Ang pagkakaroon ng maitim na singit ay isang karaniwang skin concern anuman ang kulay ng balat. Kaya naman ang pampaputi ng singit ang gustong malaman ng marami.
Sa maraming kaso, ang hyperpigmentation ay nangyayari dahil sa friction mula sa masikip na damit, dry skin, chafing, o anumang uri ng matagal na pangangati sa balat. Kasama sa iba pang factors na nag-aambag ang ilang partikular na gamot, hormonal changes sa panahon ng pagbubuntis at regla, at mga kondisyon sa kalusugan, gaya ng eczema, polycystic ovary syndrome, at acanthosis nigricans.
Kung naghahanap ka ng mga paraan kung paano paputiin ang singit, maaaring makatulong ang mga sumusunod na natural na remedyo na suportado ng agham:
1. Aloe Vera
Maaaring magulat ka na ang aloe vera ay hindi lamang nakakatulong mag moisturize ang balat; maaari rin itong makatulong sa pagpapagaan ng hyperpigmentation.
Ipinakita ng isang pag-aaral na ang aloe vera extract at ang sangkap nito na tinatawag na aloin ay maaaring magsama-sama ng melanin, isang natural na pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Kadalasan, kung mas maraming melanin ang mayroon ka, mas maitim ang kulay ng iyong balat.
Ipinakita ng pananaliksik na ang pagsasama-sama ng melanin ay humahantong sa pagpapaputi ng balat . [1]”
Maaari kang gumamit ng sariwang aloe vera gel at ipahid ito sa iyong singit. Hindi na kailangang banlawan. Maaaring gumamit ng skincare products na naglalaman ng aloe vera extract at aloin.
2. Vitamin C
Kung naghahanap ka ng mga paraan na pampaputi ng singit, subukan ang vitamin C.
Napagpasyahan ng isang ulat noong 2020 na ang vitamin C ay maaaring humadlang sa melanin synthesis. At ito ay “malawakang ginagamit sa dermatology bilang treatment sa depigmentation ng hyperpigmented spot sa balat. [2]”
May isa pang bentahe ang vitamin C. Maaari nitong “gamutin at maiwasan ang mga pagbabago kaugnay ng photoaging.” [3]” Ang photoaging ay ang premature aging ng balat dahil sa paulit-ulit na exposure sa UV radiation.
Ang Vitamin C ay available sa oral preparations. Para sa pagpapaputi, maaaring bigyan ka ng dermatologist ng topical vitamin C na mga cream, serum, o concentrates.
Gumagamit naman ang iba ng kalamansi o lemon juice dahil sa taglay nitong vitamin C. Gayunpaman, tandaan na ang lemon at kalamansi ay acidic at maaaring magdulot ng pagkatuyo at pangangati, lalo na kung ikaw ay may sensitibong balat.
3. Kojic Acid
Ang Kojic acid ay isang sikat na sangkap sa pampaputi ng singit.
Inirerekomenda ng American Academy of Dermatology (AAD) ang paggamit ng skincare product na naglalaman ng kojic acid upang maging pantay ang kulay ng balat o mag lighten ang mga dark spot.
Gayunpaman, binanggit din ng AAD na ang skin-lightening ingredients, tulad ng kojic acid, ay malamang na maging mas epektibo kapag tinanggal ang mga nagdudulot ng hyperpigmentation [4].