backup og meta

Late Menopause: Alamin dito ang mga Pros at Cons nito

Late Menopause: Alamin dito ang mga Pros at Cons nito

Kung pag-uusapan ang menopause, walang eksaktong panahon kailan ito mangyayari. Ang ilang mga babae ay maaaring maranasan ito nang mas maaga sa buhay nila, habang ang iba ay mararanasan ang late na menopause. Sa artikulong ito, tatalakayin natin nang maiksi ang late menopause maging ang pros at cons nito.

Ano ang late menopause?

Gaya ng sinasabi ng pangalan nito, ang late na menopause ay menopause na nangyayari sa buhay ng isang babae. Karamihan ng mga babae ay nagsisimula ang menopause sa edad na 45-55. Ngunit posible rin sa ibang mga babae na magsimula ng menopause na mas maaga pa sa edad na 40s. Sa kabaliktaran, ang ilang mga babae ay maaaring magsimula ng menopause nang late sa edad na 55 o mas matanda pa, na kilala sa tawag na late onset menopause.

Habang ang late menopause ay maaaring may mga benepisyo, mayroon din itong mga banta na maiuugnay dito. Sa pangkalahatan, ang maagang menopause ay naglalagay sa isang babae sa mas mataas na banta ng dami ng sakit,

Ano ang pros at cons ng late menopause?

Pro: Mas mababang banta ng stroke at cardiovascular problems

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang late menopause ay maaaring potensyal na mas makapagpababa ng banta ng stroke sa mga babae, maging ang cardiovascular problems.

Isa sa mga posibleng paliwanag dito ay ang estrogen na may pakinabang na epekto sa puso. Sa partikular, nakatutulong ito mapanatili ang flexibility ng heart walls, na hinahayaan nito na mag contract at mag-expand upang mas maayos na mag pump ng dugo sa buong katawan. Ito ay nakatutulong na mapababa ang banta ng problema sa cardiovascular.

Ang mga babae na menopause ay hindi na makapagpo-produce ng estrogen. Ibig sabihin nito na ang pakinabang na epekto sa puso ay wala na, kaya’t ang mga babae na menopause ay maaaring magkaroon ng mas mataas na banta ng sakit sa puso.

late menopause

Pro: Mas mahabang buhay

Isa pang pag-aaral na napag-alaman na ang mga babae na nakararanas ng late na menopause ay mas mahaba ang lifespan kumpara sa ibang babae. 

Hindi pa sigurado ang mga mananaliksik kung bakit ganito ang kaso. At bakit ang mga babae na nakararanas ng mas maagang menopause ay mas maiksi ang buhay. Isa sa rason para rito ay ang mas maagang menopause sa pangkalahatan ay naglalagay sa mga babae sa mas mataas na banta ng type 2 diabetes at iba pang problema sa kalusugan. 

late menopause

Pro: Mas mahusay na memorya

Isa sa benepisyo ng late menopause ay ang pagkakaroon ng mas maayos na memorya. Sa pagtanda ng mga tao, normal lang na makaranas ng cognitive decline sa utak.

Gayunpaman, napag-alaman ng pag-aaral na ang mga babae na nakakaranas ng late na menopause ay may mas maayos na cognition kumpara sa mga babae na kapareho ng edad. Isa sa mga paliwanag na mula sa mga mananaliksik ay ang estrogen ay mayroon ding protektibong epekto sa neurons ng brain cells.

Ibig sabihin nito na mas mahabang panahon na nagpo-produce ng estrogen ang katawan ng babae. Mula rito mas may proteksyon ang utak laban sa cognitive decline.

Con: Mataas na banta sa cancer

Isa sa mga prominenteng banta kaugnay ng late menopause ay ang pagtaas ng banta ng ovarian uterine, at breast cancer.

Katulad ng estrogen na may pakinabang na epekto sa kalusugan, ito rin ay may ilang negatibong epekto sa katawan. Sa late menopause, ang mas mataas na dami ng estrogen ay nagpapataas ng banta ng uterine cancer. Karagdagan, ang mataas na lebel ng estrogen ay kaugnay rin ng mataas na banta ng breast at ovarian cancer.

Maliban dito, ang banta sa babae ng uterine cancer ay mas tumataas sa pagtanda. Bilang resulta, ang mga babae na nakararanas ng nito ay pangkalahatan na may mas mataas na banta ng ibang cancers kumpara sa ibang mga babae.

Key Takeaways

Para sa pangkalahatan, walang paraan upang makontrol ang pagkakaroon ng menopause. Maraming mga salik na maaaring mangyari kung ang isang babae ay makararanas ng late na menopause.
Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay ang pananatiling malusog at pag-prioritize ng kalusugan. Kung nakaramdam ka ng kahit na anong hindi tama, o biglaang pagbabago sa katawan, huwag mag-alinlangan na kausapin ang iyong doktor tungkol dito.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Age at menopause and lifetime cognition | Neurology, https://n.neurology.org/content/90/19/e1673, Accessed December 3, 2020
  2. Duration of Reproductive Years and the Risk of Cardiovascular and Cerebrovascular Events in Older Women: Insights from the National Health and Nutrition Examination Survey | Journal of Women’s Health, https://www.liebertpub.com/doi/full/10.1089/jwh.2016.6013, Accessed December 3, 2020
  3. Age at menopause, cause-specific mortality and total life expectancy – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15951675/, Accessed December 3, 2020
  4. Perimenopause – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/perimenopause/symptoms-causes/syc-20354666, Accessed December 3, 2020
  5. Menopause – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menopause/symptoms-causes/syc-20353397, Accessed December 3, 2020
  6. Menopause – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/menopause/#:~:text=The%20menopause%20is%20a%20natural,before%2040%20years%20of%20age., Accessed December 3, 2020
  7. Menopause and Heart Disease | American Heart Association, https://www.heart.org/en/health-topics/consumer-healthcare/what-is-cardiovascular-disease/menopause-and-heart-disease, Accessed December 3, 2020

Kasalukuyang Version

04/18/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Nakakatulong ba ang Ehersisyo para sa mga Sintomas ng Menopause

Bakit Nagkakaroon ng Vaginal Dryness? Alamin Dito ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement