backup og meta

Altapresyon: Mga Maling Paniniwala na Dapat nang Baguhin

Altapresyon: Mga Maling Paniniwala na Dapat nang Baguhin

Ang altapresyon o high blood pressure ay nangyayari kapag ang puwersa ng dugo sa blood vessels ay humihigit pa sa normal. Kung ang mataas na blood pressure ay magpatuloy, posible itong magkaroon ng masamang epekto sa katawan. Posible rin na maging sanhi ng high blood ang plaque na naiipon sa mga blood vessels. Ang plaque ay bumabara sa daloy ng dugo, at ito ang nagpapataas ng blood pressure. Bukod sa mahahalagang kaalaman na ito, mahalaga rin na malaman ang mga maling paniniwala sa altapresyon.

Maling Paniniwala sa Altapresyon

Ating alamin kung anu-ano ang mga maling paniniwala tungkol sa high blood pressure.

Myth: Matanda lang ang nagkakaron ng high blood.

Fact: Hindi totoo na matanda lang ang nagkakaroon ng high blood, bagkus lahat ay posibleng magkaroon nito. Ang mga bata o kaya teenager na hindi malusog ang pangangataway ay maaaring magkaroon ng high blood.

Myth: Sakit ng lalake ang high blood, kaya hindi gaanong apektado ang mga babae.

Fact: Maraming naniniwala na panlalaking sakit ang high blood, ngunit wala itong katotohanan. Ang puso ng mga babae ay mas maliit kumpara sa mga lalake, kaya’t hindi agad-agad napapansin ang epekto ng altapresyon. Sa katotohanan, mas mataas ang risk ng high blood sa post-menopausal na mga babae. Posibleng may kinalaman ito sa hormonal changes na nangyayari matapos ang menopaus. Ngunit ang paggawa ng preventive measures ay nakakatulong para makaiwas dito. 

Myth: Kapag may high blood sa pamilya ay hindi mo na ito maiiwasan.

Fact: Totoong mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng high blood kung ito ay nasa pamilya. Pero hindi nito ibig sabihin na ikaw ay agad-agad na magkakaroon ng altapresyon. Kung ikaw ay nag-ehersisyo araw-araw at kumakain ng tama ay makakaiwas ka sa high blood.

Myth: Para maging zero ang sodium, huwag gumamit ng asin.

Fact: Hindi lang sa asin nakukuha ang sodium. Nakukuha rin ito sa ketchup, processed foods, mga noodles, at iba pang pagkain araw araw. Kung mayroon kang altapresyon, mahalagang maging maingat sa iyong mga kinakain araw-araw. Ito ay para ma-kontrol ang sodium intake. Kapag mayroong “sodium,” “soda,” o “Na” sa product label ay mabuting iwasan mo ito.

Myth: Mas mainam ang paggamit ng sea salt o rock salt kaysa iodized salt.

Fact: Walang pinagkaiba ang sodium content ng sea salt o rock salt sa iodized salt. Kaya mas mabuti pa rin na iwasan ang paggamit nito.

Myth: Wala kang altapresyon kung wala kang sintomas.

Fact: Maraming tao ang nag-aakalang wala silang altapresyon. Ito ay dahil madalas hindi nila nararamdaman ang mga pangkaraniwang sintomas ng high blood. Kaya ang nangyayari ay hindi nila alam na lumalala na pala ang kanilang kondisyon.

Ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag na “silent killer” ang high blood. Magpa-check palagi ng blood pressure upang ma-monitor mo kung tumataas ito o hindi.

Myth: Mabuti ang alak sa puso kaya okay lang uminom ng maraming alak.

Fact: Bagama’t nakakabuti nga sa puso ang alak, hindi nito ibig sabihin na puwede kang uminom ng maraming alak. Kapag sumobra nga ang pag-inom, maaari pa nitong itaas ang iyong blood pressure. Puwede pa itong magdulot ng stroke, heart failure, at irregular heartbeats. Side effects rin ng pag-inom ng alak ang obesity, cancer, stress, anxiety, depression, at high triglycerides. Ang nirerekomenda ay 240ml ng wine sa mga lalaki, at 120ml naman sa mga babae.

Myth: Okay lang ang iyong blood pressure basta ang systolic o diastolic ay nasa tamang sukat.

Fact: Dalawa ang numero sa iyong blood pressure – ang systolic at diastolic. Ang systolic ay ang pinakamataas na sukat ng iyong blood pressure, at ang diastolic naman ang pinakamababa. Ito ang sukat ng iyong blood pressure sa bawat pagtibok ng iyong puso.

Sa systolic, ang malusog na range ay 119 pababa. Ang 120 hanggang 129 ay elevated, at 130 pataas ay ang high blood pressure. Sa diastolic blood pressure 79 at pababa ay normal blood pressure, at ang 80 pataas ay high blood pressure. Ayon sa mga eksperto, mas mabuti nang mataas ang systolic kaysa sa diastolic. 

Myth: Nagagamot ang altapresyon.

Fact: Ang katotohanan ay hindi nagagamot ang altapresyon. Maaari itong ibaba gamit ang mga gamot, o kaya ang pagsasagawa ng mga lifestyle changes. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ka na magkakaroon ng altapresyon kung naibaba mo na ito.

Kaya mahalaga ang tuloy-tuloy na maintenance at pag-iingat sa mga kinakain upang hindi tumaas ang blood pressure. 

Myth: Puwede nang itigil ang gamot kapag normal na ang iyong blood pressure.

Fact: Ang gamot sa blood pressure ay para sa long-term na gamutan. Hindi porke’t bumaba ang iyong blood pressure ay puwede mo na itong itigil. Kaya huwag kakalimutan na ituloy-tuloy lang ang pag-inom ng gamot na nireseta sa iyo ng doktor.

Myth: Hindi totoo ang white-coat hypertension.

Fact: Ang white-coat hypertension ay isang kondisyon kung saan tumataas ang blood pressure dahil sa stress, o kaya kapag kukuhanan na ng blood pressure ang isang tao. Ayon sa pag-aaral, ang mga tao na mayroong ganitong kondisyon ay may mas mataaas na posibilidad na magkaroon ng altapresyon sa loob ng 10 taon. Ibig sabihin, hindi mo dapat balewalain ang pagkakaroon ng white-coat hypertension.

Learn more about hypertension here

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Common High Blood Pressure Myths https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/the-facts-about-high-blood-pressure/common-high-blood-pressure-myths Accessed on 22/04/2020

Combating Myths about Hypertension  https://www.mdmag.com/medical-news/combating-myths-about-hypertension Accessed on 22/04/2020

Myths about High Blood Pressure https://www.rush.edu/health-wellness/discover-health/high-blood-pressure-myths Accessed on 22/04/2020

Popular Misconceptions About Hypertension https://www.blkhospital.com/blk-blog/title/popular-misconceptions-about-hypertension Accessed on 22/04/2020

5 Misconceptions About High Blood Pressure https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/5-misconceptions-about-hypertension#1Accessed on 22/04/2020

Menopause and high blood pressure: What’s the connection? / https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/expert-answers/menopause-and-high-blood-pressure/faq-20058406#:~:text=Blood%20pressure%20generally%20increases%20after,be%20the%20more%20likely%20culprit./ Accessed on 05/08/2020

Changes You Can Make to Manage High Blood Pressure / https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/changes-you-can-make-to-manage-high-blood-pressure#.Wc5WfMiGPDc / Accessed on 05/08/2020

Kasalukuyang Version

03/25/2024

Isinulat ni Nikita Bhalla

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagtaas Ng Blood Pressure: Ano Ang Dahilan Ng Biglaang Pagtaas?

Gamot sa High Blood Pressure: Mga Uri at Side Effects


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Nikita Bhalla · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement