Walang taong may gusto magkaroon ng body odor. Ngunit, dahil sa mga hindi inaasahan at kanais-nais na mga pagkakataon, posibleng magkaroon ang sinuman nito. Kung kaya, ibabahagi ng artikulong ito kung ano ang mabisang sabon para sa body odor na maaaring gamitin upang maiwasan ang paglaganap nito.
Pag-Unawa Sa Kung Bakit Nagkakaroon Ng Body Odor
Hindi madaling pag-usapan ang sensitibong paksa na ito. Kung kaya, bago tayo tumungo sa mabisang sabon para sa body odor, atin munang talakayin at unawain kung ano ang body odor at bakit nagkakaroon ang ilang mga tao nito.
Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang body odor ay tumutukoy sa hindi kanais-nais na amoy na inilalabas ng katawan. Mapapansin na kadalasang pawisin ang isang taong mayroon nito marahil ito ay sanhi ng mga pinaghalo-halong mga bacteria at pawis sa balat. Ngunit hindi ang pawis ang mismong dahilan ng amoy. Sa halip, ito ay nagdudulot ng amoy kapag ang bacteria sa balat ay nahalo sa pawis.
Maaaring magbago ang amoy ng iyong katawan dahil sa mga sumusunod:
Nakakaapekto rin sa pagkakaroon ng body odor ang:
Ang body odor ay kinikilala rin sa terminong bromhidrosis, kung saan sinuman at anuman ang edad at lahi ay maaaring magkaroon nito. Ngunit, kadalasan ito sa mga taong nasa kanilang puberty stage dahil patuloy ang pagbabago ng kanilang katawan. Maaaring makatulong ang sabon para sa body odor upang maibsan ito.
[embed-health-tool-bmi]
Paano Nakaaapekto Ang Pagkain Sa Pagkakaroon Ng Body Odor?
Mayroong ugnayan ang Ingles na kasabihang “You are what you eat” sa amoy ng katawan. Kung kumakain ka ng pagkaing mayaman sa sulfur, maaari kang magkaroon ng body odor. Ito ay kaamoy ng bulok na itlog, kung saan kapag inilabas ito ng katawan, maaaring maglabas din ng maalinsangang amoy.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga pagkaing mayaman sa sulfur:
Ilan pa sa mga karaniwang mga dietary triggers ng body odor ay monosodium glutamate (MSG), caffeine, mga spices, maaanghang na pagkain, at alkohol. Maliban sa paggamit ng sabon para sa body odor, makatutulong kung maiiwasan o mababawasan ang ilan sa mga ito.
Ano Ang Maaaring Gawin Para Sa Body Odor?
Bagaman maaaring kang mahiya at mailang dahil sa pagkakaroon ng body odor, maraming kang maaaring gawin para rito. Narito ang mga simple ngunit napatunayang paraan upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng maabahong body odor:
- Maligo araw-araw. Syempre, hindi mawawala sa listahan ang araw-araw na pagligo. Malaki ang maitutulong ng pagpapanatiling malinis ang balat sa pamamagitan ng pagligo upang matanggal ang mga bacteria. Siguruhing tutukan ang mga parte ng iyong katawan kung saan ka madalas pagpawisan, tulad ng kili-kili at singit.
- Patuyuin ang balat. Bukod sa araw-araw na paliligo, mainam din na patuyuin ang iyong balat. Ito ay dahil sa mga mamasa-masang parte ng katawan umuunlad ang mga bacteria.
- Gumamit ng antiperspirant o deodorant. Kabilang sa pangangalaga ng balat ang paggamit ng antiperspirant o deodorant upang maiwasan ang pagkakaroon ng body odor. Ang mga antiperspirant ay naglalaman ng mga aluminum-based compound na pansamantalang humaharang sa mga pores ng pawis. Sa kabilang banda, maaaring alisin ng mga deodorant ang amoy ngunit hindi ang pawis. Kadalasang naglalaman ang mga ito nga pabango upang itago ang amoy.
- Gumamit ng mga preskong damit. Ang paggamit ng mga preskong damit na gawa sa mga tela tulad ng cotton, silk, o wool ay makatutulong upang maiwasan na pagpawisan nang lubos. Mainam din na magsuot ng moisture-locking fabric tulad ng polyester o nylon, lalo na kung mag-eehersisyo. Matapos gamitin ang mga damit, siguruduhing labahan din ang mga ito upang maiwasan ang pag-akumula ng bacteria o amoy.
- Baguhin ang diyeta. Katulad ng nabanggit, makatutulong kung maiiwasan ang pagkain ng ilang mga partikular na pagkain.
Ano Ang Mabisang Sabon Para Sa Body Odor?
Ang pinakamadaling paraan para mawala ang amoy ay sa pamamagitan ng paliligo araw-araw gamit ang sabon para sa body odor. Gumagana ang sabon sa pamamagitan ng pagtunaw ng langis sa pawis at pag-alis nito. Mabisa ito sa pagtanggal ng ugat na dahilan ng body odor.
Ang mga antibacterial soaps ay mainam upang matanggal ang mga masasamang bacteria sa balat. Kasama sa ilang rekomendasyon ng sabon para sa body odor ay iyong mga may kaaya-ayang amoy na dulot ng mga essential oils tulad ng green tea, lemongrass, at eucalyptus.
Ang mga nabanggit ay may kaakibat na antimicrobial at antibacterial properties na tumutulong natural na labanan ang mga mikrobyo.
Key Takeaways
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ang isang tao ng body odor. Ang pinakakaraniwang rason ay ang labis na pagpapawis na may halong mga bacteria.
Maaaring makaramdam ng pagkahiya at ilang dahil sa pagkakaroon nito. Gayunpaman, ang pagpapanatili ng mainam at wastong hygiene ang magsasalba sayo mula sa body odor.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito.