Ano Ang Menopause?
Ang menopause ay natural na nangyayari sa mga kababaihan habang papalapit sila sa 45 taong gulang. Ito ay ang panahon kung kailan humihinto ang kanilang pagkakaroon ng regla. Karaniwang sinasabi na nangyayari ito kapag ang isang babae ay hindi na nakakaranas ng lanyang menstrual cycle sa loob ng 12 buwan. Ang mga senyales ng menopause ay maaaring magdulot ng kakulangan sa ginhawa. Makatutulong na malaman kung ano ang mga sintomas na dapat asahan habang papalapit ang isang babae sa panahong ito.
Ano Ang Mga Senyales Ng Menopause Na Dapat Bantayan?
Narito ang ilan sa mga senyales ng menopause na maaaring maramdaman ng mga babae habang papalapit ito.
Pagbabago Sa Regla
Iba-iba ang mga pagbabagong maaaring maranasan ng mga babae. Halimbawa, ang tagal ng kanilang regla ay maaaring maging mas mahaba o mas maikli. Posible rin ang labis na pagdurugo para sa ilan, at mas kaunti naman para sa iba. Habang papalapit ang isang babae sa kanyang menopausal stage, magsisimulang maging irregular ang kanyang regla.
Ang mga sintomas na ito ay ganap na normal. Gayunpaman, kumunsulta sa isang doktor kung nararanasan mo ang mga sumusunod:
- Malakas na pagdurugo
- Spotting
- Mas matagal kaysa karaniwan na regla
- Pagkasunod-sunod ng period cycles
- Pagkakaroon muli ng regla matapos hindi magkaroon nito sa loob ng isang taon
Pagbabago Ng Itsura
Isa sa mga senyales ng menopause ang pagbabago ng itsura. Maaaring lumaki ang waistline ng isang babae, magkaroon ng muscle gain o loss, at ang posibilidad na maging tuyo at manipis ang balat. Bukod pa rito, ang buhok ay nagiging manipis din. Maaari ring magsimulang lumiit ang mga suso na dating puno at malaki.
Kawalan Ng Ginhawa
Ang isang babaeng malapit nang mag-menopause ay maaaring makaranas ng pananakit, paninigas ng mga kasukasuan, pananakit ng ulo, at maging mga palpitations ng puso. Dagdag pa rito, ang isang babae ay maaari ring magsimulang magkaroon ng mga problema sa memorya.
Pagbabago Ng Timbang
Maaaring maranasan ng mga babae ang pagtaba dahil bumabagal na ang kanilang metabolismo.
Vaginal Health At Bladder Control
Kabilang sa listahan ng mga senyales ng menopause ang posibilidad na lalong tumuyo, numipis, at mamaga ang vagina. Ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa mga sekswal na aktibidad. Ilan sa mga vaginal issues na maaaring kaharapin ng mga babae ang vaginitis, vaginismus, at mga urinary tract conditions.
Chills At Hot Flashes
Ang pagkakaroon ng chills at hot flashes ay maaaring senyales ng menopause.
Ang hot flashes ay kinikilala rin bilang night sweats kapag ito ay nararanasan tuwing gabi. Maaaring maranasan ito sa loob ng ilang taon.
Mood Swings
Ang mga kababaihan ay maaaring magsimulang magkaroon ng pagbabago sa kani-kanilang mood nang mas madalas kaysa dati. Ito ay isang karaniwang senyales ng menopause, bagaman hindi pa natutukoy ang dahilan nito. Posibleng ang mga mood swings ay sanhi ng stress sa panahong ito ng buhay.
Pagbabago Ng Sleep Schedule
Ang iskedyul ng pagtulog ng mga kababaihan ay maaari ring magsimulang magbago buhat ng night sweats. Ang naturang uri ng kakulangan sa ginhawa ay maaaring magpahirap sa kanilang madaling makatulog sa gabi.
Paano Ginagamot Ang Mga Senyales Ng Menopause?
Narito naman ang ilan sa maaari mong gawin kung nararanasan mo na ang mga nabanggit na sintomas ng menopause.
Mind At Body Practices
Upang maibsan o gumaan ang mga naturang sintomas, maaari kang magsagawa ng mga mind at body practices. Ipinakita ng ilang pananaliksik na ang mga kababaihan na nakikibahagi sa mga mind at body exercises ay nakararanas ng mas kaunting mga sintomas ng menopause. Kasama sa mga aktibidad na ito ang acupuncture, reflexology, paced breathing, at relaxation techniques.
Bilang karagdagan, maaaring mapawi ng mga kasanayang ito ang tindi at dalas ng mga hot flashes, pananakit at paninigas ng kalamnan at kasukasuan, stress, pagbabago sa oskedyul ng pagtulog, maging ang mood.
Gayunpaman, ang ilang mga mind at body practices ay hindi medikal na suportado. Kumunsulta sa iyong doktor kung ikinokonsidera ito bilang panibagong paraan ng paggamot o therapy.
Paggamit Ng Mga Natural Products
Maaaring ibaling ng mga kababaihan ang kanilang atensyon sa mga natural na produkto na naiulat na nakatutulong sa pagpapagaan ng maraming sintomas. Kabilang dito ang:
- Ginseng. Napag-alaman na nakatutulong ito sa pagtulog, mga pagbabago sa mood, pag-unlad ng memorya, maging sa pangkalahatang well-being ng isang tao. Pinagagaan din nito ang mga discomfort na nararamdaman dulot ng pagkakaroon ng hot flashes and improves memory.
- Phytoestrogens. Ang mga ito ay maaaring magkaroon ng epekto sa paggamot sa mga sintomas. Gayunpaman, ito ay hindi pa siyentipikong napatunayan.
Ugaliing kunsultahin muna ang iyong doktor bago sumubok ng mga bagong produkto at therapy.
Pagsasagawa Ng Lifestyle Changes
Ang mga hot flashes ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagbabago sa pamumuhay ng isang tao. Kabilang dito ang:
- Pagtigil sa paninigarilyo
- Pag-iwas ng pagsuot ng maraming layer
- Pag-iwas sa mga pagkain tulad ng maanghang na pagkain, caffeine, at alak
- Pagpapanatili ng malusog na timbang
Kailan Mo Bang Mangamba Dahil Dito?
Wala kang dapat ikabahala dahil ang menopause ay isang normal na pangyayari sa mga kababaihan kapag naaabot ang edad 40 pataas.
Gayunpaman, kapag ang isang babae ay nagsimulang makaramdam ng matinding sintomas o hindi inaasahang sintomas ng menopause, dapat siyang humingi ng medikal na atensyon.
Key Takeaway
Ang menopause ay isang natural na pangyayari sa buhay ng isang babae. Kabilang sa mga senyales at sintomas ng menopause ang pagbabago ng itsura, iregular o paghinto ng regla, chills at hot flashes, at mga pagbabago sa mood. Mahalagang malaman ng mga kababaihan ang mga ito upang matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng paggamot.
Alamin ang iba pa tungkol sa Menopause dito.