Ang diabetes ay isang malubhang medikal na kondisyon na nangyayari kung saan ang isang tao ay may mataas na blood sugar na nagsimula sa 180 mg/dL. May dalawang pangunahing uri ng diabetes: type 1 at type 2. May mga kaso kung saan ang diabetes ay minsan maaaring makaapekto sa sekswal na pagganap ng mga kalalakihan, kaya ang tanong ay: sanhi ba ng erectile dysfunction ang diabetes? Alamin sa artikulong ito ang kasagutan.
Sanhi Ba Ng Erectile Dysfunction Ang Diabetes?
Ang mga taong may type 1 diabetes ay walang kakayahang makapagprodyus ng insulin. Sa kabilang banda, ang mga may type 2 diabetes naman ay walang reaksyon sa insulin. Ang uring ito ng diabetes ay nakaaapekto sa lebel ng testosterone ng isang lalaki. Kaya naman, ang mababang lebel ng testosterone ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng mababang bilang ng sperm. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa ejaculation at maging dahilan ng mga sumusunod:
Mababang Fertility
Katulad ng natuklasan sa mga pananaliksik, 1 hanggang 4 na mga kalalakihang may type 2 diabetes ay may mababang lebel ng testosterone. Ito ay maaaring makaapekto sa fertility sa pamamagitan ng pagbaba sa produksyon ng sperm. Gayunpaman, upang matugunan ang problemang ito, maaaring subukan ng isang lalaki ang testosterone replacement therapy.
Erectile Dysfunction (ED)
Sanhi ba ng erectile dysfunction ang diabetes? Oo, may ilang mga pasyenteng may diabetes ang nakararanas ng mga problema sa erectile. Ang ugnayan sa pagitan ng diabetes at ED ay lubha pang matutuklasan dahil ang diabetes ay ang nag-iisa sa maraming mga salik na maaaring humantong sa ED.
Ang mga problema sa erectile ay maaari din sanhi ng mga salik na pangsikolohikal at pisikal tulad ng mga sumusunod:
- Hindi malusog na paraan ng pamumuhay
- Stress
- Pagkabalisa
- Alak
- Paninigarilyo
- Mababang lebel ng testosterone
Ang erectile dysfunction ay ang kawalan ng kakayahan ng isang lalaki na panatilihin o matamo ang erection na may sapat na tigas para sa pakikipagtalik. Mabuti na lamang, may mga gamutang maaaring isagawa tulad ng mga sumusunod:
Vacuum-constriction: Ang isang kagamitang tinatawag na “penis pump” or “vacuum pump” ang nagpa-pump ng dugo papunta sa titi upang ito ay tumigas na sapat para sa penetration.
Penile Implants: Kung hindi epektibo ang penis pump, ang penile implants ay maaaring isang alternatibong opsyon subalit nangangailangan ito ng operasyon.
Ang Mga Sumusunod Ay Ang Mga Alternatibong Opsyon:
Gamutan
Ang mga gamutan (tulad ng Viagra, Cialis, Levitra, Stendra), cream, patches, at mga gamot na injectable ay maaaring gamitin upang masolusyunan ang ED. Subalit siguraduhing inireseta ito ng doktor dahil ito ay maaari ding makaapekto sa puso at maaaring maging sanhi ng iba pang mga problma.
Ang erectile dysfunction na sanhi ng diabetes ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng pagkontrol sa iba pang mga problemang pangkalusugan.
Narito ang iba pang mga paraan upang mapabuti ang pagganap.
Manatiling Malusog
Kumain ng mga masusustansyong pagkain at magsagawa ng mga paraan ng pamumuhay na makatutulong sa malusog na kalusugan ng puso at wastong sirkulasyon ng dugo. Humingi ng medikal na tulong upang makapagtakda ng mga layuning pangkalusugan at masolusyunan ang mga problemang maaaring sanhi ng iyong diabetes at ED.
Pagbutihin Ang Inyong Relasyon
Ang pagiging malapit ay hindi laging nangangahulugan ng sekswal na pakikipagtalik. Sa usapin ng mga problema sa pakikipagtalik, pinakamainam na kausapin ang iyong karelasyon at humingi ng suporta sa isa’t isa.
Tumigil Sa Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay natuklasang nakapagpapababa ng bilang sperm.
Alagaan Ang Iyong Mental Health
Ang emosyonal na stress tulad ng depresyon at pagkabalisa ay maaaring makaapekto sa hormones at maaari ding negatibong makaapekto sa concentration ng sperm.
Pag-Inom Ng Alak
Natuklasan sa mga pag-aaral na ang pag-inom ng alak ay nakapagpapababa sa lebel ng testosterone at sa produksyon ng sperm.
Trabaho
Ang mga taong may trabahong matagal na nakaupo ay minsang may kaugnayan sa tyansa ng infertility.
Key Takeaways
Sanhi ba ng erectile dysfunction ang diabetes? Bagama’t ang sagot sa tanong na ito ay oo, limitado ang mga datos. Kinakailangan pa rin ang maraming mga pananaliksik upang ito ay maging ganap na totoo. Bagama’t ang diabetes ay hindi direktang sanhi ng erectile dysfunction, ito ay nakaaapekto sa lebel ng testosterone na maaaring maging sanhi nito.
Ang pagkakaroon ng type 2 diabetes ay maaaring humantong sa maramong mga problema tulad ng infertility. Ang mga kalalakihang may diabetes ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng erectile dysfunction, gayunpaman, hindi pa ito ganap na malinaw.
Matuto pa tungkol sa erectile dysfunction dito.