong puso.
  • Diastolic blood pressure. Ang pangalawang numero matapos mabanggit ang iyong systolic measure. Ito ay tumutukoy sa pinakamababang antas na naabot ng iyong blood pressure habang ang iyong puso ay nagpapahinga sa pagitan ng bawat pagtibok.

Nasusukat ang blood pressure ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng millimeters of mercury (mmHg) bilang yunit. Kung ang unang numero ay 120 at ang pangalawang numero ay 80, ito ay isusulat bilang 120/80mmHg, at bibigkasin itong ‘120 over 80.’

Nakatutulong ang blood pressure reading upang magkaroon ng ideya kung ang isang tao ay maaaring nanganganib sa iba’t ibang mga cardiovascular disease, lalo sa mga taong lampas 50 na ang edad. 

Kadalasan, ang systolic blood pressure ay patuloy na tumataas habang nagkakaedad. Ito ay buhat ng mga sumusunod:

  • Paninigas ng malalaking arteries
  • Long-term buildup ng plaque
  • Pagtaas ng panganib ng mga cardiovascular disease

Maaaring gamitin ang alinman sa mataas na systolic o mataas na diastolic blood pressure reading upang makagawa ng akmang diagnosis sa tamang blood pressure sa may edad. 

Mga Kategorya ng Blood Pressure

Kinikilala ng American Heart Association ang sumusnod na hanay ng blood pressure:

Normal

Ang blood pressure reading na mas mababa sa 120/80 mmHg ay kinokonsidera na nasa normal range. Kung ang iyong resulta ay nabibilang sa kategoryang ito, panatilihin ang heart-healthy habits tulad ng pagsunod sa isang balanseng diyeta at regular na pageehersisyo.

Elevated

Ang elevated blood pressure naman na reading ay tumutukoy sa patuloy na pag-abot sa 120-129 mmHg systolic at mas mababa sa 80 mmHg na diastolic. Ang mga taong mayroong ganitong resulta ay maaaring magkaroon ng altapresyon kung hindi agad makokontrol ang kondisyon. 

Hypertension Stage 1

Ito naman ay natutukoy kapag ang blood pressure ay patuloy na umaabot mula 130-139 systolic o 80-89 mmHg diastolic. Sa yugtong ito ng mataas na blood pressure, magrereseta na ang doktor ng mga lifestyle change at mga gamot. Ang mga naturang treatment ay nakabatay sa iyong panganib ng atherosclerotic cardiovascular disease, gaya ng atake sa puso o stroke.

Hypertension Stage 2

Kapag ang blood pressure naman ay umaabot na sa 140/90 mmHg o higit pa, ito ay tinatawag ng hypertension stage 2. Sa yugtong ito ng mataas ang blood pressure.

Hypertensive Crisis

Ang yugtong ito ng mataas na blood pressure ay nangangailangan ng medikal na atensyon. Kung biglang lumampas sa 180/120 mmHg ang iyong blood pressure reading, maghintay ng limang minuto bago suriin ito muli. Kung ito ay hindi pangkaraniwang mataas, makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor. Maaaring nakakaranas ka ng hypertensive crisis.

Karaniwan ang high blood pressure o hypertension sa mga matatanda. Kung kaya, nararapat na malaman kung ano ang tamang blood pressure sa may edad upang maiwasan ang paglubha ng kondisyon. 

Ano ang Tamang Blood Pressure Sa May Edad?

Inirerekomenda ng 2017 American College of Cardiology at American Heart Association na panatilihin ng mga may edad 65 pataas ang kanilang systolic blood pressure na mas mababa sa 130 mmHg. Ngunit, ang mga taong 80 taong gulang o mas matanda ay madalas ding magkaroon ng:

  • Maraming malulubhang kondisyon
  • Pagiging mahina
  • Pag-inom ng ilang mga gamot
  • Mga problema sa kognisyon

Dahil dito, hindi pa rin malinaw kung ang mga panganib at benepisyo ng pagpapababa ng systolic blood pressure na mas mababa sa 130 mmHg ay pareho para sa mga taong may edad na 80 taong gulang pataas at para sa mga taong may edad na 65 hanggang 80.

Ayon namn sa kamakailang mga pag-aaral, ang panganib ng kamatayan mula sa ischemic heart disease at stroke ay doble sa bawat 20 mmHg systolic o 10 mmHg diastolic na pagtaas sa mga taong mula 40 hanggang 89.

Key Takeaways

Lahat ng tao ay patuloy ang pagtanda, kung kaya dapat nating bantayan at alagaan ang ating kalusuga.Maaring mapanatili ang tamang blood pressure sa may edad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang mga lifestyle changes at pag-inom ng angkop na gamot. Ang treatment, lalo na kung mayroon kang iba pang mga medikal na kondisyon tulad ng diabetes, ay nangangailangan ng patuloy na pagsusuri at mga talakayan sa iyong doktor.

Alamin ang iba pa tungkol sa Altapresyon dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hypertension: What You Need to Know as You Age, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/high-blood-pressure-hypertension/hypertension-what-you-need-to-know-as-you-age Accessed June 10, 2022

High Blood Pressure and Older Adults, https://www.nia.nih.gov/health/high-blood-pressure-and-older-adults Accessed June 10, 2022

High Blood Pressure Symptoms and Causes, https://www.cdc.gov/bloodpressure/about.htm Accessed June 10, 2022

What do the numbers mean?, https://www.bloodpressureuk.org/your-blood-pressure/understanding-your-blood-pressure/what-do-the-numbers-mean/ Accessed June 10, 2022

Blood Pressure Control For People Aged 80 And Older: What’s The Right Target?, https://www.healthinaging.org/blog/blood-pressure-control-for-people-aged-80-and-older-whats-the-right-target/ Accessed June 10, 2022

Understanding Blood Pressure Readings, https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/understanding-blood-pressure-readings Accessed June 10, 2022

Kasalukuyang Version

06/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement