backup og meta

Spotting Bago ang Regla: Ano ang ibig sabihin nito?

Spotting Bago ang Regla: Ano ang ibig sabihin nito?

Ano Ang Abnormal Vaginal Bleeding?

Karamihan sa kababaihan ay makararanas ng bleeding o pagdurugo habang nireregla minsan sa kanilang buhay, at madalas higit pa sa isang beses. Maaari itong light bleeding o bahagyang pagdurugo bago ang inaasahang regla, spotting, o kaya naman ay heavy flow. Gayunpaman, hindi ito bahagi ng regular na menstrual cycle.

Nangyayari ang abnormal vaginal bleeding kapag naganap ang pagdurugo:

  • Nangyari bago o matapos ang regla
  • Mas malakas o mas mahina ang menstrual flow kaysa sa karaniwan
  • Sa hindi inaasahang panahon, tulad ng habang nagbubuntis, menopause, o bago tumuntong sa edad na siyam

Tinatawag ring intermenstrual bleeding o metrorrhagia ang abnormal vaginal bleeding. Ang ibig sabihin din ng spotting bago ang regla ay ang bahagyang pagdurugo o light bleeding. Hindi madalas ikinababahala ang pagdurugo habang nireregla, ngunit maaaring pahiwatig ito ng ibang seryosong kondisyon.

[embed-health-tool-due-date]

Karaniwan ba ang Abnormal Vaginal Bleeding?

Karaniwan ang vaginal bleeding tuwing nireregla, lalo na sa babaeng nasa hustong gulang na para manganak. Maaari itong maranasan minsan sa iyong buhay, at madalas higit pa sa isang beses. Makararanas ang iba ng spotting bago ang regla. Habang ang iba naman ay may mas malakas na daloy ng dugo o heavy flow kaysa sa karaniwan. Sinasabing 25% ng gynecologic surgery ay dahil sa abnormal bleeding.

Ano ang mga Sintomas ng Abnormal Vaginal Bleeding?

Iba-iba ang senyales at sintomas ng abnormal vaginal bleeding. May ibang kababaihan na nakararanas ng spotting bago ang regla. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng abnormal vaginal bleeding ang mga sumusunod:

  • Hindi inaasahang pagdurugo, gaya kapag nagbubuntis, pagkatapos makipagtalik, at habang nag-me-menopause
  • Mas mabigat na daloy ng dugo kaysa sa karaniwan (menorrhagia)
  • Mas matagal na regla na umaabot nang lagpas pitong araw
  • Pabago-bagong menstrual cycle at hindi nireregla
  • Pagod at pagkahilo
  • Lagnat at panlalamig
  • Pananakit ng balakang at ibabang bahagi ng tiyan
  • Abnormal vaginal discharge

Kailan Ako Dapat Pumunta sa Doktor?

Karaniwan ang vaginal bleeding tuwing nireregla. May ibang kababaihang nakararanas ng spotting bago ang regla, at may iba namang nakararanas ng mas mabigat na daloy ng dugo o heavy flow kaysa sa karaniwan. Komunsulta sa iyong doktor kapag nakaranas ng mga sintomas, at kung hindi na kaya ang pagdurugo.Mag-set ng appointment sa doktor upang malaman ang sanhi at tamang treatment para dito. 

Mga Sanhi at Panganib

Phases ng Menstrual Cycle

Ang pangkaraniwang menstrual cycle ay nangyayari bawat 21 hanggang 35 na araw, at nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw. Pangkaraniwan man ang vaginal bleeding habang nireregla, ngunit hindi ito normal. Nangyayari ito tuwing nararanasan ng mga kababaihan ang spotting bago ang regla o matapos nito. Maraming dahilan ang vaginal bleeding, at ilan sa mga ito ang sumusunod:

Hormonal Imbalances

Mapapansin ng mga kababaihan ang spotting bago ang regla dahil sa pagbabago ng hormones. Nagreresulta sa spotting tuwing hindi pantay ang produksyon ng estrogen at progesterone (mga hormones na namamahala sa menstrual cycle). Posibleng dahilan ng imbalance ang mga sumusunod:

  • Dysfunctional ovaries. Tulad ng Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS), dahil mas maraming nagagawang male hormones, naaapektuhan ang balanse ng hormone levels ng katawan. Ang mga babaeng may PCOS ay nakararanas ng irregular periods o wala talaga.
  • Problema sa thyroid glands na nagdudulot ng irregular period.

Maaaring mangyari pa rin ang spotting bago ang regla sa tuwing o matapos gumamit ng hormonal contraceptives. Maaaring magdulot ng pagbabago sa lining ng uterus ang karagdagang hormones.

Ayon sa pag-aaral, maaaring mangyari sa unang tatlong buwan ng paggamit nito ang bleeding o spotting. Kabilang sa contraceptives na ito ang:

Impeksiyon

Ang vaginal bleeding dahil sa impeksyon ay malimit na nangangahulugan ng problema sa reproductive organ. Iilan sa mga impeksyon:

  • Sexually transmitted infections. Halimbawa nito ang chlamydia na nagsasanhi ng pagdurugo habang o pagtapos ng pagtatalik.
  • Pelvic inflammatory disease. Ang pamamaga ng reproductive organ ay humahantong sa pagsusugat.

Mga Komplikasyon sa Pagbubuntis

Posibleng mangyari pa rin ang spotting o bahagyang pagdurugo habang nagbubuntis. Kasabay nito, kapag nakaranas ng heavy bleeding, maaaring nangangahulugan ito ng pagkalaglag (miscarriage) o ectopic pregnancy. Marapat na kaagad ipatingin sa doktor ang ano mang uri ng pagdurugo bago magbuntis at habang nagbubuntis. 

Uterine fibroids

Ang fibroids ay muscular tumors na sa walls ng uterus, karaniwan nito ay benign o hindi cancerous. Mayroon ding malulubhang kondisyon na nakakaapekto sa uterus tulad ng endometriosis. Ang heavy bleeding at cramping ang dalawang sintomas ng uterine fibroids.

Cancer

Maaari ding nagpapahiwatig ng cancer ang vaginal bleeding. Kabilang dito ang cancer sa uterus lining, cervix, at vagina. Halimbawa, ang cervical cancer ay karaniwang kondisyon na nakikita sa mga babaeng nasa pagitan ng edad na 30 hanggang 45 na taong gulang. Malimit mangyari ang bahagyang pagdurugo bago ang inaasahang regla o pagtapos makipagtalik. Mas madalas ma-diagnose nito ang mga babaeng nagdaan na sa menopause.

Iba pang sanhi

Maaari ding sanhi ang reaksyon ng katawan sa mga foreign body (tampon o condom) o emosyonal na stress sa vaginal bleeding.

spotting bago ang regla

Mga Panganib

Ano ang Nagpapataas ng Panganib ng Abnormal Vaginal Bleeding?

  • Obesity. Nakakasira ang pagkain ng maraming taba sa normal na menstrual cycle. Nagiging sanhi ng heavy bleeding ang mga taba na nagiging estrogen.
  • Problema sa pagkain. Nakararanas ng abnormal bleeding ang mga babaeng anorexic o bulimic, pati na ang mga nagka-crash diet (pagkain ng kaunti para sa mabilis na pagpayat). Nasisira nito ang normal na ovulatory function.
  • Problema sa kalusugan. Tumataas ang tsansa ng light bleeding bago ang inaasahang regla dahil sa iba pang problema sa kalusugan, tulad ng PCOS, impeksyon, sakit sa thyroid, at iba pang kanser.
  • Paggamit ng birth control. Mas madalas makaranas ng spotting ang mga babae sa tuwing gumagamit ng contraceptives. Maaari rin mangyari ang pagdurugo kung magbago ang dalas ng paggamit nito.
  • Perimenopause o menopause. Nagiging mas makapal ang lining ng uterus ng isang babae sa panahon na ito na nagreresulta sa spotting.

Diagnosis at Treatment

Ang mga sumusunod na impormasyon ay hindi maaaring ipamalit bilang medical advice. Manatiling sumangguni sa iyong doktor para sa iba pang impormasyon.

Paano ang Diagnosis ng Abnormal Vaginal Bleeding?

Mahalagang ipagbigay alam ang lahat ng iyong sintomas sa doktor sa sandaling masuri para sa vaginal bleeding sa pagitan ng pagreregla. Itatanong ng iyong doktor ang dami at tagal ng panahon ng pagdurugo upang malaman ang kabuuang dami ng dugong patuloy na lumalabas. Kasama ring itatanong ang iyong menstrual history.

Nakatutulong na nababantayan mo ang iyong menstrual cycle, kasama na ang tagal at kabigatan ng daloy ng iyong dugo. Itatanong din ng iyong doktor ang tungkol sa iyong medical history at mga gamot na kasalukuyan mong iniinom.

Susunod na gagawin ang physical exam, kasama na ang pelvic exam. Matutukoy nito ang mga posibleng problema ng iba pang mga reproductive organ. Kabilang dito ang vagina, cervix, fallopian tube, at uterus.

Upang matukoy pa lalo ang dahilan ng pagdurugo, isasagawa rin ang diagnostic tests tulad ng mga sumusunod:

  • Blood test. Ginagamit para tingnan ang hormone levels.
  • Biopsy. Kumukuha ng sample ng tissue sa cervix o lining ng uterus para sa testing. Makatutulong ito para matukoy ang mga posibleng impeksyon at disease.
  • Ultrasound. Makikita dito ng doktor ang kalagayan ng iyong reproductive organ. Matutukoy rin nito ang mga structural defect at iba pang abnormality na mayroon.
  • Cervical smear and swabs. Ang makukuhang sample na cell mula sa iyo ay susuriin para malaman kung mayroong impeksyon.
  • Hysteroscopy. Kabilang dito ang pagpapasok ng manipis na tube sa loob ng cervix upang masuri ang uterus.

Paano Ginagamot ang Abnormal Vaginal Bleeding?

Nakaayon madalas ang treatment sa sanhi ng sakit, kaya mahalagang tandaan ang mga senyales at sintomas tulad ng light bleeding bago magregla, o dami ng daloy ng dugo kaysa sa karaniwan. Maaaring mabantayan o malunasan ang vaginal bleeding habang nireregla sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Antibiotic
  • Anti-inflammatory drug
  • Pagpapalit ng birth control pills o contraceptives na ginagamit
  • Hormone therapy
  • Operasyon para tanggalin ang mga fibroid at tumor

Lifestyle Changes at Home Remedies

Ano-ano ang lifestyle changes o home remedies na maaaring makatulong sa akin sa tuwing nakararanas ng vaginal bleeding habang nireregla?

Madalas na umuulit ang vaginal bleeding habang nireregla. Nakadepende ang pagbibigay lunas sa kung ano ang naging sanhi nito. Ngunit may iba pang mga paraan na maaari mong gawin para makaiwas dito. Kabilang na ang mga sumusunod:

  • Pagpapanatili ng healthy lifestyle. Kabilang dito ang pag-ehersisyo at tamang diet. Nais mo ring manatili sa normal weight dahil ang sobrang fat deposit ang nakasisira sa iyong menstrual cycle.
  • Ice packs o yelo. Nagbibigay ginhawa ang paglalagay ng ice pack sa tiyan, lalo na tuwing heavy bleeding.
  • Painkillers. Nakatutulong pampalunas ng sakit na nararamdaman ang mga painkiller na tulad ng ibuprofen o paracetamol. Ngunit dapat iwasan ang aspirin. Ayon sa pag-aaral, maaaring mapalakas ng madalas na pag-inom ng aspirin ang pagdurugo.
  • Vitamins at minerals. Halimbawa, iniiwasan ng mataas na level ng iron ang mas malakas na pagdurugo. Sa isang banda, ang vitamin C naman ang tumutulong para patibayin ang mga blood vessel at iron absorption.

Kung may katanungan o pag-aalala, sumangguni sa iyong doktor.

Key Takeaways

Bagamat pangkaraniwan ang vaginal bleeding sa tuwing nireregla, hindi pa rin ito natural na bahagi ng menstrual cycle. May ibang kababaihan na nakararanas ng bahagyang pagdurugo o light bleeding bago ang inaasahang regla. Samantalang nakakaranas naman ang iba ng mas malakas o heavy flow kaysa sa karaniwan. Hindi nakapipinsala ang mismong vaginal bleeding habang nireregla, ngunit mas mabuting komunsulta sa iyong doktor upang mabigyang linaw ang iba pang malubhang kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginal Bleeding: Symptoms, https://www.mayoclinic.org/symptoms/vaginal-bleeding/basics/definition/sym-20050756, Accessed May 7, 2020

Vaginal bleeding- irregular, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/vaginal-bleeding-irregular, Accessed May 7, 2020

What causes bleeding between periods?, https://www.nhs.uk/common-health-questions/womens-health/what-causes-bleeding-between-periods/, Accessed May 7, 2020

Vaginal bleeding, https://www.healthdirect.gov.au/vaginal-bleeding, Accessed May 7, 2020

Abnormal Vaginal Bleeding, https://myhealth.alberta.ca/health/pages/conditions.aspx?Hwid=abvbd, Accessed May 7, 2020

Abnormal Vaginal Bleeding, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK282/, Accessed May 7, 2020

Risk Factors for Menstrual Disorders, https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=19847, Accessed May 7, 2020

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement