Ang diuretics o water pills ay mga gamot para sa pag-aalis ng tubig at sodium (asin) sa pamamagitan ng pagtaas ng produksyon ng ihi. Maraming taong hypertensive ang umiinom ng diuretics dahil nakakatulong ito sa pagpapababa ng blood pressure. Kung kailangan mo ng impormasyon kung ano ang water pills, makakatulong ang guide na ito sa iyo.
Mga Uri ng Diuretics at Paano Sila Gumagana
Ang unang bagay na kailangan mong maintindihan sa mga water pills ay ang kanilang pagkilos o kung paano sila nakakatulong na mapababa ang presyon ng dugo mo.
Nakadepende sa uri ng diuretics ang paggana nito. Pipili ang doctor mo ng pinakamahusay na diuretic para sa iyo. Ito ay depende sa kondisyon at kalusugan mo.
Thiazide
Thiazide water pills ay gumagana sa pamamagitan ng pagbabawas ng sodium reabsorption sa kidney, kaya tumataas ang sodium sa ihi. Tandaan na ang tubig mula sa dugo ay “sumusunod” sa sodium. Kaya parehong nawawala ang sodium at tubig sa pag-ihi.
Sa pagbaba ng dami ng fluid na dumadaloy sa blood vessels, magiging mas madali sa iyong puso na mag-pump. Makakatulong ito na mabawasan ang presyon ng dugo. And Thiazide ay nagpapababa din ng presyon sa pamamagitan ng “pagpapalawak” ng blood vessels. Ano ang water pills na magagamit?
Mga halimbawa: Chlorothiazide, Hydrochlorothiazide, Metolazone
Loop
Ang mga loop diuretics ay kumikilos sa bahagi ng mga bato na tinatawag na “Loop of Henle.”
Ang kanilang paggana ay katulad ng Thiazide water pill. Kaya lang ang pangunahing pagkakaiba ay ang loop diuretics ay hindi nagpapalawak ng blood vessels.
Mga Halimbawa: Furosemide, Bumetanide, Torsemide
Potassium-Sparing
Sa proseso ng pag-aalis ng tubig at asin, ang Loop at Thiazide diuretics ay nagiging sanhi din ng pagkawala ng potassium sa katawan.
Ang potassium-sparing water pills ay hindi nag-aalis ng potassium. Madalas itong inireseta ng mga doktor sa mga pasyenteng madaling kapitan ng hypokalemia (mababang antas ng potassium). Ano ang water pills na mga ito?
Mga Halimbawa: Amiloride, Spironolactone, Eplerenone
Mga Inaasahang Epekto ng Paggamit ng Diuretics
Bukod sa pagpapababa ng presyon ng dugo, makakatulong din ang mga water pills na:
- Mapabuti ang paghinga
- Bawasan ang bloating o pamamaga
- Pahabain ang buhay pagkatapos ng heart failure
- Bawasan ang oras na ginugugol ng mga pasyente sa ospital
Guidelines sa Pag-inom ng Water Pills
Kung may hypertension, huwag magtaka kung magreseta agad sa iyo ang doctor mo ng diuretics.
Ang diuretics ay inirerekomenda na isa sa mga unang drug treatments para sa hypertension. Sa katunayan, ang isang pag-aaral ay nagrerekomenda ng mga water pills na maging “drug of choice” para sa stage 1 hypertension. Alamin kung paano ang water pills iniinom.
Narito ang ilang mga alituntunin kapag umiinom ng diuretics:
1. Uminom ng mga water pills ng hindi bababa sa 6 na oras bago ang oras ng pagtulog.
Mahigpit na sundin ang mga payo ng iyong doktor sa pag-inom ng diuretics.
Kadalasan, hihilingin sa iyo na inumin ang gamot ng hindi bababa sa 6 na oras bago ang pagtulog. Makakabawas ito ng istorbo sa pagtulog dahil sa pag-ihi sa gabi.
2. Huwag dagdagan ang intake ng asin.
Kapag naintindihan mo na ang water pills ay nag-aalis ng asin sa katawan, pwede kang matukso na dagdagan ang intake ng sodium. Pero huwag gawin ito.
Tandaan na pinapayuhan ng mga doctor ang mga taong may problema sa puso na limitahan ang kanilang pagkonsumo ng asin. Dahil dito, mas mabuting gumamit ng iba pang herbs at spices sa halip na asin. Gayundin, huwag kalimutang basahin ang mga label ng pagkain dahil maraming mga naprosesong pagkain ang naglalaman ng mataas na level ng asin.
3. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa fluid intake mo.
Bagama’t ang water pills ay nagdudulot ng mas madalas na pag-ihi mo, hindi mo dapat isipin kaagad na dagdagan ang fluid intake mo.
Gayundin, huwag limitahan ang fluid intake para maiwasan ang madalas na pag-ihi.
Ang pinakamahusay ay kausapin ang iyong doctor tungkol sa dami ng fluid intake na kailangan mo araw-araw.
4. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa potassium level mo.
Ang Thiazide at Loop diuretics ay nagdudulot ng pagkawala ng potassium, isang mahalagang mineral para sa muscle at nerve health. Dahil dito, maaaring hilingin sa iyo ng iyong doktor na kumain ng mas maraming pagkaing mayaman sa potassium.
Ang potassium-sparing diuretics ay nagpapanatili ng potassium. Dahil ang sobrang potassium levels ay pwedeng makaapekto ng masama sa heart rhythm, maaaring payuhan ka ng doctor na pigilin ang paggamit ng salt substitutes. Ito ay dahil kadalasan sila ay mataas sa potassium.
5. Pansinin ang mga side-effects.
Ang diuretics at kung ano ang water pills ay maaaring magresulta sa pananakit ng ulo, dehydration, at pagkahilo. Maaaring humantong din ang mga ito sa muscle cramp, erectile dysfunction, at joint disorder.
Kung nakakaranas ng ganitong mga side effect, lalo na kapag nakakasagabal na ang mga ito sa iyong pang-araw-araw na gawain, huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor.
[embed-health-tool-bmi]