backup og meta

Totoo ba ang Screen Fatigue? Narito Kung Paano Mo Makayanan ang Eye Strain

Totoo ba ang Screen Fatigue? Narito Kung Paano Mo Makayanan ang Eye Strain

Sa panahon ngayon, ang halos lahat ng ginagawa natin ay nasa online– mula sa mga miting, klase at iba pa. Napaka-convenient na magagawa pa rin natin ang trabaho kahit naka-lockdown. Pero dahil mahabang oras ang ginugugol natin sa harap ng screen, maaari ba itong makapinsala? Totoo ba ang  screen fatigue? Kung totoo, ano ang mga dapat gawin? Alamin ang mga sagot sa ibaba.

Totoo Ba Ang  Screen Fatigue?

Totoo Ba Ang  Screen Fatigue? Oo, talagang totoo ang screen fatigue. Sa katunayan, binanggit ng isang nangungunang optometrist na nakabase sa London sa isang panayam na ang mahabang screen time issues ay kontrobersyal na talakayan sa kanilang linya ng trabaho. Isang bagay ito na hindi maikakaila para sa adults, teenagers, at maging mga bata. Lahat sila ay nakatutok sa kanilang mga device sa iba’t ibang dahilan, para sa trabaho o paglalaro.

Paano Naging Totoo ang Screen Fatigue?

Ang screen fatigue ay malapit na iniuugnay ng mga eye specialist sa computer vision syndrome o digital eye strain. Ito ay mga problema sa mga mata at paningin dahil sa matagal na paggamit ng gadget. Mahirap para sa paningin ang matagal na pagtitig sa computer. Nangangailangan ito ng kaunting paggalaw ng mata, focus, pati na rin ang alignment ng kilos.

Ayon sa pag-aaral, ang mga tao ay kumukurap nan g kalahati lamang ng kanilang karaniwang ginagawa. Ang proseso ng pagkurap ay lumilikha ng manipis na layer ng tear film sa harap ng mata. Ito ay tumutulong sa magandang paningin. Ang hindi madalas na pagkurap ay pwedeng magresulta sa blurred images at magpatuyo ng mga mata ng isang tao.

Ang resulta ay, maraming mga tao ang magkakaroon ng iritasyon sa mata at hirap sa paningin. May posibilidad na tumaas ang level ng discomfort ayon sa haba ng oras na ginugol sa harap ng digital screen.

Computer-related eye fatigue ang tawag ng ibang tao dito. Karaniwan ito sa mga bata st matatanda.

Mga Palatandaan at Sintomas

Ang ilan sa mga palatandaan at sintomas ng screen fatigue na ito ay:

Ang mga sintomas na ito ay maaaring pansamantala, gayunpaman, maaari itong magbago sa paglipas ng oras.

Paano Mo Makakayanan ang Screen Fatigue at Eye Strain?

Ang magandang bagay ay mayroong maraming mga paraan upang makayanan ang screen fatigue at eye strain na kinabibilangan ng:

  • Pagsunod sa magandang 20-20-20 rule.
  • Maglagat ng note malapit sa computer area na huwag kalimutang kumurap
  • Bawasan ang brightness ng screen kapag ginagamit.
  • Magkaroon ng 15-minute breaks upang para mabawasan ang strain sa iyong mga mata.
  • Limitahan ang oras sa pag-scroll sa social media
  • Sanayin ang sarili ng tamang body posture ( 2 feet mula sa screen, halos kasing haba ng braso, at below eye level). 
  • Umupo ng tuwid kapag nasa working space.

Maaari ring makatulong na magdisenyo ng work environment na angkop sa pangangailangan mo. Ang iba ay nagtatakda ng boundaries para matulungan silang  ihiwalay ang oras  para magtrabaho o oras para magpahinga. 

Key Takeaways

Totoo ba ang screen fatigue? Oo at pwede itong mangyari sa kahit kaninuman na gumugugol ng mahabang oras na nakatitig sa screen ng computer. Kasama ang mga bata dito dahil maging sila ay matagal ang oras sa screen habang ginagamit ang kanilang mga gadget.
Para sa ilan, ang mga sintomas ay hindi nakababahala, ngunit maaari itong humantong sa malalang problema sa mata kung hindi matugunan nang naaayon at naaangkop. 
Ang pagsunod sa tips na ito ay maaaring makatulong sa iyong bawasan ang digital eye strain mula sa iyong pang-araw-araw na mga miting.

Matuto pa tungkol sa Eye Health dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eight tips for reducing screen fatigue while working from home, https://www.itpro.co.uk/business/business-strategy/355372/8-tips-for-reducing-screen-fatigue-while-working-from-home Accessed October 6, 2021

Screen fatigue and how to fight it, https://www.acap.edu.au/newsletters/screen-fatigue-and-how-to-fight-it/ Accessed October 6, 2021

Computer vision syndrome, https://www.aoa.org/healthy-eyes/eye-and-vision-conditions/computer-vision-syndrome?sso=y Accessed October 6, 2021

Computer Vision Syndrome, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/c/computer-vision-syndrome.html Accessed October 6, 2021

Computer-Related Eye Fatigue, https://www.uclahealth.org/eye/computer-related-eye-fatigue Accessed October 6, 2021

Screen Fatigue Is Real. Here’s How To Keep Tired Eyes At Bay, https://www.huffingtonpost.co.uk/entry/screen-fatigue-working-from-home_uk_5e7a0f5fc5b62f90bc51a264 Accessed October 6, 2021

Give Your Child’s Eyes a Screen-Time Break: Here’s Why, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/eyes/Pages/What-Too-Much-Screen-Time-Does-to-Your-Childs-Eyes.aspx Accessed October 6, 2021

Kasalukuyang Version

02/21/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Decorative Contact Lens?

Kailan Dapat Magpa Eye Checkup? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement