Ang sunblock ay naging mas sikat kaysa dati. Halos bawat produkto ng skincare na magagamit ay sinusubukang isama ang mga sangkap na tumutulong sa pagprotekta at pagpigil sa pagtagos ng mga nakakapinsalang UV rays, ngunit paano talaga tayo tinutulungan ng mga sunblock sa katagalan? Totoo ba na ang paggamit ng sunblock araw-araw ay isang pangangailangan para sa mabuting kalusugan ng balat?
Pag-Unawa Sa Paggamit Ng Sunblock At Mga Label Nito
Tulad ng alam ng maraming tao, ang mga sunblock ay ipinapahid sa anumang bahagi ng balat upang magbigay ng proteksyon mula sa mga nakakapinsalang sinag ng araw. Bukod sa pagpapanatiling protektado sa atin mula sa sunburn, ang paglalagay ng sunscreen ay nakakatulong din sa pagpigil sa photosensitivity, maagang pagtanda ng balat, at maging sa kanser sa balat.
Ano Ang Broad Spectrum?
Ang “broad-spectrum” ay tumutukoy sa pag gamit ng kemikal na makakapagtanggol sa iyo mula sa parehong ultraviolet A (UVA) at ultraviolet B (UVB) radiations, sa pamamagitan ng pagsipsip, at pagpapakalat nito.
Ano Ang SPF?
Isinasaad ng Sun Protection Factor (SPF) kung gaano katagal bago mag react at mamula ang iyong balat at masipsip ang UV rays ng araw, pagkatapos maglagay ng sunscreen sa anumang bahagi ng iyong katawan, kumpara sa kapag hindi nagsusuot ng sunscreen. Halimbawa, humigit kumulang 15 minuto sa produktong may SPF 15.
Maraming sunscreens na nag-aalok ng malawak na hanay ng SPF, na umaabot mula 15 hanggang sa ilang kasing taas ng 100 +++.
Mga Sangkap Ng Sunblock
Pinoprotektahan ng mga aktibong sangkap ng sunscreen ang balat mula sa kalupitan ng araw. Dalawa sa kilalang sangkap na “generally recognized as safe and effective” (GRASE) ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ay:
- Titanium dioxide
- Zinc oxide
Ang iba pang naaprubahang aktibong sangkap ay binanggit din sa ibaba:
- Aminobenzoic acid
- Avobenzone
- Cinoxate
- Dioxybenzone
- Homosalate
- Meradimate
- Octocrylene
- Octinoxate
- Octisalate
- Oxybenzone
- Padimate O
- Ensulizole
- Sulisobenzone
- Trolamine salicylate
Mga Uri Ng Sunblock
Ang mga chemist na may lisensya at iba pang mga tagagawa ay lumilikha ng iba’t ibang uri at formulation ng mga produktong sunscreen, gaya ng mga:
- Lotion
- Cream
- Stick
- Gel
- Langis
- Butter
- Paste
- Spray
Ang pagpili kung anong uri ng sunblock mula sa ibinigay na listahan ay nakasalalay sa kagustuhan at uri ng balat ng taong maglalagay nito. Maaaring magkaiba ang mga direksyon sa application para sa bawat isang uri, kaya mahalagang basahin nang mabuti ang label bago gamitin.
Sino Ang Nangangailangan Ng Paggamit Ng Sunblock Araw-Araw?
Ang bawat tao’y dapat na regular na nakasuot ng sunscreen. Tulad ng pag-inom ng iyong mga bitamina araw-araw para sa pagpapalakas ng kaligtasan sa sakit, ang pang-araw-araw na sunscreen ay maaaring maprotektahan ka mula sa nakakapinsalang pagkakalantad sa araw nang higit pa–kagaya ng panganib na magkaroon ng iba pang mga kondisyon ng balat tulad ng squamous cell carcinoma (SCG). Walang exempted sa pagkakaroon nito, kahit na ang mga bata na nagsasaya sa ilalim ng araw.
Paggamit Ng Sunblock Araw-Araw: Kailangan Ko Bang Isuot Ito Kahit Nasa Loob Ng Bahay?
Natural lang na isipin na ang isang solusyon ay — manatili lamang sa loob ng bahay upang maiwasan ang pagkakalantad sa araw. Gayunpaman, maaaring hindi ito posibleng palagiang gawin o maging hindi rin mabisa.
Oo naman, ang mga salamin mula sa iyong mga bintana ay maaaring naroroon upang harangan ang karamihan sa mga sinag ng UVB. Ngunit hindi nito maaaring harangan ang lahat ng rays nang sabay-sabay at sa pantay na sukat. Malamang, ang ilan ay maaaring tumagos pa rin at maaaring magbigay parin ng posibleng pinsala sa balat.
Mahalaga pa rin na maglagay ng sapat na dami nito sa kabila ng pagiging nasa loob lamang ng bahay at depende sa tindi ng paggawa ng iba pang aktibidad.
Paggamit Ng Sunblock Araw-Araw: Anong Oras Ko Kailangan Mag-Apply At Gaano Kadalas?
Pinakamabuting ilapat sa mukha ang ilan sa mga kinakailangang proteksyon 15 minuto bago malantad sa araw. Ihanda ang iyong balat sa pamamagitan ng paglalagay ng masaganang halaga na masasakop ang mga bahagi ng iyong katawan na malalantad sa araw — tulad ng iyong mukha, tainga, maging ang iyong mga labi. Ang isang lip balm na may ilang SPF 30 ay maaaring gumawa ng buti para sa iyo.
Nagaganap din dapat ang muling paglalapat ng sunblock tuwing 2 oras sa buong araw.
Key Takeaways
Ang paggamit ng sunblock araw araw ay maaaring maging isang mahusay na hakbang sa pag-iwas at proteksyon para sa iyong balat habang tumatanda ka. Ngunit, hindi pa rin nito inaalis ang iba pang mga posibilidad. Kaya mahalaga pa rin na humanap ng magandang lilim at protektahan ang ibang bahagi ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagbibihis nang naaayon.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis sa Balat dito.
[embed-health-tool-bmi]