backup og meta

Sanhi at Sintomas ng PCOS na Dapat Malaman ng Lahat ng Babae

Sanhi at Sintomas ng PCOS na Dapat Malaman ng Lahat ng Babae

Ano ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)?

Isa sa mga karaniwang sakit na makikita sa mga babae ay ang polycystic ovary syndrome (PCOS). Bagaman walang nais maging biktima ng ganitong sakit, marami pa ring mga babae ang nakararanas nito. Ngunit ano eksakto ang PCOS? Ano ang sanhi at sintomas ng PCOS? Anong ginagawa nito sa iyong katawan? Ito ba ay mapipigilan o ganap na hindi maiiwasan? Magbasa upang malaman.

Ang PCOS ay nangangahulugang Polycystic Ovary Syndrome. Ito ay hormonal disorder na karaniwang nangyayari sa mga babae na nasa edad na maaaring mabuntis. Ang mga may PCOS ay maaaring mahirapan nang mas mahabang panahon o magkaroon ng hindi regular na pagreregla.

Mga Banta

Nasa 10% ng mga babae na maaaring manganak ay maaaring maapektuhan ng PCOS. Sa katunayan, malaking porsyon ng populasyon ng mga babae sa buong mundo ay hindi alam ang PCOS.

Ngunit sa edad na 20s at 30s, ang mga babaeng hindi nabubuntis at hindi kumokunsulta sa doktor ay kadalasang nakaaalam tungkol sa sakit na ito.

Ngunit tungkol sa infection, ang mga babaeng nalagpasan na ang edad sa puberty ay may mataas na tsansa na magkaroon ng PCOS. Ito rin ay namamanang sakit na makikita sa mga babae na may mga kamag-anak na mayroon ding PCOS.

Mga Sanhi at Sintomas ng PCOS

Ang sanhi at sintomas ng PCOS ay mahalagang kaalaman para sa mga kababaihan. Ito ay dahil kapag alam nila ang sanhi at sintomas ng PCOS ay mas malalaman nila kung kailan dapat magpatingin sa doktor.

Heto ang mga dapat mong malaman na sanhi at sintomas ng PCOS:

Sanhi

Ano ang sanhi ng PCOS? Ngayon, maraming mga pag-aaral ang kinakailangan upang matukoy ang eksaktong sanhi nito. Ngunit mayroong mga salik na makapagdaragdag sa:

Mataas na Lebel ng Androgen

Ang androgen ay hormone na mas kadalasang nasa mga lalaki. Ito rin ang rason bakit ang androgen ay kalimitang tinatawag na “male hormones.” Gayunpaman, ang regular na katawan ng babae ay nagpro-produce rin nito. Ngunit kakaunting dami lamang kumpara sa mayroon ang mga lalaki.

Sa simpleng salita, ang androgens ay malaki ang gampanin para sa traits na kilala ang mga lalaki. Sa kaso ng mga babae na nakararanas ng PCOS, mayroon silang mas maraming androgen na kailangan ng katawan.

Alam na natin na ang androgen ay male hormone at dahil ang mga babae lamang ang maaaring manganak, mas hindi posible ang fertilization sa mataas na bilang ng androgen. Ito ay sa kadahilanan na ang sobrang androgen ay nakapagpapahinto ng obaryo ng babae mula sa pag e-eject ng eggs sa proseso na tinatawag na ovulation.

Karagdagan pa, nagreresulta rin ito sa sobrang tigyawat at buhok sa bahagi ng mukha. Ang mga ito ay mga senyales ng PCOS.

Mataas na Lebel ng Insulin

Ang insulin ay hormone na nagco-convert ng pagkain upang maging enerhiya. Kung ikaw ay may insulin resistance, ang ibig sabihin nito ay ang iyong katawan ay hindi tumutugon nang maayos sa hormone na ito. Ito ay magiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng insulin sa iyong dugo na mas mataas pa kaysa sa normal na estado. Karamihan ng mga babae na nakararanas ng PCOS ay nakararanas din ng insulin resistance. Kung ang pasyente ay labis ang katabaan, labis ang timbang, may diabetes na history sa pamilya o may hindi malusog na gawi sa pagkain, mas mataas ang tsansa niya na magkaroon ng PCOS. Sa mahabang proseso, ang insulin resistance ng katawan ay mas lalala sa type 2 diabetes.

Family History

Ang mga babaeng may tiya, nanay, mga pinsan o mga lola na may PCOS ay maaaring magkaroon din nito. Bagaman hindi laging garantiya ang mga susunod pang henerasyon na magkaroon ng PCOS, mas mataas ang tsansa nilang magkaroon nito.

[embed-health-tool-ovulation]

Mga Sintomas ng PCOS

Ang mga sintomas ng polycystic ovary syndrome (PCOS) ay kadalasang makikita sa edad na teenager o nasa twenties.

Ang bawat babae na diagnosed na may PCOS ay makararanas ng mga sintomas na iba-iba sa nature at pagiging malala. Habang ang iba ay makararanas ng isyu sa pagreregla, ang iba naman ay makararanas ng mas malalang sintomas, tulad ng hindi mabuntis o pagkabaog.

Ilan sa mga pinaka karaniwang sintomas ay mga:

  • Hindi regular na pagregla
  • Isyu sa pagbubuntis (dahil sa iregular o walang ovulation)
  • Hirsutism (labis na dami ng buhok) sa mukha, dibidb, o likod
  • Oily na balat
  • Tigyawat
  • Pagnipis ng buhok o pagkawala ng buhok
  • Pagbigat ng timbang

Ang PCOS at maaaring maging sanhi ng komplikasyon kalaunan tulad ng:

  • Pagkabaog
  • Type 2 diabetes
  • Hypertension
  • Mataas na cholesterol
  • Sakit sa puso
  • Sleep apnea
  • Stroke

Diagnosis

Ngayong alam na natin ang sanhi at sintomas ng PCOS, ating alamin kung paano ang diagnosis nito.

Katulad ng marami pang mga pag-aaral na kinakailangan upang matukoy pa ang tiyak na ang mga sanhi ng PCOS, wala pa ring kumpirmadong tiyak na test upang ma-diagnose ito.

Ngunit ang mga medikal na propesyonal ay sinusunod ang mga diagnosis na gaawin na kinakailangan ng ganap na kooperasyon ng pasyente. Ang procedure ay kinakailangan ng maikling pag-analisa sa katawan ng pasyente maging ang medical history. Ang ilang mga pisikal na test ay posibleng maisagawa sa isang pinagsususpetyahan na pasyente ng PCOS:

Pelvic exam

Ang mga doktor ay maaaring magsagawa ng pelvic exam upang matingnan ang mga presensya ng male hormones na higit sa normal na bilang. Ang pinaka karaniwang senyales na makikita ng ilan sa mga doktor ay ang malaking clitoris. Ngunit mas higit sa karaniwan, ang layunin ng pelvic exam ay tingnan ang mga senyales ng namamaga o malaking mga obaryo.

Sonogram

Ang sonogram ay kilala rin sa tawag na pelvic ultrasound. Tulad ng regular na ultrasound, ang sonogram test ay gumagamit ng sound waves. Ang mga sound waves na ito ay ginagamit upang matingnan ang presensya ng cysts. Tinitingnan din nito ang anumang abnormalities sa uterus lining o endometrium. 

Physical Test

Kapag nakaranas ng sanhi at sintomas ng PCOS ang isang pasyente, ay maaaring sumailalim siya sa physical test.

Dito, magsasagawa ang doktor ng iba’t ibang pisikal na eksaminasyon. Kabilang dito ang waistline ng pasyente, ang BMI at presyon ng dugo. Karamihan ng mga doktor ay titingnan din ang abnormal na bilang ng buhok sa mukha o sa iba’t ibang parte ng katawan. Maaaring ito ay sa dibdib, sa likod o mukha. Ang doktor ay titingnan din ang skin discoloration, tigyawat o pagkalagas ng buhok.

Lunas

Sa ngayon, walang aprubadong medikal na lunas para sa PCOS. Gayunpaman, ito ay manageable Ngunit kinakailangan ng kooperasyon ng pasyente kasama ng kanyang doktor dahil ang plano sa lunas ay iba-iba depende sa pasyente. Ang doktor ay ikokonsidera ang ilang mga salik kabilang ang:

  • Iyong sintomas
  • Matagal na kondisyon sa kalusugan
  • Plano na magbuntis

Ang mga babae ay karaniwang kinakailangan ang mga gamot na nireseta ng doktor kasama ang ilang mga lunas sa bahay upang mabawasan ang sintomas.

Mahalagang Tandaan

Ang PCOS ay mukhang mapanganib na karamdaman, ngunit ito ay madaling i-manage kung mas naunawaan na ang tungkol sa sakit na ito. Mahalaga ring malaman ang sanhi at sintomas ng PCOS dahil nakatutulong itong malaman kung mayroon ka bang sakit.

Alalahanin lamang na makipagtulungan at manatiling isagawa ang mga inirekomenda ng iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pcos/symptoms-causes/syc-20353439 Accessed 24 May 2020

Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/polycystic-ovary-syndrome#9 Accessed 24 May 2020

PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) and Diabetes https://www.cdc.gov/diabetes/basics/pcos.html Accessed 24 May 2020

Polycystic Ovary Syndrome: Overview https://www.nhs.uk/conditions/polycystic-ovary-syndrome-pcos/symptoms/ Accessed 24 May 2020

What Causes PCOS? https://www.nichd.nih.gov/health/topics/pcos/conditioninfo/causes Accessed 24 May 2020

Kasalukuyang Version

06/15/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Cyst Sa Obaryo: Paano Malalaman Kung PCOS O Hindi?

Pagkain Para Sa May PCOS: Idagdag Ang Mga Ito Sa Iyong Diet


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement